Kinabukasan, nagising si Aning dahil sa sinag ng araw na tumagos sa bintanang nakaharap sa kaniya. Marahan niyang iminulat ang mga mata. Naramdaman niya ring tila may mabigat na bagay ang nakapatong sa kaniyang tiyan at binti.
Lumingon siya sa gilid at bumungad ang mukha ni Bekket sa kanya. Tulog na tulog pa rin ito. Sinilip niya ang ilalim ng kumot at nakita niya ang braso at binti ni Bekket ang nakapatong sa kaniyang tiyan. Nakayakap si Bekket sa kaniya. Sumiksik ang huli dahil sa nakaramdam ng lamig kagabi.
Ibinalik ni Aning ang kanyang tingin kay Bekket at pinagmasdang mabuti.
“Paano kaya kita patitinuin? Makakaya ko ba gayong daig mo pa ako sa pagbihis at pagkilos kapag tayo lang dalawa? Sayang . . . ang guwapo mo pa naman.” Iniangat niya ang kamay at malaya niyang hinaplos ang dulo ng ilong ni Bekket. “Eh, kung pitikin ko kaya ang ilong mo? Magiging straight ka kaya? Huh! Malabo. Masiyadong malabo. Hays, Makapagluto na nga lang.” Dahan-dahan niyang tinanggal ang braso ng katabi.
Kumilos si Bekket ngunit nakapikit pa rin ito. Tumalikod siya sa dalaga.
Bago magluto, pumasok muna si Aning sa banyo at nagpasyang maligo. Nang matapos, nagsimula na rin siyang magluto.Samantala, wala pa isang oras simula nang lumabas si Aning, bumangon na rin si Bekket. Iniunat pa niya ang kanyang braso. Nag-stretching ng ilang segundo. At sandaling natigilan. Naalala niya kanina ang kanyang ginawa.
Ang totoo, nauna siyang gumising kanina bago ang babae. Malaya niya ring pinagmasdan ang mukha ng asawa. Naalala niya ang tungkol sa kanila noon. Ang nangyari sa kanila noong high school.
Balewala lang kasi sa kanya si Aning noon kahit na naging sila pero para namang hindi. Nang dahil kay Kobe, sinabi niyang nobya niya si Aning para tigilan na ang pagduda ng mga ito sa tunay niyang pagkatao. At dahil kay Aning, naitago niya kay Kobe ang tungkol sa pagiging bakla niya.
Ngayon ay magkasama ulit silang dalawa at mag-asawa na. Pero hindi pa rin alam ni Aning na siya si Zuriel. Paano kaya kung malaman ng dalaga na si Bekket at Zuriel ay iisa? Iiwan kaya siya ng babae?
Habang nakatitig siya sa mukha ni Aning kanina, hindi niya sinasadyang tingnan ang labi ng huli. Ang labi nitong nahalikan na niya ng tatlong beses. Mga halik na sapilitan upang makaiwas sa alanganing sitwasyon.
Pero iba yata ngayon. Natukso si Bekket na lapitan ang labi ng dalagang natutulog. Tila nakaramdam siya nang kakaiba.
Mabilis niyang kinitlan ng halik ang labi ni Aning. At nang mapagtanto ang kaniyang ginawa, napatakip siya ng kaniyang labi. Namilog ang mga mata na nakatingin sa labi ni Aning. Pumikit siya nang maramdamang magigising na ang babae.
Natawa na lamang si Bekket nang maisip ang nangyari kanina. Inayos niya ang kaniyang sarili saka lumabas ng kuwarto. At sa labas, nadatnan niyang nagluluto ito sa kusina. Suot ng dalaga ang malaki niyang t-shirt at short na maikli. Hindi niya muna ito nilapitan at nanatiling nakasandal sa pintuan.
Samantala, okupado naman ang isip ni Aning habang nagluluto. Naisip niya kasi na kailangan pa rin niyang iwan si Bekket. Mababayaran lang niya ang dalawang buwang ibinayad na pera ni Bekket, aalis na siya sa poder nito. Bigla niyang naisip ang lolo nito. Kapag nalaman ng matanda na may kasunduang namagitan sa kanila ni Bekket, tiyak magagalit ito sa kanya. Napakabait ng lolo ni Bekket at nakokonsensya siya.
Abala ang kaniyang utak nang may biglang yumakap sa kaniya sa likod.
“Tapos ka na ba?” tanong ni Bekket sa kanya. Ipinatong pa nito ang ulo sa kanyang balikat habang nakayakap sa kanyang beywang.
“Hayts! Papatayin mo ba ako sa nerbyos?” Sandali siyang natakot sa ginawa nitong yakap. “Alis! Alis! Huwag mo akong yakapin.” Tinanggal niya ang mga kamay ni Bekket na nakapulupot sa kanyang beywang.
ESTÁS LEYENDO
Incompatible
RomanceAning and Zuriel Love Story Hindi raw sila talo pero puso nila'y hindi nagpatalo