"Anong meron sainyong dalawa?"
Nagkatinginan kami ni Enzo at pinanlakihan ko siya nang mata para sabihin niya iyon pero inaasar ako nang mokong kasi pinanlakihan niya rin ako ng mata.
I rolled my eyes at him before crossing my arms over my chest. Oo, nagtatampo ako pero joke lang, hindi talaga, nagkukunwari lang naman.
Ngumiti si Enzo saka lumapit sa kinauupuan ko at hinawakan ang kamay ko saka iyon hinalikan habang nanunuksong nakatingin sa akin. Inagaw ko sakanya ang kamay ko dahil pinagkakatinginan kami ng pamilya namin.
Ito kasing si Enzo, niyaya kami ng mga magulang ko, akala ko kaming apat lang pero pagdating namin sa sikat na resto na pagmamay-ari ng pamilyang Gal Valde ay nadatnan nalang namin ang pamilya ni Enzo.
Napasinghap ako saka pinalo nang mahina ang kamay ni Enzo sa baywang ko nang ipinulupot niya ang kamay niya sa baywang ko saka ipinatong ang ulo niya sa balikat ko at nakangiting tumingin sa aking mukha. "We are in a relationship again and I am happy that she gave me a chance to be with her..."
"Well, I guess. This calls for a celebration! Cheers! Magiging manugang ko na si Yskaxhiana! I'm happy for the both of you! Hindi gaya noong iba diyan, puro kalokohan lang ang alam, ni hindi pa binibigyan ng nanay si Dawnne, kawawa naman ang apo ko..."
"Ma!" Dylan shouted in an annoyance. "I'm trying..."
"Psh!" Maarteng sumimsim sa kape ang nanay nina Dylan at Ably saka ako binalingan. Nakangiting bumaba ang tingin niya sa kamay ko at sunod ay sa tiyan ko.
"Ang hinang nilalang."
Bulong niya habang nakatingin sa kamay ko tapos ay biglang hinaplos ang tiyan ko dahilan para nanigas ako sa kinauupuan ko at naramdaman kong ganoon din si Enzo pero kaagad siyang bumawi at hinalikan ako sa gilid ng ulo ko.
"May laman na ba?" Tanong niya sabay kindat.
"P-po?" Napatingin ako kay Enzo dahil namumula na ang mukha niya at ganoon din ang teynga niya. "W-wala po..." Mahinang bulong ko sa step-mom ni Enzo.
Niyakap nito ang apong si Dawnne na tahimik kumakain ng pansit. "Pakibilis-bilisan naman at nang may kalaro na itong si Dawnne."
"Iyan din ang sabi ko sakanya noon, mukha pang hindi handa, amiga." Sabat naman ni tatay Robert.
Sa totoo talaga niyan, hindi pa ako handa talaga, kasi ni kahit ako, hindi ko naranasang maalagaan ng aking tunay na ina. Tuloy ay naisip ko kung magiging maganda ba akong halimbawa sa anak ko kapag meron na, at kung handa na ba ako?
Mukhang napansin ni Enzo na tahimik ako kaya siya ang sumagot.
"Ma, tay... Don't pressure her." Enzo caressed my hand. "I also want to have a daughter who looks like her mom but I should wait for the right time."
"We understand." They both said.
~~~~
"Love..." Natatawa akong nilingon si Enzo na nakanguso at nakapulupot ang kamay sa baywang ko ng maigi, para siyang bata na ayaw maagawan ng kendi.
Tinapik ko ang kamay niya. "Huwag kang maarte, bibisitahin ko lang naman si lola," Mas lalo na siyang sumimangot, lately napapansin ko din na nagiging clingy siya pagdating sa akin. "Oh edi kung ayaw mo edi diyan ka sa labas muna."
"No." Napatayo siya ng tuwid saka ginagap ang kamay ko. "Kasi kung saan ka pupunta, susundan kahit hanggang sa pagtanda." He gently pinched my nose.
"Sabi mo yan ah?" Kumindat-kindat ako sakanya kaya siya'y natawa.
"Too cute..."
"Halika na nga!" Hinila ko siya papasok sa kuwarto ni lola at naabutan ko si Kyle na pinapakain ng pagkain si lola.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Chief Secretary (Completed)
RomanceTHE BILLIONAIRE'S SERIES #1 Mckenzie Yskaxhiana Rivera who believes in letting go of someone or something although it is or he is important to her. She's a young woman when she truly experienced loving someone, she enjoyed being with him and to be t...