Ngising-ngisi pa si Aning habang palapit na sa elevator. Ngunit bigla ring tumigil at napalunok.
“Heto na naman po ako.” Kumukurap-kurap pa si Aning habang sinasabi iyon. “Hay . . . bakit ba takot na takot akong sakyan ka?” tanong niya sa kanyang sarili.
“Oh! Bakit?” Nakalimutan ni Dome na takot ang dalaga sa elevator.
“Ahm, Secretary Dome, puwede bang maghagdan na lang tayo,” pakiusap niya rito.
“Ano! Hagdan? Seryoso ka?”
“Oo,” sabi nito. “Eh, kung bakit naman kasi nasa 50th floor pa ’yung opisina ng Bekket na iyon! Kailangan ko tuloy sumakay sa elevator na iyan. Pero mas okay sa akin na maghagdan na lang. Kahit ikaw na lang ang sumakay riyan. Maghahagdan na lang ako. Kaya ko naman. Healthy naman ako.”
“Hindi puwede. Mahihirapan ka pagdating sa opisina niya. Baka nga luluwa mga mata mo at nakalabas pa ang dila mo dahil sa pagod.” pigil ni Dome sa kaniya. “ Kailangan mong masanay lalo na't magiging asawa mo na siya.”
“Hay naku, ayoko nang mahilo at masuka,” tanggi pa rin ni Aning.
“Sandali nga. Tatawagan ko na lang si Mr. Choi.” Akmang dudukutin nito ang kaniyang telepono sa loob ng bulsa ngunit pinigilan siya ng dalaga.
“’Di ba sabi mo nasa meeting siya? Maiistorbo ko pa yata siya.”
“Baka sagutin niya ko. Alam naman niya na kasama kita.” Nagpatuloy si Done sa at saka tinawagan si Bekket. At ilang sandali pa. “Nagri-ring na.”
Maya-maya' y bumukas ang elevator. Sakay niyon ang taong magiging mister ni Aning.
“Oh, Zu!” sambit ni Dome pero tumigil agad sa pagtawag sa pangalan nang makita ang malaking mata na ipinukol ni Bekket sa kaniya. “Mr. Choi!” Awtomatikong pag-iba nito ng tawag sa huli. “Tapos na po ba meeting mo?”
Ibinaba muna ni Bekket ang kaniyang telepono saka ibinulsa. Lumabas siya ng elevator.
“Hindi pa. Nagpaalam lang ako saglit baka kasi pabalik ka na at kasama siya.” Nginusuan pa niya si Aning. “Mabuti naman at nasa timing ako. Alam ko kasi na may isang tao riyan na takot na takot sumakay ng elevator. Kaya nandito ako para sunduin ang taong iyon.” Tumingin pa siya kay Aning na nakatingin din sa kanya.
“Hmp!” Inirapan ng dalaga si Bekket.
“Halika na. Pumasok na tayo ng elevator.”
“No! Ayoko!” matigas na tanggi ni Aning
“Ang arte nito,” bulong ni Bakket.
“Halika na. Hindi ka puwedeng maghagdan. Nasa langit ’yung opisina ko.”
“Ayoko nga! Tapusin mo na lang ’yung meeting mo. Dito na lang ako maghihintay.”
“Ang kulit . . .” ani ni Bekket. “Ayaw mo? Gusto mo buhatin kita?”
Natahimik si Aning. Bubuhatin daw siya ni Bekket. Nakakahiya iyon.
“Try mong tumanggi, bubuhatin talaga kita, girl. Bakla nga ako pero malakas ’to noh!” sa isip ni Bekket.
“Ano?”
“Okay, sige. Pasok na tayo,” nasabi na lamang niya dahil ayaw niyang mapahiya kahit na dalawang lalaki lang ang kasama niya.
“Hu . . . banta lang pala katapat mo.”
Sabay silang tatlo na pumasok sa elevator. Si Dome ang nasa gilid. Sa gitna naman nila si Aning. Bumuntonghininga pa ang dalaga pagkapasok sa loob.
“Kaya ko ’to . . . kaya ko ’to,” usal niya na nakapikit ang mga mata.
Samantalang kapuwa natatawa naman ang magkaibigan sa dalaga. Gusto mang humalakhak ni Dome dahil sa nakikita niya kay Aning pero pinigilan lang niya. Nakakatawa kasi talaga ang itsura nito. Napapasandal nang mabuti sa elevator.

YOU ARE READING
Incompatible
RomanceAning and Zuriel Love Story Hindi raw sila talo pero puso nila'y hindi nagpatalo