Rita's POV
Kinabahan ako bigla. Napatapon ko tuloy ang telepono ko at muntikan na ngang lumabas sa bintana. Agad din namang napatayo si Ken mula sa posisyon namin kanina at inalalayan ako upang makaupo.
"Anong problema? Okay ka lang ba?" may pag-aalala niyang tanong sa akin.
Hindi ko mapigilan ang kabog sa dibdib ko. Tiningnan ko siya nang makahulugan. Napatungo ako, "Yes okay lang ako. Sorry nagulat ka ba?"
Unti-unti niyang inangat ang chin ko upang matingnan ko siya sa mata.
"Look, Rita, kilala kita. Alam kong hindi ka okay. Anong problema? You can tell me"
Mapagkakatiwalaan ko pa nga ba ang lalaking ito o laro pa rin sa kanya ang lahat?
"Sabi mo gusto mong bumawi diba?"
Nakatitig lang siya sa akin. Naghihintay sa idudugtong ko sa sasabihin ko.
He nodded
"Be a father to Dani. Sa condo ka umuwi after ng lock-in taping na 'to. Game?"
Parehong nangungusap ang mga mata namin, sapat na para magkaintindihan kami.
"May prize ba ako if I'll do that?" seryoso niyang tanong kaya alam kong hindi siya nagbibiro.
"The truth. That's your prize. Deal?"
We shook hands. We agreed to a plan na ako lang ang nakakaalam. Actually, hindi talaga siya plano. Gusto ko lang na may depensa laban sa demonyo kong asawa.
Brent's back. If money plays nga naman, walang kriminal na hindi makakalabas ng kulungan kahit na ilang charges na ang isinampa ko sa kanya.
May tumulong doon panigurado.
I just need someone na makakapitan ko.
Am I just using him? A part of, pero may mas malalim pa akong dahilan.
Gusto ko silang magkalapit.
Ken's POV
Aaminin ko natuwa ako sa deal namin ni Rita. Imagine, parang bumabalik na sa dati ang lahat. Makakapunta na rin ako freely sa condo nito. Bonus pa ang makasama ang Dani niya, na favorite na favorite daw ako. And something in me loves it.
Pero nahihiwagaan ako at natatakot. Hindi ko alam pero parang kinakabahan naman ako. Kita ko ang takot at pangamba sa mga mata ni Rita nang makita pa lang niya ang number ng tumatawag kanina, lalo na nung sinagot na niya ang tawag.
Magdidilim na. I asked Rita kung anong gusto niyang kainin.
"Wow, parang ang dami namang options diyan sa dala mo. Ayan na lang yung itlog"
Natawa naman ako nang itinuro niya ang isang maliit na tray ng brown eggs na dala ko. "Ikaw Rita ha, ang hilig mo pa rin sa itlog"
"Parang sira 'to. Magvovolunteer na nga akong lutuan ka ng scrambled eggs as my way of saying thank you, wag na lang pala. I changed my mind."
YOU ARE READING
Filming Love
RandomCan you still love him even if he cannot take you out of the camera's limits? Take this another journey with them as I unfold their story behind those lenses. Will it be as bright as the flickers or will it be as dark as the tripods?