Kasama ang lolo ni Bekket, sabay-sabay silang lumabas ng opisina nito. Pinagtitinginan sila ng mga empleyado habang papalabas hanggang sa pangunahing pinto ng gusali ng BC company.
Agaw pansin ang porma ni Aning na simpleng t-shirt at jeans lang na hindi bumagay sa porma ni Bekket na naka-suits.
Napansin ni Bekket ang kanyang mga empleyado na kakaiba ang mga tinging pinupukol kay Aning. Mga tingin na halatang pinabababa ang huli.
Napalingon si Aning kay Bekket nang bigla nitong hinawakan ang kamay niya at hinila palapit. Hindi na siya nagulat sa ginawa nito dahil kasama nila ang matanda. Magdududa ito kapag makitang parang hindi sila magkarelasyon.
Patuloy ang hawak ni Bekket sa kamay ni Aning hanggang sa makasakay ng kotse.
“Where is your Driver?”
“I don’t need one, Lo,” sagot niya sa matanda.
“Mas mabuting may driver ka para makapagpahinga ka saglit.”
“Lo, i’m okay. And besides, ayokong mahawakan ng iba ang fave car ko,” pagdadahilan niya rito.
Hindi na nagsalita pa ang kanyang lolo. Hinayaan na lamang siya nito sa kanyang gusto. At ibinaling na lamang kay Aning ang atensyon.
“Iha . . .”
“Yes, po?”
“Kailan ka lilipat sa bahay ko?”
“Po?!” Nagulat si Aning sa biglaan nitong tanong.
“Ah, sorry sa pagmamdali ko. Gusto ko kasing magkaroon na ng apo sa tuhod kay Bekket. You know, i’m old already. I’m looking forward na magkaroon agad ng anak ang apo kong iyan.” Sabay nguso niya kay Bekket na nakatuon sa pagmamaneho. At dahil sa tanong niyang iyon kay Aning, nakagat ni Bekket ang labing nasugatan kanina.
“Ouch!” daing nito nang mahina. “Lolo talaga . . .” palihim nitong bulong.
“So, When iha?” tanong niya ulit kay Aning.
“Ah . . . . hindi pa kasi kami kasal, Lolo. Kaya hindi ko po alam kung kailan.”
“Oh! No problem. You can get married tomorrow or the next day.”
“Po?!” panabay na sagot nina Aning at Bekket.
“You love Bekket, right?”
Sasabihin pa sana niya na hindi pero . . .
“Yes! Ofcourse, Lo. I do. . . love him.” Sabay baling kay Bekket na nakaupo sa driver’s seat.
“Okay. Ipapahanda ko na ang kasal n’yo sa secretary ko. Tatawagan ko siya mamaya para kontakin ang mga kilala naming wedding coordinator para ayusin ang lahat as soon as posible.”
“Ye-yes po,” sagot na lamang niya.
Hindi nagtagal ay narating nila ang mansyon ng mga Choi. Malaki ang bahay kaya mansyn na mansyon ang dating. Inalalayan ni Bekket ang kanyang lolo pababa ng kotse hanggang sa makapasok ng bahay.
“Jenica, Laura, Moli . .
” tawag ng matanda sa kanilang mga katulong. Nag-atubiling lumapit naman ang mga ito sa kaniya.“Yes po, Director,” sabay-sabay na sagot naman ng mga ito sa kanya.
“Please prepare our dinner and the guest room. Nandito ang asawa ni Bekket.”
“Yes, Director!” At isa-isang kumilos ang lahat kahit na nagulat sa sinabi ng kanilang amo.
YOU ARE READING
Incompatible
RomanceAning and Zuriel Love Story Hindi raw sila talo pero puso nila'y hindi nagpatalo