Ken's POV
"Choi may nag-alarm sa phone mo. 8am. PM for L ang nakalagay" sabay abot ng phone ko pagkalabas na pagkalabas niya ng CR.
Agad niya sa akin kinuha ang phone niya saka chineck. "Ah wala ito. Nag-alarm kasi ako kagabi para to make sure na hindi tayo malelate ng gising"
"Ah. Pero ano yung name na yun ng alarm mo?"
"Hehe wala lang. Parang lang maalala ko"
Hindi ako naniniwala. Sa tagal pa naman ng pagsasama namin, alam kong nagsisinungaling siya pero hindi na ako nagtanong pa. Hintayin ko na lang na siya mismo ang mag-open up sa akin.
"By the way, nakaorder na ako ng breakfast natin. Iaakyat na lang daw nila in 10 mins." pag-iiba ko na lang ng usapan.
"Ah sige. Salamat Chow. Everything ready na rin?"
"Yep"
"Mommy! Look at me. Am I beautiful?" nagulat akong biglang lumusot mula sa likod ko si Dani.
"Wow of course my baby. You're always pretty. Payakap nga" sabay lapit kay Dani at yumakap siya nang napakahigpit.
Bakit kaya parang nagiging emotional si Rita lately?
Agad na naming inayos ang aming mga sarili after namin magbreakfast. Ipinasok ko na rin lahat nung mga gamit namin sa sasakyan. Kinarga ko na rin si Dani papuntang sasakyan at sinecure sa kanyang car seat.
Last look sa kwarto? Okay wala nang naiwan. We gotta go.
Mga one hour lang naman yung biyahe pauwi kina Mommy. Nakapagpromise na kasi kami na sa amin magsleepover ang mag-ina ko then bukas kina Tita Osang naman. And then tsaka kami titira na finally sa pinagawa kong bahay para sa aming tatlo.
May pinafinalize pa kasi ako sa mga fixtures sa loob ng bahay kaya hindi pa agad kami nakalipat kahit matagal na itong nakatindig. Gusto ko kasi as much as possible pleasing to the eyes at yung alam kong magugustuhan ng mag-ina ko.
Yes, mag-ina ko talaga sila kahit hindi pa kami kasal ni Rita pero may anak kami. Pamilya ko sila.
Nagpalagay pa nga ako ng separate room kung saan andoon lahat ng trophies namin ni Rita as best actor and best actress sa iba't ibang award-giving bodies dahil sa mga pinagsamahan naming mga TV dramas and films. As blessed by the Lord, lagi kaming nananalo ng mga awards.
At dahil yan sa sipag at tiyaga niyo, Mommy and Daddy.
Sa loob rin ng same room na ito ay yung mga musical instruments ni Rita. Andoon yung unang gitara niyang natanggap mula sa dad niya noon. Naroon din ang piano na gustong-gusto niyang tugtugin tuwing gabi, pati na rin ang violin na parang bihira niyang galawin.
Pagdating sa bahay nina Mommy ay isang mahigpit na yakap ang natanggap namin. Kakagising lang din ni Dani kaya papungay-pungay pa siya ng mata.
Malapit na rin maglunch kaya amoy na amoy na namin ang masasarap na ulam na niluluto sa kusina.
"Parang may naaamoy akong caldereta, Tita ah" pagsingit ni Rita.
"Yes oo nagpaluto ako. Pero wala pa ring tatalo sa caldereta mo hija"
"Promise, lulutuan kita ulit nun Tita. Raramihan ko para pati si Bryan makatikim"
YOU ARE READING
Filming Love
RastgeleCan you still love him even if he cannot take you out of the camera's limits? Take this another journey with them as I unfold their story behind those lenses. Will it be as bright as the flickers or will it be as dark as the tripods?