Part 7

3 1 0
                                    

Nakarating si Zuriel sa BC company nang mahigit dalawang oras. Dali-dali niyang ipinark ang kaniyang motor saka nagmadaling pumasok ng building at tuloy-tuloy sa elevator papuntang 5th floor kung saan naroon ang kanyang opisina.

Pagkabukas pa lang ng pinto ay agad na siyang sinalubong ng sektetaryang si Dome.

"Oh, akala ko ba dalawang oras? Lumagpas ka yata. . ." bungad nito sa kanya saka sumunod na nang papunta siya sa mesa niya. "May nangyari ba?"

"Wala naman. Kaunting aberya lang habang nasa daan," sagot niya sabay hubad sa kanyang leather jacket.

"Oh! Bakit may sugat ka? " Itinuro pa niya ang natamong sugat sa braso ni Zuriel at nakitang may dugong umaagos subalit kaunti lang. "Napano ka ba?"

Tiningnan ni Zuriel ang sugat niya. "Ah! Shaaks . . . dinugo pala ako," biro niya sa baklang boses.

"Umayos ka nga . . ." saway ni Dome sa kanya. "Mamaya biglang pumasok 'yung lolo mo, mabuking ka pa."

Malapit na magkaibigan ang dalawa kaya walang sekreto ni Zuriel ang hindi alam ni Dome. Kaya nga komportable si Zuriel na kasama ito sapagkat nakakakilos siya nang malaya at totoo sa sarili.

"Ayts, paki-kuha naman ng medicine kit, oh!"

"Sandali, diyan ka lang." Mabilis nitong tinungo ang isang malaking drawer at tinunton ang med kit. Pagkatapos bumalik kay Zuriel at nagprisintang siya ang gagamot sa sugat ng huli.

"Salamat." Tipid nitong nginitian si Dome.

Napangiwi-ngiwi pa si Zuriel sa hapding nararamdaman. Galos nga lang pero dumudugo.

"Ano ba ang nangyari?" usisa ni Dome habang patuloy sa paglalagay ng gamot sa sugat niya.

"Hay, naku! Sa kagustuhan kong matalo ka, hayon, lumusong ako sa dagat ng mga prutas. Basta, aksidente lang."

Malapit nang matapos ni Dome ang paggagamot sa sugat niya. Lalagyan na lang ng bandage at okay na.

"Zu . . ."

"Yes?" Tumingala siya kay Dome at sinabayan ng pakurap-kurap na nga mata.

"Tch! Pati ba mata mo naapektuhan sa nangyari sa iyo?" biro nito.

"Ano nga?"

"'Yung lolo mo, hinahanap ka kanina. Ibinilin niya sa akin na sasabihan ko siya kapag dumating ka na."

"Ha? For what?"

"Idk." ( I don't know)

"Mm . . . Let me think." Nanahimik siya saglit. "What is it this time? Lahat naman ng inutos niya, ginawa ko naman before i visited our school earlier."

"Pumunta ka na lang sa opisina niya. Baka naman importante," sabi na lang ni Dome sa kanya para hindi na siya magisip pa.

Biglang tumayo si Zuriel. "Okay. Pupuntahan ko siya." Akmang aalis na siya nang pigilan ni Dome.

"Wait! 'Yang sugat mo, baka tatanungin ka tungkol diyan kapag nakita niya."

"Oo nga pala." Kinuha n'ya ang jacket at muling isinuot.

Nasa 2nd floor ang opisina ng lolo niya. Dito ito sadyang pinuwesto para hindi gaanong mahirapan dahil sa matanda na rin. Hindi ito nakakalakad nang maayos kapag walang tungkod na hinahawakan.

Hindi alam ng marami ang tungkol sa tunay na katauhan ni Zu. Nagawa niyang ilihim ang pagiging bakla niya sa loob ng anim na taon. Maging ang appa niya na pumanaw na ay hindi rin ito alam. Kaya ang kanyang lolo, ang nagsilbing gabay sa lahat ngunit hindi naman niya masabi-sabi rito na bakla siya.

Incompatible Where stories live. Discover now