Chapter 20: Sick

866 32 0
                                    

It's been last two days since he kissed me. Nag-aalala akong tumingin sa loob ng opisina niya pero walang tao parin doon, hindi pa siya pumapasok.

Tumingin ako sa relo ko at napabuntong-hininga. 7 a.m. na pero wala parin siya. Simula na kasi noong iniwan niya ako sa walk-in closet niya ay hindi na niya ako tinutukso, kapag business lang ang usapan saka niya na ako kinakausap. Nag-aalala ako at higit sa lahat ay nasasaktan ako.

Tawagan ko ba? Napabuntong-hininga ako ulit.

"Ika-pito mo na iyang buntong-hininga mo diyan. Okay ka lang?" Tanong ni Aile habang nakahalukipkip sa harapan ko.

"P-paano mo nalaman? Kanina ka pa ba diyan?" Gulat na bulaslas ko.

Ngumisi siya at ipinatong sa mesa ang hawak niyang mga papeles. "Ayan iyong pinapahanap mo sa akin." Tumango ako at ibinaling ko ang tingin ko sa computer sa harapan ko nang tumawa siya ng sarkastiko, kumunot ang noo ko sakanya. "Salamat ha?"

"Ha?" Saka ko lang naalala na hindi lang ako nagpasalamat sakanya. Nagpeace-sign ako. "Welcome."

"Che!" She rolled her eyes at me then she flipped her hair before walking out.

I just shook my head before reading the papers that she gave me. Simula noong hindi ko siya ibinuking kay Enzo ay hindi na niya ako sinusungitan minsan, oo minsan lang kasi iniirapan niya ako, sinasamaan ng tingin at kung ano-ano pa. Kulang lang siya ng asawa. HAHAHAHA!

"Ay shit! Wala pa ba si sir?!" Nakuha ng pansin ko si Mr. Pineda na hawak-hawak ang isang papeles at ballpen. Nag-aalala siya habang nakasilip sa loob ng opisina ni Enzo.

Alas-onse na ngayon eh napansin kong kanina pa soya pabalik-balik sa pagsisilip sa opisina ni Enzo.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumapit sakanya. "Anong problema?" Nakangiting tanong ko.

Napakamot naman siya sa batok niya saka napatingin sa papeles na hawak niya. "Eh wala pa si sir kaya mukhang hindi na ngayon maipasa itong papel sa board eh kailangan na kasi, hanggang hapon pa ito. Naku! Lagot tayo kay sir kapag hindi natin ginawan ito ng paraan."

"Kailan ba maipasa iyan?" Inginuso ko ang papeles na hawak niya.

Bumuntong-hininga siya. "Ngayong ala-una sana. Paano na 'to?" Napakamot na naman siya sa batok niya.

Kinuha ko mula sakanya ang papeles at binasa iyon. Iyon palang iyong napag-meetingan namin kahapon na sabi naman ni Enzo na ipapaprint kay Mr. Pineda tapos pipirmahan bukas eh hindi naman pala nakapunta.

"Tinawagan namin siya simula palang kaninang umaga hanggang kanina lang pero hindi siya sumasagot... Anong ginagawa mo?"

"I'm signing these papers." Bigla siyang natahimik tapos narinig ko ang pagsinghap niya.

"Signature ni Boss iyan eh!" Tinuro niya ang signature ko.

I shrugged before giving those papers back to him. "Oh ayan tapos na. Pwede nang ipasa ngayon bago ka pa maglunch break." Ngumisi ako sakanya pero nanatili parin siyang nakatunganga.

"P-paano mo... Wow!"

Tumawa ako sa reaksyon niya. "Magaling akong mangopya ng signatures, talent ko." Kinindatan ko siya bago lumapit sa upuan ko para kunin ang bag ko sa upuan ko.

Ang totoo niyan tinuro sa akin ni Enzo kong paano gawin ang signature niya. I was amazed at his signature that's why. Nakailan pa nga akong attempt sa pangongopya sa signature niya pero hindi ko padin kuha hanggang sa naabutan niya ako na nangongopya ako. Akala ko nga magagalit siya pero hindi dahil tinuruan niya pa ako.

The Billionaire's Chief Secretary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon