Ken's POV
Nataranta naman ako paghipo ko na inaapoy siya ng lagnat.
"Choi naman, kanina ka pa ba nilalagnat ha?"
Kaya pala kanina pa matamlay ang mga mata niya. Akala ko nagtatampo lang sa akin o nalulungkot.
Damn Ken! Ang manhid mo talaga kahit kailan.
"Be still" mahinang sabi ni Rita, "Just be here by my side would be more than fine"
Napahiga naman ako sa gilid niya nang bigla niyang hinila ang kamay kong nakalagay sa noo niya. Nakapikit lang ito at walang lakas.
"Ang lamig ng aircon" pagrereklamo nito pero hindi naman nakabukas yung aircon.
Ah kaya ba kanina pa siya nagsasabi na huwag kong buksan ang aircon dahil kanina pa siya nilalamig? Kanina pa siya siguro nilalagnat. Damn, Ken Chan!
"Choi, nakapatay yung aircon. Nakasara din ang terrace door pati ang mga bintana. Malamig pa rin ba?"
Isang mahinang pagtango ang isinagot niya sa akin.
Agad ko namang ipinasok ang katawan ko sa ilalim ng makapal niyang kumot. Iniligay ko ang kaliwang kamay nito payakap sa bewang ko para mabigyan ko siyang ng tamang init, nang maibsan ang panlalamig nito. Panlalamig na pisikal at emosyonal na rin kung kaya.
Lalong isiniksik ni Rita ang ulo niya sa dibdib ko, dahilan para lalo kaming mapadikit sa isa't isa.
Mahigpit ko siyang niyakap at hinalikan ko ang kanyang ulo.
"Masakit ba ulo mo?"
Umiling siya.
"Gusto ko lang matulog. Pwede ba?"
"Oo naman, Choi, tulog ka lang ha. Dito lang ako, hindi kita iiwan, promise. Sorry na rin dahil hindi ko naramdaman kanina pa na masama pala ang pakiramdam mo"
"Lagi ka namang walang pakiramdam, what's new?" marahan niyang sagot. Tingnan mo may sakit na nga, maldita pa rin kung sumagot.
"Oo na po. Kasalanan ko na po. Sorry na nga."
Halos ibinalot ko na sa buo niyang katawan ang makapal na kumot na ito.
Nang maramdaman kong mahimbing na ang pagkakatulog nito ay maingat kong inialis ang kamay nito sa pagkakayakap sa akin. Gumalaw siya nang kaunti pero tulog pa rin naman.
Maingat akong tumayo mula sa higaan niya at ibinalik ang kumot sa kanyang katawan. Inaapoy pa rin siya ng lagnat.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Ms. Tracy.
"Hello, Ken?" pagsagot mula sa kabilang linya.
"Ms. Tracy, may gamot po ba kayo sa lagnat dyan?"
"Ha? Bakit sinong nilalagnat?"
"Si Rita po eh. Kanina pa siguro. Hindi ko man lang napansin."
Bigla na naman akong nalungkot sa sinabi ko.
"May Paracetamol ako dito sa kwarto. Pero saglit, kailangan muna siguro natin ipatest si Rita. May bagong variant na naman daw kasi."
YOU ARE READING
Filming Love
RandomCan you still love him even if he cannot take you out of the camera's limits? Take this another journey with them as I unfold their story behind those lenses. Will it be as bright as the flickers or will it be as dark as the tripods?