Part 8

1 0 0
                                    

Mula sa ika ikalimampung palapag ng gusali patungong pababa hanggang sa marating  ni Dome ang ikalawang palapag ang kaniyang paghahanap. Bawat madadaanan ay walang mintis niyang tinitingnan. Hinahanap ang matapat na sekretarya ng Lolo ni Bekket.

“Nasaan na kaya ’yon?” tanong niya habang tuloy-tuloy lang sa paglalakad.

At nang makarating sa isang sulok kung saan nakalagay ang fax machine, nakita na niya ang kanyang hinahanap kaya agad itong nilapitan.

“Ate Myrn . . .” panimula niya.

“O h,may kailangan ka?” baling sa kaniya nito.

“’Yung boss ko kasi, ipinapatanong kung natawagan mo na raw po ba ang ka-blind date niya.”

Matanda si Myrna ng anim na taon sa kanya kaya labis ang kanyang paggalang dito.

“Ah, ’yun ba? Hindi pa pero tatawagan ko pagkatapos nito. Kakasabi lang din ni Dorector Choi sa akin,” sagot nito na ang mga mata  ay nakatuon nasa fax machine.

“Ah . . .”  tanging sambit lang ni Dome. “Puwede po bang tingnan ang numero niya?”

“Ha? Para saan?”

“Ibibigay ko kay boss. Para  kung saka-sakaling maganda ang naging resulta ng blind date nila, hindi ka na niya kailangan ipahanap sa akin para hingin ang numero ng babae.”

“Okay. Sandali.” Itinigil nito sandali ang ginagawa saka ibinigay ang kanyang telepono kay Dome. “Mm, walang password iyan kaya madali lang buksan.”

“Salamat po,” tugon niya nang makuha na ang telepono. “Ano’ng name po?”

“Blind date.”

“Po?”

“Blind date. ’Yun ang nakarehistro sa telepono ko. Hindi ko inalam ang pangalan niya.”

“Sige po. Titingnan ko po.”

Nakabuti kay Dome ang sinabing iyon ni Myrna. Para kung papalitan niya ang numero ng babae, hindi niya mahahalata.

Dahil expert sa paggamit ng kahit ano’ng telepono si Dome, mabilis niyang nabura ang  numero  ng ka-blind date ng boss niya at inilagay niya ang numero ni Aning na binigay ni  Bekket / Zuriel sa kanya bago umalis sa opisina nito.

“Heto na po ate Myrn. Salamat po. Alis na po ako.”

“Sige.”

’Yun lang at sumakay na uli sa elevator pagkatapos makausap si Myrna. 

Samantala . . .

Tinawagan ni Zuriel si Aning. Sa una'y nagdadalawang isip pa subalit nagkalakas loob ding tumawag dahil sa nanganganib na mawala ang lahat ng meron siya. Inalala niya rin ang kanyang ina na nakatira sa bahay na kanyang binili para rito. Baka kapag hindi niya sinunod ang kanyang lolo, babalik sa umpisa ang buhay niya pati ng kanyang ina.

“He-hello?” alanganin niyang tanong.

“Hello?” sagot naman sa kabila.

“Anya?”

“Speaking. Sino ito?”

“Ahm . . . It’s me. ’Yung . .. ’yung nag-swimming sa mga prutas kanina,” biro niya para maalala ng babae ang nangyari kanina.

“Ikaw ba ito? Bakit? May masakit ba sa iyo? Ano? Ahm . . . saan kita puwedeng puntahan?” Nag-aalala naman siya sa lalaki dahil baka may problema sa kawatan nito.

Bahagyang inilayo ni Bekket ang hawak na telepono sa kanyang teynga.

“Wow, ha. Concern na concern si Girl sa akin,” mahina niyang saad. Tamang-tama lang sa hina para hindi marinig ni Aning.

Incompatible Onde histórias criam vida. Descubra agora