Kasaluluyang nasa honeymoon pa rin ang bagong kasal na sina Bekket at Aning. Isang linggo rin silang mananatili. Ikatlong araw pa lang nila ngayon at panay laro at pasyal ang kanilang gingawa. Wala ni anomang nangyayari.
"Beki," mahinang tawag ni Aning sa huli. Ang dulo ng kanyang daliri ang ginamit niya para kalabitin si Bekket na kasalukuyang nakatingin sa hawak nitong telepono. "Beki . . ." Muli niya itong kinilabit.
"Ano ba kasi? Kita mong may tinitingnan ako sa telepono ko, oh! Hinihintay ko iyong reply ni Dome tungkol sa transaksyon namin with the Tan Empire. Malaking deal to kaya kailangan kong tutukan," sagot nito sa babae at muling itinuon ang tingin sa telepono.
Nakadapa si Bekket sa kama habang si Aning naman ay nakasandal sa headboard. Magkasalungat na direksyon ang dalawa.
"Ganoon ha," bulong ni Aning. Bahagya siyang nainis sa hindi pagpansin ni Bekket sa kaniya. "Teka nga . . ."
Bamangon si Aning at saka dinaganan si Bekket sa likod.
"Honeymoon natin pero trabaho pa rin ang iniisip mo. Tingnan mo nga ito. Sige na. Dalhin mo ako rito." Idinikit pa talaga ni Aning ang kanyang telepono sa mukha ni Bekket. "Sige na, hmm?" pagmamakaawa nito at nagpa-cute pa kay Bekket.
Imbes na magalit si Bekket sa asawa, natuwa pa siya rito. Parang wala lang kay Aning na bakla siya.
"Ang cute mo talaga, girl. Pero mas cute pa rin ako sa 'yo, noh!" sabi niya rito sa babae. "Saan ba iyan? Maganda ba riyan?" Kinuha niya ang telepono ni Aning at tiningnan ang lugar kung saan nitong gustong puntahan.
"Sige na, Bekki. Ilang araw lang tayo rito kaya pumunta tayo riyan. Sulitin ko na habang nandito pa tayo," pagpapatuloy niya sa pakiusap habang nananatili pa rin sa ibabaw ng likod ni Bekket.
"Ugh, ang bigat mo. Marami ba ang nakain mo kanina?"
"Iniiba mo naman 'yung usapan, eh." Nagtampo kunwari si Aning. Umalis siya sa ibabaw at humiga sa kama saka nagtago sa ilalim ng kumot.
Bumangon si Bekket mula sa pagkakadapa sa kama at nilapitan si Aning. "Uy, nagtampo ang bata .
." tukso nito kay Aning. Ngunit walang reaksyon galing rito. "Uygirl, alisin mo nga iyang kumot." Hinihila niya pababa ang kumot na nakatakip sa mukha ni Aning.At sa ilalim ng kumot na iyon ay nakatago ang mahina niyang tawa. Aaminin man niya o hindi, kinikilig siya ngayon dahil sa panunuyo ni Bekket. Kahit pala bakla, napapakilig siya.
"Ayaw mo?" tanong ni Bekket sa kaniya. "Ayaw mo talaga? Sige ka, baka magbago isip ko, uuwi tayo ng pilipinas nang wala sa oras."
Inalis naman agad ni Aning ang kumot sa kanyang mukha at tiningnan ang nakaupong si Bekket. Nakaharap ito sa kanya.
"Pupuntahan natin iyan?" tanong niya.
"Oo!" Sinabayan pa niya ito ng tango.
"Talaga? Talagang-talaga?" tila hindi pa siya kumbinsido.
"Oo nga! Ang kulit!" Inirapan nito si Aning.
"Yes!" Sa kaniyang sobrang saya, napalo niya ang legs ni Bekket.
"A-Aray!" Hinaplos pa ni Bekket ang kaniyang legs dahil sa sakit na palo ni Aning.
"Ay! sorry, sorry." Agad nyang niyakap ang bakla. "Sorry, Bekki," ulit niya. "Pero salamat ha." Sabay halik sa noo nito.
Pinuntahan nila ang lugar kung saan gustong marating ni Aning-Ang Venice. Sumakay sila ng bangka at namasyal sa paligid niyon. Naging abala sa pagkuha ng litrato ang babae. Panay selfie ang ginagawa. Nang makitang nakatingin sa kanya si Bekket, dumikit siya rito at kinuhaan ng litrato silang dalawa.
YOU ARE READING
Incompatible
RomanceAning and Zuriel Love Story Hindi raw sila talo pero puso nila'y hindi nagpatalo