Chapter 13: Acquire

967 34 1
                                    

Pagod akong napasandal sa pintuan ng condo ko. Ginulo ko ang buhok ko gamit ang aking mga kamay. "Bakit siya pa? Akala ko hindi ko na siya makikita ngunit bakit ang hirap lumayo?"

Tumakbo ako sa C.R. at doon sumuka, naiiyak pa ako dahil sa kasusuka. Dahan-dahan akong lumapit sa lababo para maghilamos at magmumog, pagkatapos iyon ay mariin akong tumingin sa sariling reflection ko sa salamin.

Ikinuyom ko ang mga kamao ko saka tumawa pero ang tawa ay nauwi na naman sa iyakan. "Dapat masaya ka diba? Kasi nakalimutan ka na niya, mas maganda iyon para hindi ka mahirapan na layuan siya." Sinasabi ko sa sariling reflection ko sa salamin. "Pero tang na, bakit pa siya nagpakita? Akala ko ba sa Ireland na siya nakatira? Putang buhay talaga, oo!"

Pagbagsak akong umupo sa kama ko saka humiga sa kama, napapikit pero agad napadilat nang bumalik sa balintataw ko ang lahat ng nangyari ngayong araw: simula noong umaga hanggang ngayong hapon.

Tinakpan ko ng unan ang mukha ko saka pumikit hanggang sa nakatulog ako. Nagising ako sa isang nakabibinging alarm.

Wala na akong ginawa kundi umalis sa pagkakahiga at diretsong pumasok sa loob ng banyo. Kailangan ko ng warm shower. Pagkatapos akong naligo ay pumasok ako sa maliit na walk-in closet ko para magpalit ng damit. Nag-apply muna ako ng light make-up sa mukha ko.

Napatingin ako sa pabango ko na strawberry saka iyon tiningnan bago itinapon sa basurahan. Hindi na 'ko pwedeng gumamit noon, dahil alam kong gustong-gusto niya ang bango niyon.

Nag-spray ako sa katawan ko ng pabango na tinanggap ko galing kay Keyshawn noong huli siyang pumunta sa ibang bansa noong may importante siyang lakad.

Pero bago ko iyon inispray sa katawan ko ay inamoy ko muna, napangiti naman ako dahil mabango din. Hindi ko lang favorite iyon kasi strawberry iyong gusto ko pero carry naman. Saka isa pa, sayang naman kung hindi ko gagamitin itong imported coconut scent.

Sumakay ako sa taxi papunta sa company namin dahil doon kami may importanteng pag-uusapan. Mayroong nag-gree-greet sa akin ng good morning na mga empleyado, ganoon din ako sakanila.

Nakahinga ako ng maluwag nang mga emplayo ang nasa loob ng conference na nagseseet-up ng table at proposal.

"Si boss?" Tanong ko sa mga empleyado, baka late na naman iyon? Pero impossible, alam naman niyon kung gaano kaayaw ni Enzo sa late.

Umupo ako sa swivel chair at napasandal doon. Grabe ang sakit ng ulo ko, sana nalang hindi ako uminom kahapon.

Bago pa makapagsalita ang tinatanong ko ay dumating na sina Enzo na seryoso lang, nakakunot ang noo at si Keyshawn ay pangiti-ngiti lang. Habang si Mr. Pineda naman ay tahimik lang na nakasunod sa boss niya.

"Good morning sir." Tumango ako kay Mr. Gile at bumeso ako sa pisngi ng boss ko.

Mr. Gile cleared his throat before speaking. "Same." Iyon lang? Ang ikli-ikli ng sagot.

Sinenyasan ni Keyshawn ang mga empleyado na lumabas sa conference room para bigyan kami ng privacy. Ako, si Keyshawn at ang isang empleyado na hawak ang laptop para siya na ang bahalang magshuffle ng proposal.

"Mr. Gile, this product from TSHL is one of the best in marketing. If TSHL..." Sinalubong ko ang tingin niya pero agad akong umiwas a tumingin sa katabi ko na ngayo'y nagsasalita. "could achieve a strategic planning and cooperation with YSIA and exploit the overseas market together..."

"I believe Mr. Ventura, I have a suggestion..." Aniya saka ko naramdaman ang tingin niya sa akin kaya napatigil ako sa pagsusulat, wala lang naman akong sinusulat sa notebook kundi kung ano-ano lang. Eh paano ba ako makikinig eh nakaka-bother naman iyong tingin niya.

The Billionaire's Chief Secretary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon