Iisa ang paaralang pinapasukan nina Aning at Zuriel, noong ang babae ay nasa High School at ang huli naman ay nasa kolehiyo. Nagkaroon ng relasyon ang dalawa dahil lang sa isang lalaking gusto ni Zu. Si Kobe. Tinatago ni Zu kay Kobe ang totoo niyang katauhan upang hindi siya nito iwasan. Subalit nagwakas rin ang ugnayang meron sina Aning at Zuriel noon.
Ilang taon ang nakalipas, muling nag-krus ang kanilang landas ngunit hindi agad nakilala ang isat isa. Si Zu ay malaki ang ipinagbago buhat nang manirahan kasama ang ama nitong koreano at si Aning naman ay nagbago rin.
Muli silang nagkaroon ng ugnayan dahil sa kayamanang pinaka-iingatan ni Zuriel na hindi mawala sa kaniya.
Ano nga ba ang mangyayari kapag nalaman ni Aning na si Zu pala ay isang bakla at nagkaroon pa ng karelasyon bago sila nagpakasal? Sundan ang kwento nina Aning at Zuriel kahit na sila ay hindi talo pero sa huli, puso nila'y hindi nagpatalo.
Ang tunay na pag-iibigan sa pagitan ng tunay na babae at ng pusong babae.
Part 1
“Aning!” sigaw ng nanay ni Aning. Ang ganda ng pangalan niya pero hindi mabigkas-bigkas ng tama ng kanyang ina kaya minabuting sa palayaw na lamang siya nito tinatawag. Pero ang layo naman sa tunay na pangalan ng anak.Kasalanan kasi ng tatay niyang British dahil ito ang nagbigay ng kanyang pangalan.
Ang tatay niyang matagal nang nagpaalam na babalik sa bansa nito pero umabot yata ng ilang taon hindi pa rin umuuwi sa kanila.
“Aning! hay na’kong bata ka. Maaga pa pasok mo tapos tutulog-tulog ka pa. Malayo pa lalakarin mo papunta sa eskwelahan.” Parang manok na putak nang putak ang bunganga ng ina ni Schiyev habang abala sa kakahiwa ng sibulyon, at panay naman ang luha nito. Nagluluto ito ng almusal. “Aning! Ano ba!” dagdag nito.
“Nay!”
“Ay palaka!” Nagulat ito dahil ang lapit lang ni Schiyev na sumagot. “Bakit ka ba sumisigaw at malapit pa sakin?”
“Nay naman kasi. Kanina pa po ako sa likod n’yo nag-iingay pa rin po kayo.”
“Aba’y malay ko ba na nasa likod lang kita.”“Paano naman kasi, putak nang putak po kayo kaya hindi mo po naramdaman ang pagbaba ko.”
“Maligo ka na nga doon. Nakahanda na ako ng mainit na tubig para sayo.”
“Salamat po.”
Tinungo ni Schiyev ang banyo. Nakahanda na nga ang pampaligo niya. Napangiti tuloy siya sa naramdaman niyang saya dahil sa kabaitan ng kanyang ina. Kahit laging sumisigaw ang kanyang ina pero nararamdaman niya pa rin ang pagmamahal at maayos na pag-aalaga nito.
Inilagay ni Schiyev ang dulo ng kanyang hintuturo sa loob ng baldeng may laman ng tubig. Tinatanya kung gaano kalamig ang tubig.
“Grrr...ang lamig,” saad niya at nanginginig pa.
Mayamaya ay inulusong niya ang isang buong kamay sabay pisik sa mukha.
“Iyan. Konting pisik muna,” sabi niya na pangiti-ngiti pa.
SPLAAASSSSSHHHH...
“Hu! Inay naman eh,” gulat niyang sabi.
“Hindi ka matapos-tapos sa pagliligo kapag pisik lang ang ginagawa mo.”Tahimik lang si Schiyev at mas lalong nanginginig. Paano naman kasi, ang bilis ng kamay ng kanyang ina. Inunahan siya sa pagbuhos ng tubig sa katawan at isang balde pa. Kaya napa-hinga nang malalim dahil sa lamig.
“Oh!” sambit niya nang makitang bubuhusan siyang muli ng ina. “Ako na po. Kaya ko na po ang lamig. Salamat po sa inyo.”
“ Sige. Bilisan mo na riyan. Itutuloy ko lang ang pagluluto ko ng almusal at nang makakain ka bago pumasok.”
“Mabuti pa nga po,” sagot niya. “Nanay talaga,” sabi pa niya nang makaalis ang ina at nagsimula nang maligo.Pagkatapos niyang maligo, nag-ayos na rin ng kanyang sarili.
“Tapos ka na ba? Maupo ka na at lagyan mo na ng laman ’yang tiyan mo." Aya nito at inabutan siya agad ng plato.
“Opo nay. Salamat po.”
“Damihan mo ang kain ha. Napaka-sexy mo na.”
“Talaga po?” Nanlaki naman ang kanyang mga mata sa sinabi ng kanyang ina.
“Oo. Talagang talaga. Nakikita na nga ’yang buto mo sa leeg. Para kang kalansay sa itsura mo.”
“Nanay naman. Ang hilig n’yo pong mangantiyaw sa’kin.” naiinis niyang wika.
“Aba, anak! Totoo naman. Ito paalala lang ha. Kapag naglalakad ka at parang nakikinita mo na may malakas na hanging dadaan sayo, lumapit ka agad sa puno. Kumapit ka nang mabuti para hindi ka matatangay.”
“Naayy...”
“Pero sisiguraduhin mo na ’yong puno na kakapitan mo ay mas malaki pa sayo ha.” pagpapatuloy na saad ng kanyang ina.
“Sige lang , inay. Asarin mo pa ako. Keri ko lang.” Nagtampo tuloy siya.
“Hu! Ito naman, pinapasaya ko lang ang araw mo. Alam mo naman na kahit inaasar kita, mahal na mahal kita.” Hinaplos ng ina niya ang kanyang pisngi.
“Alam ko po ’yon, kaya pinapabayaan ko lang po kayo na asarin ako. Paraan mo lang ’yan para ipakita ang pagmamahal mo po sa’kin.”
“Tama. Kaya hala...kain nang kain. Maglalakad ka pa papuntang school mo.”Maglalakad pa si Schiyev ng dalawampung minuto bago makarating sa kanyang school. Kaya maaga siyang ginigising ng kanyang ina.
At ilang sandali pa...
“Nay, aalis na po ako. Mag-aalas seis na.”
“Sige anak. Mag iingat ka. ’Yung baon mo?”
“Nandito na po sa bag ko.”
“’Yung panyo mo?”
“Handa na rin po.”
“Eh, ’yung perang baon mo?”
“Nasa bulsa ko na po.”
“Oh, sige lakad na. Mag-iingat ka ha. May kasabay ka ba?”
“Si Rhea po. Kaklase ko. Maghihintay raw po siya doon sa malaking puno.” Ang punong sinasabi niya ay ilang metro lang ang layo sa kanilang bahay.
“Sige..”Papalabas na ng pintuan si Schiyev nang biglang hinarap muli ang ina.
“Bakit?”
“ ’Yung salamin ko po. Nakalimutan ko sa kwarto.”
“Ako na ang kukuha. Sandali.” Bumalik rin agad ang ina nang makuha ang salamin ng anak.“Heto na ,Aning. Mag-iingat ka. Teka! ’Yung halik ko. Pampaswerte pa naman ito.” Hinawakan pa ng ina ang kanyang noo saka hinalikan nang mabilis.
“Ayan. Ingatan mo ’yung halik ko anak. Pampaswerte ’yan.” Paalala nito.
“Opo.” Saka tuluyang umalis.Bago makarating ang dalagitang kinse-anyos pa lang na si Schiyev, dadaanan muna niya ang bahay ni Aling Lilian. Na kasalukuyang naglalaba nang maaga at matatapos na.
Lagi nitong ginagawa ang paghagis ng pinagbanlawan na tubig sa harapan ng bahay nito. Saktong padaan na si Schiyev nang hindi sinasadyang matapunan siya ng pinagbanlawang tubig ni Aling Lilian.
“Eeeh! Aling Lilian naman eh.”
“Naku ,anak. Patawad. Hindi ko naman alam na dadaan ka.”
“Paano n’yo po malalaman. Eh abala po iyang mga mata n’yo sa mga nilalabhang damit po,” mangiyak-ngiyak niyang sabi.
“Naku, Aning. Pasensya na.” Lumapit ito saka pinunasan ang uniporme ng dalagita. “Sandali. Kukuha lang ako ng tuwalya. Ipapahiram ko muna sayo.”
“Huwag na po.” Tanggi niya. Ayaw niya kasing mahuli.
“Hindi! Sandali lang ako.”Walang nagawa si Schiyev kundi ang hintayin na lamang si Aling Lilian. Pagbalik nito ay dala na ang isang bagong tuwalya. Halatang hindi pa nagagamit.
“Oh, heto. Gamitin mo muna.” Iniabot nito ang kulay bughaw na tuwalya. “Pasensya ka na talaga ha.”
“Ayos na po ’yon. Alis na po ako. Naghihintay na sa’kin iyong kaibigan ko.”
“Ah, sige. Pero nariyan pa ’yung anak ko, baka gusto mong sumabay sa kanya.”
“Naku! Huwag na po.” Tanggi niya saka tuluyan nang nagpaalam kay Aling Lilian.Ang tinutukoy ni Aling Lilian na anak niya ay nasa kolehiyo na at limang taon ang agwat nito sa dalagita. Alam ni Schiyev na may anak itong mabait at hindi pala-gala. Pero hindi niya ito kailanman nakikita dahil ang alam niya, mas gusto nitong manatili sa loob ng bahay nila.
----------End of Part 1-----------
YOU ARE READING
Incompatible
RomanceAning and Zuriel Love Story Hindi raw sila talo pero puso nila'y hindi nagpatalo