Part 11

2 0 0
                                    

Mabuti na lang at nagustuhan ng lolo ni Bekket si Aning kahit na lingid sa kaalaman nito na hindi totoo ang lahat.

“Saan ba ’yung bahay na inuupahan mo?” Nasa likuran ni Bekket ngayon si Aning at nakasakay sa motorsiklo nito. Ihahatid niya ang babae sa inuupahang bahay.

“Malapit na,” sigaw nito para marinig ni Bekket. “Lumiko ka sa unahan saka dire-diretso hanggang langit.”

“Ano?” Nabigla si Bekket sa sinabi nito.

“Basta! Malalaman mo kung nandon na tayo.”

Lumiko si Bekket. Dumiretso naman sa sunod na daanan. Ilang minuto pa at narating na nila ang inuupahan na bahay ni Aning.

“Dito na,” sabi ng dalaga.

Bumaba ang dalaga. Dala na niya ang backpack at ang kanyang maliit na maleta. Gabi na siya naihatid ni Bekket dahil sa may mga bagay silang pinag-usapan

“Oh! Nasaan na ’yong langit na sinasabi mo?”

“Hu . . . Ang lakas ng loob naman ng babaeng ito dalhin agad ako sa langit,” bulong niya.

“Hayun oh!”

Itinuro ni Aning ang mataas na hagdanan papunta sa kaniyang bahay. Kung iisipin nga para itong papuntang langit dahil sa taas.

“Diyan ka nakatira?” Sabay turo nito.

“Oo! Parang langit ’di ba? Ang taas?”

“Wala bang elevator?”

“Meron!”

“Eh, bakit maghahagdan ka pa?”

“Hay Naku! Ayokong lumabas muli ang kinain ko kanina. Ang sakit kaya sa tiyan.”

Naalala nga pala ni Bekket. Takot si Aning sa elevator.

“Sasama ka ba sa ’kin sa bahay?” tanong ni Aning sa kanya.

“Ah,hindi na. Safe ka na naman kaya aalis nako.”

“Sige, ikaw ang bahala.” Akmang tatalikod na pero pinigilan siya ni Bekket/Zu

“Sandali lang.” 

“Oh? May sasabihin ka pa ba?”

“Susunduin kita bukas. Isasama kita sa bahay. Narinig mo naman ang sinabi ng lolo ko ’di ba?”

“Oo!” Tango ng dalaga. “Pero ang bilis naman. May pasok ako sa school bukas ng umaga.”

“Susunduin kita ng alas seis.”

“Ha! Ang aga naman. Alas nuwebe pa ’yung pasok ko.”

“Maaga akong pumapasok sa opisina kaya maaga kitang susunduin. Kasama ang paghatid sundo ko sa iyo sa sinabi kong ako na ang bahala sa pag-aaral mo.”

“Mm . . .” Tango ulit si Aning at nakatitig kay Bekket.

“At saka . . . baka sabihin mo ang sama ko.”

“Bakit naman?” Nagkasalubong pa ang mga kilay ni Aning.

“Simula kanina sa opisina ko, lagi mo akong tinititigan.”

“Siyempre . . . kinakausap mo ’ko. Alangan naman titingin ako sa iba. Eh, gayong nasa harapan kita at nag-iisa.”

“Ha?” Mukhang nalito si Bekket sa sinabing iyon ni Aning.

“Bakit mo naman sinabing iisipin ko na masama ka?”

“Karamihan kasi sa nagpapanggap ay nahuhulog ang loob sa isa’t isa. Well, hindi kita masisisi kung mangyari sa iyo ’yon. Kapag ganoon nga, hindi kita pipigilan na mainlab sa ’kin. Pero pinapaalalahanan na kita ngayon pa lang. Hindi ako ma iinlab sayo. Hindi tayo talo. Hmm?”

Incompatible Where stories live. Discover now