Part 18

0 0 0
                                    

Mula sa malaking salamin, kitang-kita ni Aning ang sarili niya na nakasuot ng gown na kanyang napili. Simple lang ito pero bumagay sa liit ng kanyang katawan. Kita rin ang collar bone niyang lantad na lantad.

“Totoo ba itong nakikita ko?” hindi makapaniwala niyang tanong habang sinisipat ang sarili sa harap ng salamin.

“Uy! Bagay ha, ang gandang tingnan sa ’yo,” puri ni Bekket sa kanya. Nainip ito sa kakahintay sa labas kaya pumasok na. Maging siya ay gusto ring makitang naka-gown si Aning.

“Maiiyak yata ako,” saad ng dalaga at  pinapaypayan pa ang sariling mukha.

“Shocks! Bakit ka naman maiiyak? Dapat nga ako ang maiyak, eh. Kasal ko pero hindi gown ang susuotin ko kundi suits,” turan niya. “Tingnan ko nga.” Hinawakan niya sa balikat ang dalaga at pinagmasdan ang kabuuan nito. “Ang ganda mo girl, ah. Talo mo pa ako.”

“P’wede ba, ayusin mo iyang pananalita mo. Mamaya, marinig ka ng nasa labas. Mabuko ka pa,” saway nito kay Bekket dahil sa boseng nitong bakla.

“Wala sila. Pinaalis ko.” Kinindatanan pa nito ang dalaga.

“Ha? Bakit?”

“Magsusukat rin ako ng gown,” bulong niya. “ Titingnan ko rin kung babagay sa ’kin.”

“Ano?!”

Totoong pinaalis ni Bekket ang mga empleyado. Kilala niya ang may-ari kaya madali niyang napakiusapan.

“Sandali pipili lang ako, ha.” Tumalikod saglit at namili rin ng gown. Nang makakuha, isinukat niya agad.

“Wow!” sambit ni Aning na nakabuka pa ang bibig.

“Bagay ba?” Umikot-ikot pa si Bekket.

“Hindi,” agad niyang sagot sa kaharap.

“What? Napa-wow ka tapos sasabihin mong hindi bagay sa ’kin? Echusera ’to!”

“Hahaha! Hindi naman talaga bagay sa ’yo. Tingnan mo iyang balikat mo, halatang panlalaki talaga.” Tinawanan pa niya si Bekket.

“Hmmp! Makapagpili nga ulit.” Sabay talikod na naman. Namili ng damit na hindi kita ang balikat niya. ’Yung  wholesome pero sexy pa rin ang dating. “How about this? What do you think?”

“Ahm . . .” Pinagmasdan naman ni Aning si Bekket mula ulo hanggang ibaba. “Hindi pa rin. Ang g’wapo mo pa ring tingnan.”

“Pshh! Ang sabihin mo, maganda ako.”

“Mas maganda pa rin ako sa ’yo. Tingnan mo, oh ’di ba? Bagay na bagay sa akin itong gown ko.”

“Tingnan ko nga ulit. Kembot sa kanan,” utos niya kay Aning na sinunod naman ng huli. “Kembot sa kaliwa.”

“Ano’ng say mo ? Ang bongga ko hindi ba?” masaya niyang saad sa baklang pakakasalan.

Si Bekket naman ay biglang natigilan. Lumapit siya sa dalaga at tinitigan. Hinawakan ang baba nito at saka inaangat.

“A-Ano’ng gagawin mo?” nauutal na tanong ni Aning. Bigla tuloy siyang kinabahan.

Titig na titig si Bekket sa mukha ng dalaga. Mula sa labi niyang pulang-pula hanggang sa kaniyang mahabang buhok.

“Be-Bekket . . .” sambit niya.

“Tsk! Ang pangit ng make up mo, Girl,” sabi nito kay Aning na ikinagulat naman ng huli.

Ang dalaga naman ay nahimasmasan sa init na naramdaman kanina. Akala talaga niya ay hahalikan siya ni Bekket.

“Ang mokong na ito. Pinakabog sandali ang puso ko,” bulong niya sa sarili.

“Ah! Ikaw talaga!” Hinampas-hampas niya ang bakla. Pinagbabayad sa kasalanang hindi alam kung ano.

“Aray! Ano ba? Bakit mo ’ko pinapalo?" tanong nito na takang-taka sa ginagawa ni Aning.

“Magpalit ka na nga. Hindi bagay sa iyo mag-gown. Alis na.” Taboy ng dalaga.

“Aray! Oo na.”

Nang makaalis si Bekket, inis na inis naman si Aning sa kaniyang sarili.

“Hmp! Ang beking iyon. Mahuhulog pa yata ang loob ko sa mga ginagawa niya. Pero hindi p’wede. Bakla ka pa rin bekket at lalaki pa rin ang hanap mo.”

Dumating na ang araw ng kasal nina Bekket at Aning. At dahil sa kilala ang pamilya Choi, maraming bisita ang dumating. Mula pa sa malalaking kompanya. Lahat ng empleyado ay imbitado.

“I do.” Ito ang katagang lumabas sa bibig ni Aning bilang tanda ng pagkakatali na niya kay Bekket.

At pagkatapos ng mahabang seremonya, nagsitungo na sila sa reception kung saan maraming pagkaing nakahanda at inuming iba’t ibang klase.

“Everyone, eyes here please,” tawag pansin ni Bekket sa mga bisita nila. “I would like to make a toast para sa aking mahal na asawa.” Tiningnan niya si Aning. “Yoebo, i love you,” malambing niyang wika kay Aning. “Thank you for accepting me into your life. I’ll promise not to hurt you and love you more than i love myself,” pagpapatuloy niya.

Masigabong palakpakan naman mula sa mga bisita.

“Cheers everyone!” sigaw ni Bekket.

“Cheers! Congratulations Mr and Mrs. Choi.”

“Thank you, thank you.”

Natapos ang kasalan nang maayos. Nauna nang umuwi ng bahay sina Bekket at Aning. Iniwan nila kay Dome at kay Myrna ang kaniyang lolo. Ito na ang bahala sa mga bisita. Lilipad pa sila patungong Italy para sa kanilang honeymoon.

Ilang oras din ang naging biyahe ng bagong mag-asawa papuntang Italy. Masayang-masaya si Aning dahil sa nakatapak siya ng Italy. Maganda ang lugar at malinis. Namasyal sila sa maraming lugar at nang mapagod, bumalik na sa hotel kung saan sila naka-check in.

“Hay . . . pagod na pagod ako pero enjoy naman.” Dumapa pa ang dalaga sa kama.

“Mag sho-shower lang ako,” ani Bekket sabay talikod.

Biglang bumangon si Aning nang marinig ang sinabi ni Bekket. Biglang kinabahan ang dalaga. Nasa honeymoon sila ngayon kaya posibleng maging straight bigla si Bekket at gagawin sa kanya ang ginagawa ng bagong kasal. Niyakap niya ang kanyang sarili nang maisip iyon.

Narinig niyang bumukas ang pinto ng shower makalipas ang kalahating oras. Alam niyang si Bekket iyon. Kaya pumikit siya.

“Tada!” Napameywang pa ito na nakatukod ang isang kamay sa pintuan.

Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. ’Yung isang mata muna saka isinunod ang isa pa. At nagulat sa kanyang nakita.

“Omg! Diyos ko. Ito ba ang parusa ko sa hindi ko pagsabi kay nanay na ikinasal na ako?” tanong niya sa sarili habang nakatingin kay Bekket.

Si Bekket naman ay naka-blue nighties ang suot.

“Bagay ba? Ang sexy ko ’di ba?” confident nitong wika. Proud na proud sa sarili na suot ang nighties niya. “Napatulala ka na riyan, Yoebo? Wala ka bang masasabi sa outfit ko?”

“Ha? Ah . . . Hahaha,” mahina niyang tawa. “Ewan ko sa iyo. Daig mo pa ang mangaakit na asawa. Matutulog na nga lang ako. Hindi ko keri iyang kaseksihan mo, Bekki.”

“Wait. Tabi tayo . . .”

“Hindi. Lumayo ka sa akin. Diyan ka, oh!” Itinuro niya ang sofa. ”Diyan ka matutulog.”

“Uy! Ang ikli nang suot ko, noh! Malalamigan ako,” reklamo nito kay Aning.

“Bahala ka.” Inirapan pa niya si Bekket. “Maloloka ako sa iyo. Good night!”

“Sandali.” Inagaw ni Bekket ang kumot kay Aning.

“Tumigil ka. Sisipain kita,” banta ni Aning.

“Ang harsh mo, ha!”

“Huh! Bahala ka.”

Pigil naman ang tawa ni Aning nang makatalikod kay Bekket. Naloka siya sa itsura nito. Daig pa ang isang tunay na  babae.

Incompatible Donde viven las historias. Descúbrelo ahora