Rita's POV
Ughh I really can't wait to see my baby. Halos isang buwan din kami dito and now 2 days na lang, we'll be having our taping break muna bago yung second wave of lock-in.
Finally, it was announced na rin na pandemic's over sa buong bansa kaya back to the usual style of taping na rin. But our team decided na magpush through na lang sa napagkasunduang lock-in tapings since nareserve na itong place until matapos ang shoot.
"Rita, bebe. Last sequence na daw and we're all free yey!"
"Ughh Ms. Tracy. I can't wait na. Sana Saturday na agad bukas"
"I know that motherly excitement no. First time mom ka lang din naman kasi kaya ganyan. Look at me. I have three kids na kaya medyo kinakaya ko na rin ang malayo sa kanila"
"At least naman kasi meron kang asawa na magbabantay sa mga bata"
"Get Dani her dad na kasi"
"Actually, part na yan ng plano ko pagbalik ng Manila."
Ms. Tracy seemed so excited.
"Talaga, baby? Excited na ako"
"Di nga halata sa reaksyon ng mukha mo" and we chuckled.
Tamang-tama namang paglapit ni Ken dito sa garden kung nasaan kami nakaupo ni Ms. Tracy.
"Ready for the last sequence my baby boy?" I uttered.
Nagulat ko yata si Ken. I gave out a peace sign, "Joke. Ito naman. Ginagaya ko lang si Ms. Tracy kasi alam kong yan ang sasabihin niya sayo. Wag kang assuming dyan" sabay irap sa kanya.
"Niloloko mo ko no?"
"Di ba obvious?"
"Ewan ko sayo Choi"
Napalingon ako sa kanya bigla.
"Aw sorry. Di ko sinasadya. Lumabas lang sa bibig ko" pagdedefend ni Ken.
"Bakit ka nagsosorry? Actually, namiss ko na ring tawagin kang Chow eh. Chow?"
He smiled. Alam kong matagal na niya itong gustong marinig muli sa akin.
"Tigilan na natin yung di pagkakasundo nating dalawa. Kalimutan mo na nga yung mga nangyari noon. Haller, 2026 na kaya. Pagod na rin ako"
Ngingiti-ngiti lang ito sa akin. Kung di ka lang gwapo at kung di lang kita kailangan ngayon, Chow eh.
Chow. Parang ang sarap pakinggan pero parang ang bigat sa pakiramdam.
"Oh tara na. Baka naghihintay na sina Direk doon" pagputol ni Ms. Tracy sa usapan namin.
"Pagbalik natin sa Manila, sa condo ka uuwi, Dad" pabulong kong sinabi bago kumapit sa braso ni Ms. Tracy.
I know he was dumbfounded pero I need to do that. I want him to believe. To believe in me this time and to trust me sa gagawin ko.
Last scene for this first phase is a hammock scene.
Like a pa-hammock na scene, na sana walang mapa-hammock.
YOU ARE READING
Filming Love
RandomCan you still love him even if he cannot take you out of the camera's limits? Take this another journey with them as I unfold their story behind those lenses. Will it be as bright as the flickers or will it be as dark as the tripods?