Part 21

0 0 0
                                    

Umagang-umaga ay kaharap ni Aning ang kanyang mga notes at librong nagsilbing references niya para sa exam bukas. Nagtimpla lang ng gatas para kahit papaano may laman ang kanyang tiyan. Kailangan niyang mag-aral nang masinsinan ngayong araw.

Ilang minuto lang din ay nagising si Bekket. Napalingon sa tabi nito kung saan si Aning natutulog ngunit nagtaka nang hindi niya nakita. Nang marinig na may kung sino’ng bumubulong malapit sa mesa, tiningnan niya ito at nalamang si Aning lang pala.

“Kanina ka pa gising?” tanong niya rito habang kinukusot bahagya ang mga mata.

“Oo,” tugon nito pero ni hindi man lang siya binalingan ng asawa. “Pasensya ka na, ha. Kailangan kong mag-aral. Mamaya kasi pupunta ako ng school. Mag-re-research ako para sa thesis na gagawin ko.”

“Naalala ko nga pala. Malapit na graduation mo.”

“Mm. Kaya kailangan kong humabol. Salamat sa ’yo dahil pinagbigyan ako ng mga prof ko para makahabol sa lessons at exam.”

“Sige. Maghahanda na rin ako. Tulad mo, kailangan ko ring habulin ang mga transaksyon ko sa opisina.”

“Sige.” Tipid nitong tinanguan si Bekket.

Matapos makapaghanda para sa trabaho, sinilip niya saglit si Aning. Abalang abala pa ito. Ayaw na niyang istorbohin kaya umalis na lamang nang hindi nagpapaalam. Binilinan na lang ang isa sa mga kasambahay na hatiran ng  pagkain si Aning.

Masyado naging busy ang araw ng bagong mag-asawa. Hindi na nagkakausap kahit sa telepono para magawa nila ang dapat nilang gawin at tapusin.

Ngunit ganoon pa man, hindi pa rin naalis sa isipan ni Bekket si Aning. Tumawag siya sa bahay para kamustahin ito.

“Mr. Choi, kararating niya lang po galing sa school,” sabi ng isang kasambahay nila na siyang nakasagot sa telepono.

“Ah, kumain ba?”

“Konti lang po ang kinain. Pero iniwanan ko po ng prutas doon sa kuwarto para kung sakaling magutom, puwede niyang kainin ’yon.”

“Sige, salamat.” ’Yun lang at ibinababa na niya ang telepono. Napabuntonghininga pa siya sa sobrang pag-aalala kay Aning.

“Zu,” tawag sa kanya ni Dome.

“Oh!” Tipid niyang tugon.

“May napapansin lang ako sa ’yo mula pa kanina hanggang ngayon.”

“Ano naman iyon?”

“’Yan! Yang pananalita mo. Ano bang pinakain sa iyo ni Aning sa gitna ng  honeymoon n’yo at naging direkta yata ’yang pananalita mo?”

“Ano bang ibig mong sabihin?” Nagtataka siya sa mga sinasabi ni Secretary Dome.

“Baka naman may nangyari na sa inyo roon sa Italy? Alam mo na . . .”

“Wala! Walang nangyari sa amin,” maagap niyang sagot sa tanong ni Dome.

“Nahahalata ko lang kasi na hindi ka na nagboboses bakla tuwing kaharap mo ako simula nang dumating kayo ni Aning galing honeymoon. Uy! Zu, dalawa lang tayo na magkasama buhat pa kanina pero tila tumuwid yata pananalita mo ngayon.”

“Ah!”

Tinalikuran niya si Dome at nagpuntang sariling banyo. At doon, naghilamos. Nakaramdam kasi siya ng konting inis sa sarili. Tiningnan ang sarili sa salamin.

“Hindi puwede ’to. Mali to. Hindi kami talo kaya bakit ko hahayaang mahulog ang  sarili ko sa kaniya,” sambit niya habang nakaharap sa salamin. “Iish! Zuriel, bakla ka. Noon pa. Kaya imposibleng magbago ka dahil sa isang babae. Sa babae na iiwan ka rin pagkatapos ng dalawang buwan. At alam mo iyon.”

Incompatible Where stories live. Discover now