Part 9

5 1 0
                                    

Araw ng pagbalik ni Schiyev sa Maynila. Tapos na kasi ang isang linggong bakasyon niya kasama ang kanyang ina.

"'Nay, ano kaya kung doon ka po kina Rhea tumira? Magkalapit naman po 'yung pamilya natin sa pamilya nila." saad niya habang patuloy siya sa pag-iimpake. Tumigil saglit at hinarap ang ina. "Eh, nag-aalala po kasi ako sa inyo. Matanda na po kayo at nag-iisa lang dito. Baka kung may mangyaring masama sa inyo, hindi ko malalaman agad. Mas mabuti nang kina Rhea po kayo para may titingin at para may kasama na rin po iyong tatay at mga kapatid niya."

"Hay, naku anak. Ano bang balak mo? Gawing love team kaming dalawa pati iyong tatay ni Rhea?" Biro ng kanyang ina.

"Hindi naman po sa ganoon. Saka matanda na po kayo para sa mga ganiyan. Ang akin lang ay para may kasama po kayo."

"Anak." Lumapit ang kanyang ina sa kaniya. "Hindi ko kailangang lumipat ng bahay. Dito lang ako. At saka . . . Binibisita naman ako ng kaibigan mo palagi. Kaya, huwag ka nang mag-alala."

"Oo nga naman, Aning! Nandito ako para tulungan kayo ni Nanay," sabat ni Rhea. Hindi nila namalayan na pumasok na pala ito sa kanilang bahay.

"Oh! Bakit nandito ka?" pagtatakang tanong ni Aning. "May trabaho ka hindi iba?"

"Nagpaalam akong mag-halfday. Gusto ko kasing ihatid ka."

"Mabuti naman, Rheang. May kasama akong iiyak kapag aalis na ang kaibigan mo."

"Nay naman, huwag n'yo naman po akong baunan ng iyak. Babalik rin naman ako kapag libre po uli ako."

"Alam ko naman 'yon. Hindi mo talaga ma-i-aalis sa 'kin na umiyak kasi malalayo ka na naman sa 'kin. Mag-ingat ka, ha."

"Opo."

"Tara na nga! Para hindi ka gabihin sa biyahe," ani Rhea. Ito pa ang nagbitbit ng bag niyang maliit.

Matapos maihatid ng ina at ni Rhea si Aning, hinatid muna ni Rhea pauwi ang ina ng kaibigan. Habang si Aning, nakasakay na at pabalik na sa Maynila. Medyo malayo ang biyahe kaya umidlip muna siya. Maya-maya ay nag-stop over ang bus na sinasakyan upang bigyang daan ang mga pasahero na umihi at bumili ng ilang pagkain para sa biyahe.

Tinignan ni Aning ang kanyang relo, naalala niya na ala una ng hapon ang blind date na sinasabi ng lalaking kausap niya noong isang araw. Hindi na muli ito tumawag sa kanya pagkatapos n'on.

Ilang oras pa naman kaya umidlip ulit siya. Hindi siya nakatulog nang maayos kagabi dahil sa hindi maalis-alis ang kanyang pag-aalala sa ina.

Alas dose na nang marating ni Aning ang Maynila. Isang oras bago ang itinakdang blind date kuno.

Dahil sa kapos ang oras, dumiretso ang dalaga sa lugar kung saan niya tatagpuin ang ka-blind date ng lalaki. Kasi 'yon ang nasa isip niya. Inisip niya na kailangan niyang ipaliwanang ang nangyari sa lalaki.

Nag-aalangang pumasok ang dalaga nang marating ang lugar na iyon. Napakalaki at sa tingin niya ay pawang mayayaman at kilalang tao lang ang dumadayo sa lugar.

"Tama ba ako nang pinuntahan?" tanong niya sa sarili.

Pero dahil sa naka-oo na siya sa lalaki, pumasok na rin siya. Hindi nga siya nagkamali. Marami siyang nakitang tao na disente at maayos kung manamit.

Ano nga ba ang suot niya? Isang fitted black jeans at maluwag na t shirt. May dalang bagpack sa likod maliban sa maliit na maletang bitbit. Nakalugay na buhok at simpleng lipstick lang ang gamit. Pero wala na siyang salamin na suot ngayon 'di gaya dati.

"Ahmm, excuse me, Miss . . ." alanganin niyang saad.

"Miss Anya Lopez?" hula sa kaniya ng waitress.

Incompatible Where stories live. Discover now