Chapter 11: Love

1K 33 1
                                    

"Ayy hala! Guwapong nangapitbahay! Jusko po! Trespassing!" Nakakabinging sigaw ng kaibigan nila tatay na si Tupeng mula sa ibaba.

Gulat akong napabangon sa hinihigaan ko saka inayos ang bra ko at dali-daling lumabas sa kuwarto ko at tumingin sa ibaba at nakita ko si tatay na turo si Enzo na nakaupo sa sofa na kanyang kinatutulugan.

"Sino ka?! At bakit ka nakahiga at natutulog sa sofa namin, ha? Tumawag ka ng pulis, Tupeng!"

"Sige bax."

"Sir-" Akmang magsasalita si Enzo nang nagsalita ako dahilan kung bakit sila napatingin sa akin.

"Tatay, huwag niyo po siyang takutin, isinama ko siya dito kagabi... Huwag ka naring mag-abalang tumawag ng pulis, Tupeng kundi ikaw ang ipapapulis ko dahil ang lakas ng sigaw mo kanina."

Napasimangot si Tupeng saka ako inirapan.

"Tama na iyan, kayong dalawa. Halika dito sa ibaba, Mckenzie, may pag-uusapan tayo."

"Tay..." Napakamot ako sa ulo dahil gusto kong magreklamo, nakakahiya kay Enzo!

"Dali!"

Kamuntikan na akong umirap sa hangin dahil sa lakas ng sigaw niya.

"Maupo ka... Hindi diyan sa tabi ng estranghero, maupo ka sa harapan niya!"

Wala na akong nagawa kundi umupo sa harapan ni Enzo, nasa gitna naman si tatay at si Tupeng naman ay nasa likuran ko.

"Magtapat ka ng totoo sa akin, anak. Sino siya?"

"Si... Enzo po tay- ka-kas..."

Enzo stood from sitting that's why my dad face him with serious face. Minsan nga parang hindi siya bakla talaga, kilos-lalaki siya lalo na kapag sa labas ng bahay, pero sa loob ng bahay ay pinapakita ang kabaklahan.

"Sir ako po si Enzo Ivan Gile, but please call me Enzo nalang po or Ivan." He glance at me before speaking. "I-I'm your daughter's friend."

Napatayo ng tuwid si itay tapos ay medyo lumayo ng kaunti kay Enzo para makita ang hitsura nito. "Kulay berde ang mga mata mo, hijo. Pabangong mayaman iyong sa iyo, ang mga suot mong iyan ngayon: nasisiguro kong branded ang mga iyan, kotse mo rin ba iyong nasa labas ng bahay namin?"

"O-opo sir."

"Madam." Pagtatama ni tay kay Enzo.

"Ho?" Kumunot ang noo ni Enzo.

"Tay..." Kumapit ako sa braso ni tatay at pinisil iyon. "Tinatakot mo siya..."

"Hayst!" Tinaggal ni tatay ang kamay ko sa braso niya saka ako hinarap. "Tupeng, samahan mo ang napakaganda kong anak na bumili ng mga ingredients na nasa listahan diyan, may pag-uusapan lang kami ng lalaking ito." Aniya habang nakatingin kay Enzo.

Nanlaki ang mga mata ni Enzo.

"Tay naman..."

"Mckenzie, isa!" Napatalon ako sa gulat dahil sumigaw siya, ano ba itong bahay na ito? Sigawan para isisigaw lang ang gustong isigaw? Buti at hindi lumipad ang bubong.

Napatingin ako kay Enzo na pinanlakihan ako ng mga mata na sinasabing susundin ko ang sinabi ng tay ko.

I sighed. "Oo na po, tay. Basta po pangako niya na hindi niyo siya paaalisin o tatakutin?"

Kumunot ang noo ni tay saka bumuntong-hininga, may inilabas na pera mula sa bulsa saka iyon ibinigay sa akin at sinenyasan kaming lumabas. "Sige dalian niyo dahil pagkarating niyo, magluluto tayo."

"Babalik ako..." Bulong ko kay Enzi saka tumakbo papasok sa tricycle .

"Patingin ng listahan na kukunin natin?" Itinaas ko ang kamay ko sa harapan ni Tupeng.

The Billionaire's Chief Secretary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon