Part 12

4 1 0
                                    

“Bababa na ’ko.” Binuksan ni Aning ang pinto ng kotse. Pababa na ang isang paa niya nang bigla siyang hilahin ni Bekket pabalik.

“Oh, bakit?” Sabay lingon niya sa lalaki.

“Heto.”  

“Ano ’yan?” tanong niya sa iniabot nf lalaki sa kaniya.

“Atm mo. Nilagyan ko na ng laman iyan. Dalawang buwang sahod mo.”

“Ano? Seryoso ka! Ni hindi pa nga tayo kasal, may bayad na ako?” Pero hindi pa niya kinukuha ang ATM na hawak ni Bekket.

“Oo nga. Pero sa tingin ko naman okay ka kay Lolo. At saka, pang-shopping mo. Hinalukay kasi ni Dome ang mga gamit mo kahapon at naawa siya sa iyo. Puro lumang damit ang nakita niya.”

“So, kailangan ko bang magpasalamat sa kanya?”

“Hindi na. Pinasalamatan ko na siya para sa iyo. Mabait ang kaibigan kong iyon at mapapagkatiwalaan.”

Saglit na  natahimik si Aning.

“Teka lang. Nirereto mo ba ang kaibigan mo sa akin? Sa pagkakaalam ko, ikaw ang magiging asawa ko at hindi siya.”

“Sinasabi ko lang. Baka sakaling magkahiwalay tayo at masaktan ka, puwede mo siyang lapitan.”

“Oy! Hindi ako ganoon noh!Ano’ng tingin mo sa akin, pagkatapos ng isa ay may kasunod agad?”

Pinalo ni Bekket ang noo niya gamit ang ATM na hawak nito.

“Aray!” Napahawak ang dalaga sa noo nito matapos matamaan.

“Echuserang frog ’to. Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin,” bulong ni Bekket sa kaniyang isipan.

“Napakamalisyosa mo. Hindi ko naman sinasabing gustuhin mo siya. Gusto ko lang malaman mo na puwede mo siyang lapitan kung sakaling mamroblema ka. Ganoon iyon,” paliwanag nito. “Sige na, bumaba ka na. Susunduin kita mamaya,” paalala niya.

“Yes, Boss!”

“Ano’ng "yes Boss" ka riyan? Ang pangit pakinggan. Ayokong tawagin mo ’kong ganiyan.”

“Eh, ano pala? Nagtatrabaho ako sa iyo. Binabayaran mo ’ko. Eh, ’di Boss tawag sa iyo.”

“Ayoko nga,” mariing tanggi ni Bekket.

“Eh, ano? Dali na! Sabihin mo na. Ma-le-late na ’ko.”

“Bumaba ka na nga lang,” sabi nito. At sinunod naman siya ng dalaga. “’Yung pinto pakisara,” habol niyang ani.

Pagkatapos makababa ng kotse, padabog na isinara ni Aning ang pinto.

“Oy! Baka masira mo iyan!” sigaw ni Bekket sa loob.

Si Aning naman ay naglakad papunta sa kabila kung saan ang driver seat. Humarap kay Bekket.

“Blehh!”  turan niya at saka umalis na nang nakangiti.

Habang nasa loob naman ng kotse ni Bekket.

“Hmp! Ano kaya iyon?” tanong niya sa ginawa ng dalaga. “Bleh ka rin,” ganti niya kahit nakaalis na ang dalaga. At sinimulang paandarin ang kaniyang kotse.

Pumasok si Bekket ng opisina. Gaya ng nakagawian, binati siya ng kaniyang mga empleyado at empleyada. Lingid sa kaalaman nila ang tunay na pagkatao ni  Bekket kaya naman, panay ang tingin ng mga babaeng empleyada nito sa kaniya. Kinikilig habang bumabati.

Pagkatapos ng mahabang araw at sandamakmak na trabaho ni Bekket, susunduin na sana niya si Aning ngunit may humabol pang trabaho na kailangan niyang gawin. Kaya naman pinakiuspan niya si Dome na ang huli na ang sumundo sa babae.

Incompatible Where stories live. Discover now