Part 2
Mula sa ’di kalayuan ay natatanaw na niya ang kaibigan niyang si Rhea. Kahit medyo malayo pa ay nakikita na niya ang tamis ng ngiti nito habang may tinitingnan sa cellphone na hawak sa isang kamay.
“Naku si Rheang. Ang aga-aga, kinikilig na ang puwet. Pihadong si Zuriel na naman ’yan,” bulong niya sa sarili nang papalapit na sa kaibigang abala pa rin sa kakatingin sa Cellphone.
Ni hindi man lang naramdaman nito ang paglapit niya.
“Uy!” Gulat niya rito.
“Ay! Ba't nangugulat ka?” Muntik pang mahulog sa kamay nito ang telepono. Sabay lingon sa nagsalita. “Nandito ka na pala!”
“Kararating ko lang. Mga...dalawang oras lang naman.”
“Hmmp...kararating pero dalawang oras na.”“Hehe..biro lang. Kararating ko lang talaga. Oh, tara na.” Nagsimula na silang maglakad.
Mabuti na lang at maayos ang kalsada sa bayan nila kaya mabilis silang nakakahakbang sa paglalakad.
“Rheang...”
“Hmm?” sagot nito na ang mga mata at nakapako sa telepono.
“Hindi ka ba nagsasawang tingnan ’yang mukha ni Zuriel? Tingnan mo oh, naka-wall paper mo pa.”
“Aning...ang guwapo niya kasi. ’Yung bawat araw na nakikita ko siya, parang ang swerte-swerte ko.” kinikilig nitong sabi. Parang may kung anong bulate sa katawan dahil sa nagtatalon-talon pa.
“Paano kaya yon?”
“Naku! Magkagusto ka kaya sa isang lalaki at nang malaman mo kung totoo. Eh, malas yata ang araw mo ngayon. Tingnan mo. Basa yang ibabang bahagi ng palda mo. May baha ba sa inyo?”
“Ish...wala no! Si Aling Lilian kasi. Hindi niya sinadyang tapunan ako ng binanlawan niyang tubig kanina. Kaya pinahiram niya ’ko ng tuwalya para mapunasan ko.” Saka niya naisip ang halik ng kanyang ina. Yun ang swerte niyang maituturing pero hindi yata kinaya ang dala nitong suwerte laban sa malas na natamo niya ngayon. “At saka, tama na sa’kin ang halik ni nanay na pampaswerte ko pero hindi naman gumagana.” Sinabayan pa niya ng maliit na tawa. Nakihagikhik naman ang kaibigan niya.
Nagpatuloy lang sa pagkukuwentuhan ang dalawa hanggang sa makarating sa gate ng kanilang school at tuluyan na ring pumasok dire-diretso sa room nila.
“Tamang-tama, maaga pa kaya mag re-review muna ako. May exam yata tayo mamaya.”
“Puwede bang sumabay sayo?”
“A-ah! Hindi puwede Rhea. Hindi ako sanay mag-aral na may kasama. Sorry. At saka, alam ko namang hindi ka mag-aaral dahil mas gusto mo pang tingnan ’yang Zuriel sa telepono mo.” Sinulyapan pa niya ang telepono ng kaibigan.
“Hmp. Mag-aaral din ako no.”
“Kailan. Bukas? ’Pag tapos na ang exam. Rheang mag aral ka nga. Baka nakakalimutan mong matalino ’yang crush mo. Baka mapahiya ka lang,” sabi ni Schiyev.
“Heto na nga, mag-aaral na.”
“Simulan mo na habang may oras ka pa.”
Nasa corridor silang dalawa nang mapadaan si Zuriel. Ang kolehiyong crush ni Rhea. Nagsasaulo si Schyve habang nakatanaw sa ibaba ng building nang mahagilap ng kaniyang mata ang lalaki.
Namilog ang kaniyang mga mata. Lihim na humanga. Aaminin niyang may itsura nga ito kahit na parang mahinhin kung kumilos. Simple lang ang lalaki. Matangkad at payat. Katamtaman lang ang kulay ng balat.
YOU ARE READING
Incompatible
RomanceAning and Zuriel Love Story Hindi raw sila talo pero puso nila'y hindi nagpatalo