Part 3

9 1 0
                                    

Part 3

Palabas na ng gate si Schiyev nang makita niya sa ’di kalayuan ang nag-uumpukang grupo ni Kobe. At kasama si Zuriel. Tingin niya ay para itong pinagtatawanan nina Kobe.

“Naka-ilang girlfriend ka na ba? Ha, Zuriel?” tanong ni Kobe sa kaniya.

Tumingin si Zuriel kay Kobe. Si Kobe ang gusto niyang lalaki noon pa man.

'Girlfriend? Haay Kobe. Ikaw lang ang gusto ko' sabi niya sa kaniyang isip.

“Wala.”  Totoo na wala siyang girlfriend dahil nga sa bakla siya.

“Wala! Bakit naman? Malapit na nating lilisanin ang kolehiyo , wala ka pa rin naging girlfriend kahit isa lang?” Pagak na tawa ni Kobe.

'Ikaw lang kasi ang gusto ko' Sa isip pa rin ni Zuriel.

“Ayoko pa,” tipid na sagot na lamang  niya.

“Ahaha! kobe , baka naman bakla itong si Zuriel. Tingnan mo naman, oh. May itsura saka mahinhin kung makakilos. Hindi tulad natin na halatang lalaking lalaki,” saad ng isa nilang kabarkada.

  Pero si Zuriel, nanatiling tahimik lang. Matagal na niyang kabarkada sina Kobe. Pero bakla pa rin ang tingin nito sa kanya. At iyon ang totoo.

“Zuriel, bakla ka ba? Tama ba ang iniisip namin tungkol sayo?” Si Kobe. Inakbayan pa niya si Zuriel at siya namang lakas ng kabog ng dibdib nito.

“Hindi, Kobe. Wala pa talaga sa isip ko ang ganoon. Saka, madami namang babae diyan. Madali lang makakuha ng isa kung gugustuhin ko,” seryoso namang anas ni Zuriel.
“Ows, talaga? Pero hindi kasi ako kuntento sa sagot mo.”

Hindi pa rin kumbinsido si Kobe sa sagot ni Zuriel kaya naman inutusan niya itong halikan ang isang estudyanteng may hawak na libro.

“Kung talagang straight ka, halikan mo nga ’yung babaeng iyon?” Tinuro ni Kobe ang isang teenager na girl na paparating sa pwesto kung saan sila nag uumpukan kasama ang barkada.

  Nilingon ni Zuriel ang babae. Nag-aalangan man pero kailangan niyang gawin upang hindi siya pagdudahan ni Kobe.

'Naku.kainis naman!' bulong ni Zuriel sa kanyang isip.' Hahalikan ko ba talaga ang bruhang ito?' May kasama pang pandidiri na turan. 'Bahala na.'

   Bigla niya itong kinabig sa beywang saka pinalapit sa dibdib niya. Tinitigan nang mabuti.

'Heto na.' Pagpapatuloy niya sa pag-iisip. Saka pikit matang kinitlan ng halik ang babaeng nakadikit sa kanyang dibdib.

Tssuupp!!!

   Nang makabitiw sa halik, sandali silang nagka-titigan. Si Zuriel na may halong takot at hiya ang titig at ang babae na kahit nakatago ang mga mata sa salamin nito ay halata ang pagkagulat. Ang babaeng teenager na iyon ay si Schiyev. Mabuti na lang at hindi niya kasama si Rhea dahil kapag nagkataon, masisira ang pagkakaibigan nila dulot ng eksena ngayon.

  Nakabawi si Schiyev mula sa pagkagulat at umayos sa pagkakatayo saka tinuhod ang ibabang bahagi ni Zuriel, pagkatapos binigyan ng malutong na sampal.

Paaakkk!!!

'Ouchh' daing ni Zuriel sa kanyang isip.

'Ang lakas nun girl ha!' dagdag pa rin niya sa kaniyang isip. Hindi siya puwedeng magpahalata

Booogg!!

'Hmmmp!' Pinigil ni Zuriel ang kaniyang sakit na naramdaman. 'Ang balls ko.' Impit na turan niya at siya lang ang nakakarinig.

  Gusto niya ring patunayan na kaya niyang isa walang bahala ang sakit na natatamo ngayon mula sa dalagitang mabagsik ang naging kilos dahil sa ginawa niya.

Incompatible Where stories live. Discover now