Cam 013: Surface

146 11 60
                                    

Ken's POV



After that heated discussion under the rain in the past week ay hindi na niya ako pinapansin if may guestings kami to promote our new teleserye.



Fake smile up the stage. No smile backstage. Cycle repeats.



Good thing we're really good actors. We are able to pull things up without anyone noticing it.



"May susundo ba sayo?" I shyly asked when I saw her waiting outside the tent habang may katext.



"Alam mo na siguro ang sagot diyan" she just blankly stared at me.



I got in to my car pero nakatitig pa rin ako sa kinaroroonan niya. Pagabi na rin kasi and I'm worrying na baka walang susundo sa kanya. Ilang buwan ko na ring hindi nakikita si Brent.







Finally, a car parked at her front.



"Kuya!" rinig kong sabi niya.



Buti naman at nasundo siya ng kuya niya. Pumasok na nga si Rita sa sasakyan ng kuya niya. And so I decided to drive home na rin. Wala si Kuya Arman, birthday kasi ng pamangkin niya kaya pinabakasyon ko muna.









Pag-uwi sa bahay ay sinalubong ako ng mahigpit ng yakap ng pamangkin kong si Bryan, nag-iisang anak ng kuya ko.



"Ma, dito na po ako!" I shouted because I know na nasa kusina lang ito. Sa labas pa lang kasi ay amoy na amoy ko na ang mabangong adobo na specialty ni Mommy.



At tama nga, mukhang hindi niya ako narinig so I decided na puntahan siya sa kusina.



Agad ko namang siyang niyakap sa bewang at inilapat ang baba ko sa shoulder niya na ikinagulat naman niya nang bahagya.



"Naku ang anak ko naglalambing na naman. Palibahasa, walang malambingang iba"



"Mommy, issue ka ha. Masaya lang ako na umuwi lalo na pag yung the best adobo na yung ihahain"



"Ay sus ang anak ko, binobola na naman ang Mommy. Halika na nga, tulungan mo na lang akong pag-ayos ng lamesa nang makakain na tayo"



Agad naman akong bumitaw para ilagay ang mga placemats sa dining table. Nilagay ko na rin ang mga utensils, plates, mugs, at yung serving platter for the adobo.











"Anak, maalala ko pala. Baka naman pwede mong mahiram yung baby ni Rita oh."



Nagulat naman ako sa sinabi ni Mommy



"Mommy?"



She smiled, "Ay sorry anak. Alam ko naman na hindi naging maganda yung pagseparate niyo noon. Ang cute lang kasi nung bata tsaka yung mga apo ko naman puro lalaki eh"



"Mommy, ikaw na nga nagsabi, wala kaming closure noon. Malamang hindi yun papayag na malayo ang anak niya sa kanya"



"Papayag 'yun anak. Papakiusapan ko"



"Mommy? How sure are you na papayag si Rita?"



"Papakiusapan ko nga anak. Alam mo namimiss ko na rin yung pagpunta lagi ni Rita dito sa bahay nung kayo pa eh"



She also missed those times.







Yung mga panahong it's either ako ang sumusundo sa kanya sa unit niya or siya yung bigla-biglang sumusulpot dito at may dalang pagkain.







Filming LoveWhere stories live. Discover now