Kahit na ano’ng paglilihim ni Aning sa kanyang kaibigan na si Rhea, hindi pa rin niya matiis ito. Kailangan niya pa ring may mahihingaan mula sa sitwasyong pinasukan. Hihingi ng payo kung ano ang dapat niyang gawin.
“Rheang, papaano ’to?” malungkot niyang saad. Kausap niya ngayon ang kaibigan sa telepono. “Hindi na yata ako makakaalis sa kinakaharap ko ngayon.”
“Sa laki ba naman ng perang ibinigay sa iyo at nagamit na? Paano ka pa kaya makalalabas sa problemang iyan?”
“Kung sana nag-isip muna ako bago sumang-ayon.”
“Sa totoo lang, Aning. Hindi naman problema ang tingin ko sa kalagayan mo ngayon. Kasi malaki ang naitulong ng perang ibinigay sa iyo para sa nanay mo. Tingnan mo, hindi na nagtatrabaho ngayon si Nanay. Nakakapahinga na siya. Aning matanda na ang nanay mo. Kaya kung ano man ang nararanasan mo ngayon, hayaan mo na lang at tanggapin na ikakasal ka na talaga sa isang bakla.” kasunod no’n ay halakhak mula kay Rhea.
“Rheang naman, eh. Pinagtatawanan mo pa ako."
“Uy! Teka lang, ha. Kung iisipin, Challenge iyan para sa iyo.”
“Ano’ng challenge ka riyan?” pagtataka niya.
“I-challenge mo kaya sarili mo para ma-enjoy ka habang nasa poder ka niya.”
“Ano? Seryoso?”
“Oo. Try mo kayang gawing straight ang beking iyan. Sa simple mong kagandahan, alam kong mahuhulog iyan sa iyo.”
“Hayts! Malaking kalokohan iyan, Rheang.”
“Posible naman iyon ’di ba? Lalaki pa rin iyan.”
“Sabihin mo nga. Paano ko gawing totoong lalaki ang beking iyon? Eh, ilang taon nang namumuhay na bakla iyon.”
“Malay natin. Hahahaha . . .”
“Alam mo? Ang laki ng naitulong mo. Pinalaki mo pa problema ko. Hindi ako marunong mang-akit ng lalaki kung iyan ang ipinupunto mo.”
“Alam ko. Good girl ka nga, eh. Pero, subukan mo kaya.” Maya-maya’y sumeryoso na si Rhea. “Wala namang masama kung mahulog man siya sa iyo at maging makatotohanan ang pagsasama n’yo. Hindi naman fake na kasal ang magaganap sa pagitan ninyo ’di ba?”
Natigilan si Aning. Nasa school siya ngayon habang kausap si Rhea.
“Aning, nandiyan ka pa ba?” tanong nito nang mapansing tumahimik si Aning sa kabilang linya.
“Oo. Nag-iisip lang.”
“So ano?”
“Mm, ewan. Huwag mo munang sabihin kay nanay ha. Ako na ang bahala. Sasabihin ko rin kapag kasal na kami ni Bekket.”
“Sige. Basta kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako. Syempre, iba pa rin kapag kay kausap ka sa tuwing may problema.”
“Alam ko iyon. Salamat at naiintindihan mo ako.”
Nasa kalagitnaan siya ng pag-uusap nang biglang narinig niya ang isang babaeng estudyante. Tumitili na para bang naiihi.
Maya-maya ay may isa pang babaeng estudyante na ganoon din ang ikinikilos. Nakaharap pa ito sa kaniya.
“Ha? Ano’ng nangyayari sa mga iyon? Parang zombie lang ang dating. Nanginginig na hindi mawari kung ano ang gagawin. At parang nagdidiliryo,” bulong niya habang tinitingnan ang mga babaeng estudyante.
Binalikan niya si Rhea sa telepono at mabilis na nagpaalam.
“Aahh!” Sabay-sabay na sigaw ng mga ito.

YOU ARE READING
Incompatible
RomanceAning and Zuriel Love Story Hindi raw sila talo pero puso nila'y hindi nagpatalo