Bukod sa naawa si Aning sa ina ni Bekket, kailangan niya rin ng pera para sa kanyang ina. Kaya naman sumama siya rito para ipakikilala siya nito sa Lolo.
Hindi na rin siya nagbihis para presentable siya kapag nagkita na sila ng lolo ni Bekket.
“Matagal pa ba?” Hilong-hilo na siya sa loob ng elevator. Pinipikit niya ang kaniyang mga mata habang nakasandal.
“Ngayon ka lang ba nakasakay ng elevator?” Lihim na natawa si Bekket dahil sa ayos ng dalaga ngayon at panay rin ang lunok.
“Malapit na ba tayo?” tanong niya na nakapikit pa rin. Hindi niya sinagot ang tanong ni Bekket. Ngayon naman ay humahawak na sa gilid.
“First time mo nga talaga,” wika nito na sinabayan pa ng malulutong na mga tawa.
“Huwag mo ’kong pagtatawanan. Susukahan kita,” banta niya sa kasama.
“Halika nga.” Hinila siya ni Bekket at hinawakan ang kamay niya. “Ang lamig naman ng kamay mo. Sobra ba talaga ang nerbyos mo ngayon?”
Hindi siya sinagot ni Aning. Sa halip, mas lalo itong lumapit sa kaniya at napasubsob sa dibdib. Nakakahiya man pero kailangan niya iyon dahil sa takot siya sa loob ng elevator.
“Ano ba ’tong babaeng ito? Hindi pa man din, nag-te-take advantage na,” bulong ni Bekket sa isip.
“Ump . . .” Pigil ni Aning sa sarili para hindi magsuka.
“Oy! ’Yung damit ko.”
“Sh!” Pinatahimik siya ni Aning. Nanatili pa rin itong nakapikit at nakatingala sa kaniya.
Nagbaba ng tingin si Bekket. Saktong pagtaas naman ng mukha ni Aning. Namilog ang mga mata ni Bekket nang makita ang maganda at maitim nitong na mga mata. Tili nag-init ang kaniyang tenga at namula ang pisngi.
“Shaks . . .” tanging sambit niya at sabay na iniwas ang tingin sa dalaga.
Maya-maya'y dumadausdos si Aning sa kanya at umupo sa sahig ng elevator. Hinayaan siya ni Bekket dahil baka sa ayos niyang iyon ay kahit papaano, mawawala ang takot nito.
Naka-Whole dress pa rin si Aning. Maiksi lang ito kaya siguradong makikitaan kapag may pumasok na empleyado ng BC Company.
Kahit na hindi niya gawain, hinubad ni Bekket ang kaniyang Jacket at itinakip ito sa mga binti ng dalaga. Tahimik pa rin at walang imik na nakaupo.
At ilang sandali pa . . .
“Tumayo ka na riyan. Nandito na tayo.” hayag ni Bekket. “Naka-survive ka rin,” biro pa nito sa dalaga at natatawa pa.
Binuksan ni Aning ang kaniyang mga mata. Sinundan nang malalim na hininga. Saka tumayo at hinawakang muli si Bekket/Zu.
“Saan ba iyong opisina mo?” mahina niyang tanong. Hilong-hilo pa rin.
“Sumunod ka.”
Naunang maglakad si Bekket pero hawak niya pa rin ang kamay ni Aning. Si Dome ang nagbukas ng pinto para sa kanila.
“Zu!”
“Sh!” Pinatahimik ni Bekket si Dome. Pinigilan ang pagtawag sa kaniyang isa pang pangalan. Saka niya binalingan si Aning. “Welcome to my Office.”
Nilibot ng mga mata ni Aning ang buong opisina ni Bekket.
“Sa-Saan ’yung cr?”
“Ha?”
“Dali na! Saan ’yung banyo mo?” Halatang naduduwal na siya.
“Nasa first floor,” biniro siya ni Bekket dahil alam nito kung ano gagawin niya sa banyo.

KAMU SEDANG MEMBACA
Incompatible
RomansaAning and Zuriel Love Story Hindi raw sila talo pero puso nila'y hindi nagpatalo