Rita's POV
Nagulat ako pagkagising ko sa scene na bumungad sa akin nitong umaga. Magkayakap kami ni Ken sa kama, totoo ba 'to?
Pinagmamasdan ko lang ang mga magagandang mata ni Ken. Hindi pa rin ito nagbabago. Napakaexpressive pa rin hanggang ngayon. Itong mga mata ang nakadali sa akin noon, mukhang ito pa rin ang makakatisod sa akin ngayon.
Pero hey how did this happen? Ang naalala ko lang kagabi ay iniwan ko si Ken mag-isa sa sala. Paanong andito na siya ngayon sa tabi ko at magkayakap pa kami ha.
Luminga-linga ako. Nasaan din yung batang yun?
Akmang tatayo na sana ako nang bahagyang gumalaw si Ken.
"G-good morning, Mommy" bati nito.
"Anong Mommy ka dyan? Wala si Dani dito huyy kaya drop that Mommy thing"
"Oh teka bakit nagagalit, kaaga-aga eh. Diba ikaw na nga ang nagsabi na gusto mong masanay na yung dila mo"
I smirked. Well it's true. I just felt awkward lang.
He smiled.
Long smile.
"Hoy nababaliw ka na yata. Hindi ka na lang pala bingi ngayon, baliw ka na rin"
"Bingi? Kailan pa ako naging bingi?"
Ooof wrong move. It was a memory 6 years ago. Nakakainis. Napakagat tuloy ako sa labi ko.
"Ah looking at you, I think may naalala ka sa past natin no?"
"Anong naalala? At anong past? Wala tayong past. Tigilan mo ako"
"Oo nga pala" sabay taas-taas ng kilay niya, "wala nga palang past kasi present and future ang meron tayo, diba Mommy?"
"Ewan ko sayo. Magtoothbrush ka na nga doon, ang baho ng hininga mo"
"Aba itong hiningang ito ang paborito mong breakfast noon, wag mo 'kong lokohin huy"
"Pinagsasabi mo? Bahala ka na nga dyan Ken Chan. Bababa na ako"
"See you later Mommy"
Ughhh nakakainis. Inaasar pa nya akong lalo.
No, Rita. You cannot be swayed. Kung hindi masisira lahat ng plano mo sa kanya.
Plano namin, I guess.
"Oh kuya, bihis na bihis ka. May date?" pagsalubong ko kay Kuya Roy paglabas ng kusina.
"Ah hindi huy. Kakatext lang kasi ni Eunice. Pwede ko daw ipasyal si Lorraine today kaya ito super excited"
"Ay wow. Miss ko na rin yung pamangkin ko na yun. Next time sama kami ni Dani ha"
"Oo naman bunso. Sige na alis na ako. Ingat kayo ni Dani dito ha."
"Oo naman kuya. Ay teka si Mama, di ko pa nakikita"
YOU ARE READING
Filming Love
RandomCan you still love him even if he cannot take you out of the camera's limits? Take this another journey with them as I unfold their story behind those lenses. Will it be as bright as the flickers or will it be as dark as the tripods?