Rita's POV
Mag-iisang linggo na rin yata nang makalipat kami dito sa bahay na pinatayo ni Ken. Dahil bago pa nga ay wala pa itong kalaman-laman pero napabless na rin namin.
Tinago niya ito sa public. Hindi kami nagpipicture nor nagvivideo dito na pinopost sa socmed accounts namin. If ever man na meron, nakashare lang sa family and closest friends namin.
Naka-home schooling lang din as of the moment si Dani. Dahil nga may balak si Ken na ilipat kami ng tirahan, inisip ko na if pumasok sa regular school si Dani, baka mahirapan kaming ilipat siya ng school at the middle of the school year since January yung scheduled move namin. Para new year, new home. Naggain pa rin naman siya ng friends kahit online lang siya kaya nga may Troy din siyang bestfriend.
"Jenny, dali na. Help mo na ako sa plan ko please. I wanted to surprise him on the 17th, exactly 12mn" sabi ko kay Jenny habang magkausap kami sa phone. Sobra akong naeexcite na isorpresa siya pero hindi ako makapagdecide kung paano.
Nasa iisang bahay na lang kami ngayon kaya hindi ko alam kung paano ko maitatago yung mga gusto kong gawin.
"Sige no problem Ate. Bakit ngayon mo lang sinabi eh ilang days na lang? Kaya ba?"
"Kakayanin basta hehelp mo ako. Sino pa ba sa cafe ang pwedeng makatulong sa atin?"
Mga limang minuto rin ang tumagal sa pag-iisip ni Jenny. Buti na lang wala si Ken dito at pupunta nga daw siyang Santa's Cafe.
"Dali na" pagmamadali ko sa kanya na ikinatatawa ko rin.
"Teka, ate. Ahmmm alam ko na! Bukas kasi may taping si Kuya, nabanggit ba niya yun sayo?"
"Ahh oo naman. Tinulungan ko pa nga siya mag-empake ng dadalhin niya eh. Pero one day lang yun diba?"
"Oo daw po Ate. February na daw po yung next taping. Ayun magkita po tayo sa 15 para mapag-usapan natin yung plano ko. G ka ba ate?"
I checked the calendar. We can meet. Siguro after kong masure muna if tatamaan yung scheduled visit ko pero buti maaga naman yun.
YOU ARE READING
Filming Love
RandomCan you still love him even if he cannot take you out of the camera's limits? Take this another journey with them as I unfold their story behind those lenses. Will it be as bright as the flickers or will it be as dark as the tripods?