Part 6

5 1 0
                                    

“Wala pa ba si Zuriel?” tanong ni Direktor Choi- ang lolo ng huli. Isa itong koreano pero dahil sa matagal na sa pilipinas at marami na ring nabiling kompanya sa mismong lugar, bihasa na ito sa wikang tagalog.

“Wala pa po, Director. Pero sabi niya he'll be here after two hours,” sagot naman ni Secretary Dome. Personal secretary at naging best friend ni Zuriel sa korea. Filipino rin ito at nanatili sa korea nang ilang taon para magtrabaho. At doon din siya nakilala ni Zuriel.

“Okay, call me if he's already here. May pag-uusapan kami.”

“Yes, Director.” Sabay yuko nito sa matanda bilang paggalang.

Nasa daan pa noon si Zuriel, sakay ng kaniyang motorsiklo na latest model na bili pa niya sa Korea. Matulin ang naging pagtakbo niya dahil sa may deal sila ng taong kausap niya sa telepono kanina at si Dome iyon. Ang kanyang personal secretary.

Marami ang  nakaharang na mga sasakyan sa kanya. Matatalo siya sa pustahan kapag mahaharangan ang daan niya at hindi siya makakaabot sa dalawang oras na kasunduan nila ni Dome. Malaking pera rin iyon kapag natalo kung saka-sakali.

Kaya nagpasya siyang dumaan sa hindi masiyadong dinadaanan ng mga sasakyan. Alam niya ang short cut na iyon dahil taga rito rin siya.

Sa kanyang pagliko, hindi niya inaasahang mahagip niya ang bag na nakakabit sa isang braso ng babae. Nawalan siya ng balanse at tuloy-tuloy sa isang tindahan ng mga prutas. Mabuti na lang at naka-full gear siya kaya hindi masyadong napuruhan.

“Aning ’yung driver!” sigaw ni Rhea sa kaibigan pagkatapos patakbo itong tumungo sa natumbang motor.

“Tulungan natin!” sabi naman nito at nagmadaling lumapit sa driver.

Pinagtulungan ng magkaibigan na maialis ang mga prutas na sa harapan ng lalaki. Pati lagayan ng mga ito ay nakadagan sa driver.

“Buhay pa ba?” nag-aalalang tanong ni Aning.

“Patay na yata. . .”

At nang matanggal na ang mga prutas, hinawak ni Aning ang sa braso ang driver.

“Okay ka lang?” tanong niya rito. Nababakas ang kaniyang ang pag-aalala rito.

“I’m, okay,” tipid nitong sagot sa dalaga.

“Wala bang masakit sa iyo mister?”

“I’m okay,” iyon pa rin ang naging sagot ng lalaki na hindi inaalis ang helmet sa ulo.

Ang totoo, pagkakita pa lang niya sa dalawang magkaibigan, namukhaan na niya ang isa habang nakahiga pa siya sa mga prutas.

“S-si Rhea,” bulong nito.

At nang magsalita si Aning, hindi na siya nag-alangan pang isipin na ito si Aning. Ang babaeng naging girlfriend niya nang sapilitan.

“Puwede mo bang tanggalin iyang helmet mo, Sir? Baka kasi may sugat ka sa ulo. At para naman masigurado natin na okay ka lang talaga.” ani Rhea.

“Ha?” Nabigla ang lalaki.

“Patay! Baka makilala nila ako at magulat kapag nakita ang mukha ko. Pero hindi. Malaki na ang ipinagbago ko kaya hinding-hindi nila malalaman na ako si Zuriel,” sabi ni Zuriel sa sarili.

“Sir?” pukaw ni Aning sa naglalakbay niyang diwa.

“Oh! Yes!” Wala rin siyang choice kundi pagbigyan ang kahilingan ng dalawang babae.

Marahang itinanggal ni Zu ang kaniyang helmet pero abot langit ang pananalangin na sana hindi siya makilala ng dalawang babae.

Nasilaw si Rhea sa makinis na mukha ng lalaking kaharap. Puting-puti at napakaguwapo nito. May kulay ang buhok na bumagay naman sa hitsura ng lalaki.

“Oh my, Aning . . .” Siniko pa niya ang huli. “Nakita ko na ang bago kong crush,” Bulong nito sa kaibigan at halatang kilig na kilig.

“Umayos ka nga.” Saway niya sa kaibigan at titig na titig din sa lalaki.

“As i’ve said. Im okay. No need to worry. Im fully geared kaya i’m safe.” tiwala nitong hayag sa dalawa.

'Oh my gosh, malaki na pa rin pala ipinagbago ni Aning. Hindi na apat ang kaniyang mga mata. And oh, i like her body. She is so sexy. Kahit malaking t-shirt and a not so short ang short  na suot niya, klarong-klaro pa rin ang hugis ng katawan niya. Pero mas sexy yata ako.' bulong nito.

“Hey, Sir! Sigurado ka bang okay lang po talaga kayo? Hindi ka kasi nakikipag-interact sa mga sinasabi at itinatanong ko,” nalilitong saad ni Aning. Kanina pa kasi siya nagsasalita pero parang nabingi ang kausap niyang lalaki.

“Oh! I’m sorry. May iniisip lang ako. A-ano nga pala ang sinasabi mo?”

May idinukot si Aning sa bag niya. Isang kapirasong papel.

“Heto, numero ng telepono ko iyan. Baka kasi may naalog sa utak mo. Ako kasi ay okay lang. Wala namang problema sa akin. Nag-aalala lang ako sa iyo. Ang tagal mong makasagot sa amin. Baka kako may kung ano’ng bumara sa utak mo. Kaya mabuti nang malaman ko.”

'Wow ha! Siya na nga itong nabangga ko. Siya pa itong concern na concern.'

“Thank you. I will call you. Ahm . . . Sige, alis na ako. Salamat sa tulong and sorry,” sabi niya saka inayos ang kaniyang motor. Pasalamat siya dahil hindi siya namukhaan ng dalawang babae. Binayaran na lang niya sa may-ari ang mga prutas na kaniyang nasira bago umalis.

Matagal na yata ang anim na taong nakalipas at marami na ring nagbago sa bawat isa sa kanila. Pero nakilala pa rin niya si Rhea dahil ito ang laging nakakausap niya kapag hinahanap si Aning noon.

“Aning, pigilan mo ako. Nahuhulog na naman ako . . .”

“Heto.” Binigyan niya ito ng tali na nasa nakuha niya sa tindahang nasira.

“Ano ito?” gulat namang tanong ni Rhea sa kanya.

“Tali.” sagot niya. “Itali mo iyang sarili mo baka kasi hindi ka niya sasaluin kapag mahulog ka.”

“Aning naman, eh.”

“Hayan ka na naman, Rheang. Halika na nga lang, alis na tayo. Wala na iyong crush mo. Umalis na. Kaya i-uncrush mo na dali kasi sigurado hindi iyon taga rito.”

“Hmp!” Inirapan niya si Aning pero ngiti lang iginanti nito sa kanya.

Nakahinga nang malalim si Zuriel nang  makalayo na siya sa dalawang babae. Sinisipat-sipat pa niya ang mga ito sa side mirror ng kanyang motorsiklo.

“Hindi nila ako makikilala dahil sa astig kong 'to!” lakas loob niyang sabi na sinabayan pa ng ngiti.







Incompatible Where stories live. Discover now