Rita's POV
"Gaga ka talaga kahit kailan" Lianne said.
Andito kami ngayon sa isa sa mga secret hangout namin. Medyo tago kasi ito, malayo sa kalsada, and walang advertisements on any platform. Family friend ni Lianne ang may-ari nito kaya sa tuwing gusto namin maghangout privately, we would go here kung saan di makikita ng mga fans namin.
"Bakit ba? Anong masama?"
"Masamang-masama. Hoyy ipapahamak mo lang yung sarili mo sa ginagawa mo"
"Matagal nang nasa kapahamakan yung buhay ko. Wag ka na ngang OA diyan"
I looked at her. Kitang-kita sa mga mata niya ang concern.
"Does he know?" she asked.
"Of course not"
"Gaga ka nga, confirmed. 100%. Bakit di mo sinabi?"
"Para ano? Para magfail yung plano ko?"
"Hindi. Ano ka ba. Eh paano nga kung magfail niyang plano mo? Wala kang mahihingan ng tulong"
"Meron ha. Ikaw?" I smiled pero mukhang di pa rin siya natutuwa, "Uyy smile ka na"
"Ewan ko sayo Rita. Pag 'yan talagang pinaplano mo magfail, ewan ko na lang. Rather than saving your loved ones, baka buhay mo pa yung kailangan nilang isalba"
"Naku naku naku. Ginagawa ko nga 'to for them eh so lahat talaga gagawin ko just to protect them"
"Mahal mo?" she looked at me seriously.
"Gagawin ko ba 'to kung di ko mahal?"
"I knew it. Ikaw na talaga ang pinakamarupok kong kaibigan"
"You know that I am born marupok, right?"
Nagtawanan lang kami. Ang sarap kapag kahit anong bigat na ng topic na pinapag-usapan niyo ay napapagaan ng mga mumunting tawanan na walang makakarinig, walang manghuhusga. Happy lang, kumbaga.
That's why I really love Lianne. Wala kasing pretentions when it comes to her. Kaya nga nireto ko siya kay Kuya Greg noon eh. Buti naman at nahulog na nga sa isa't isa.
I can say na ako ang isang dakilang love matchmaker. Sadly, I cannot do that for my own.
"Sigurado ka ba talagang okay lang sa friend mong magstay tayo dito?"
"Oo naman. You know, siya pa nag-offer sa akin ng place na ito kaya hayaan mo na"
"Lianne, mars. Ilang taon na tayong magkaibigan at soon to be sister-in-law na pero parang di mo pa sa akin naipakilala yung friend mong may-ari nito"
"Wag mo nang alamin. Basta, you can stay here as long as you want"
"Wow paspecial ako sa kanya?" natatawa ako sa pinagsasabi ni Lianne sa akin. Nagtataka ako kung sino itong mystery friend na may-ari ng cafe na ito.
"Special rin naman siya sayo" pabulong na banggit ni Lianne but hindi naman nakaligtas sa mga wonderful ears ko.
"Ano? Special siya sa akin?"
YOU ARE READING
Filming Love
عشوائيCan you still love him even if he cannot take you out of the camera's limits? Take this another journey with them as I unfold their story behind those lenses. Will it be as bright as the flickers or will it be as dark as the tripods?