Part 22

3 0 0
                                    

Exam na ni Aning nang umagang iyon. Hinatid pa siya ni Bekket papunta sa kanyang school.

“Good luck sa exam mo.”

“Hindi ko alam kung maaalala kong lahat ng inaral ko kahapon buong araw. Pero salamat. Sana makapasa ako.” Tipid nitong nginitian si Bekket.

“Tiyak iyan,” tiwalang saad ni Bekket sa kanya. “Sige na girl, pumasok ka na at papasok na rin ako sa opisin. Shocks! Marami akong aasikasuhin ngayong araw.”

“Sige na. Mag-iingat ka.” Tumalikod na si Aning at nagsimula nang maglakad patungong room niya.

Buong araw rin ang exam ni Aning. Mabuti na lang at lahat ng inaral niya kahapon ay lumabas sa kaniyang exam ngayon. Laking pasasalamat niya dahil nasagutan niyang lahat ang mga tanong. Pagkatapos ng exam, kailangan pa niyang pumunta ng aklatan para sa kanyang thesis. May mga kulang pa kasi siyang mga detalye tungkol dito.

“Anya!”

Nilingon ni Aning ang lalaking tumawag sa kanyang pangalan. Hapon na no’n at kakatapos lang ng exam.

“Mm?”

“Totoo bang ikinasal ka na? At kay Bekket Choi ng BC Company pa?” usisa nito sa babae.

“Mm, oo.” Sabay tango niya sa kaharap.

“Ang suwerte mo naman. Ang yaman-yaman ng napangasawa mo.”

Nginitian lang ni Aning ang lalaki.

“Sayang naman, balak ko pa sanang ligawan ka pagkatapos ng graduation natin.”

“Hahaha! Ganoon?” Hindi makapaniwala si Aning sa kaniyang narinig mula sa lalaki.

“Oo sana. Pero nahuli na pala ako,” ?malungkot nitong sabi.

“Alam mo, mabuti pa siguro iwan mo ko rito kasi . . . hindi ako makakapag-focus sa thesis ko, eh. P’wede ba?” pakiusap niya sa lalaki.

“Puwede bang dito lang ako? Para kahit sa ganito lang, natatabihan kita,” pagpupumilit nito kay Aning. “Sige na, Anya. Malapit na graduation natin kaya puwede ba, pagbigyan mo na ako. Pagkatapos nito, hindi na kita lalapitan pa.”

“Si-Sige. Wala naman sigurong masama kung tatabi ka lang ’di ba?”

“Meron!”

Nagulat si Aning nang biglang sumabad sa kanilang pag-uusap ang isang pamilyar na boses. At nang lingunin ni Aning . . .

“Bekket?!” gulat niyang sambit.

“Ikaw, umalis ka rito. Tatabi ako sa asawa ko,” Utos nito sa lalaking kanina pa nangungulit kay Aning.

“So-Sorry.” Agad itong tumayo at umalis.

Nang makaalis ang lalaki, si Aning naman ang binalingan ni Bekket.

“Ang landi mo, ah. Nagpapatabi ka pa sa iba.”

“Hahaha! Ano’ng reaksiyon iyan? Tumabi lang ’yung tao. Landi agad?”

“Obvious namang nagpapansin sa ’yo ’yon. May gusto nga sa ’yo ’di ba? May balak ngang ligawan ka.”

Natigilan si Aning sa itinuran ni Bekket. 

“Teka lang, kanina ka pa ba nandito?” bigla niyang tanong kay Bekket.

“Ha? Ah, ngayon-ngayon lang naman.”

“Sinungaling. Narinig mo siguro ang pinag-uusapan namin, noh? Bakit mo alam na may balak siyang ligawan ako?”

“Ha? Ah, ano kasi.” Balak pa sanang magsinungaling ni Bekket pero agad ding umamin. “Oo na. Aaminin ko na. Maaga akong umalis ng opisina para sunduin ka. Nakita kitang papunta rito kaya sinundan kita. Lalapit na sana ako pero naunahan ako ng lalaking iyon.”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 26, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Incompatible Where stories live. Discover now