Bumalik si Bekket sa meeting na may bahid ng dugo at sugat ang kanyang labi. Nagtaka pa nga ang board members dahil napansin nila ito pero hindi na lamang nila tinanong si Bekket. Pero hindi ito nakaligas sa lolo ng huli.
“What happen to your lips, Bekket?”
“Nothing, Lo. Nakagat ko lang po.”
“I knew it!” biglang turan nito na luminawag pa ang mukha.
“You knew what?” tanong ni Bekket.
“She's here. I got to go!” excited nitong saad at saka biglang tumayo para iwanan ang meeting.
“Haraboeji! She's in my office right now. And the last time you went to my office, nagkaproblema po kayo sa paa ninyo. Kaya please . . . stay,” pigil nito dahil alam niya na pupuntahan ng matanda si Aning.
“Ayts! Si Lolo talaga. Nahulaan lang na nandito ang babaeng iyon, nagkankadarapa pa. Parang sila ang ikakasal, ah,” bulong ni Bekket sa kaniyang sarili. Alam niyang pabor ang lolo niya kay Aning.
“Oh” Huminto naman ang lolo niya at piniling maupo na lang. Talaga naman kasing sumakit ’yung paa nito. “Okay.”
Nagpatuloy ang meeting. Kahit medyo nahihirapan si Bekket na magsalita dahil sa hapdi ng kanyang labi, tiniis na lamang niya.
“Shocks! Ang shakit,” sa isip niya. Hinawakan pa niya ang labing may sugat.
“Okay, let’s end it here. Thank you everyone,” pagwakasa niya ng meeting.
“Thank you, Mr. Choi and congratulations on your wedding,” bati ng mga ito sa kaniya.
“Thank you,” tugon niya na nakangiti.
Pagkatapos ng meeting, dumiretso si Bekket sa kaniyang opisina na nasa 50th floor. Samantalang si Aning naman ay tila nakonsensya sa kanyang ginawa. Nakaupo siya sa sofa at kinakagat-kagat ang kaniyang mga kuko sa daliri ng kamay niya.
“Masakit pa kaya iyon?” tanong niya habang nag-alala kay Bekket. “Hays . . . bakit kasi kinagat mo si Bekket,” sabi pa niya sa sarili.
Maya-maya ay bumukas ang pinto. At bigla siyang tumayo.
“Tapos na ba ang meeting mo?” Kararating lang ni Bekket mula sa meeting.o
“Oo.” Tinanguan lang siya nito.
Pumasok ng banyo si Bekket. Nanalamin at tiningnan ang kanyang labi.
“Shock! Ang hapdi. Eehh! Nakakairita ang bruhang iyon. Kung hindi lang kita kailangan, eh. Ouchh . . .” Napangiwi pa siya dahil sa sakit.
“Bekket . . .”
Nagulat naman ang huli sa paglitaw ni Aning sa kanyang tabi. Tinititigan siya nang mabuti lalong-lalo na sa kanyang labi.
“Masakit pa ba?” Kagat-labi niyang tanong at akmang hahawakan ang labi ni Bekket.
“Oh! Ano’ng gagawin mo?” pigil niya sa kamay ni Aning. Hinawakan pa ang kamay nito.
“Titingnan ko lang naman.”
“Titingnan ? Ganyan ka ba makatingin, pati kamay mo gumagalaw? May mata ba pati kamay mo?”
“Tsk!” Binawi ni Aning ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Bekket. “Baka naman gusto mo lang hawakan ang kamay ko kaya pinigilan mo,” ganti niya rito.
“Ewan ko sa iyo.” Iniwasan n’ya ang dalaga at lumabas ng banyo.
“Sandali! Kailan ba tayo pupunta sa bahay mo?”

CITEȘTI
Incompatible
DragosteAning and Zuriel Love Story Hindi raw sila talo pero puso nila'y hindi nagpatalo