Chapter 28: Accuse

898 33 6
                                    

"I already told you, he will and always forget you no matter what. Hindi ka niya mahal kung ganoon."

Ikinuyom ko ang mga kamay ko dahil sa sinabi ni Jessamine, tumawag ako ng waitress sa coffee shop para kunin ang nasa harapan ko na mainit na kape ko at baka hindi na ako makatimpi ay itapon ko iyon sa mukha ni Jessamine.

Mukhang napansin iyon ni Jessamine kaya siya ngumisi ng todo.

"See you, Miss Rivera."

Napataas ang kilay ko sakanya nang iniwan niya ako sa cafe shop. Right, siya naman dapat ang kailangang umalis dahil ako ang nauna dito, sumunod lang siya para kausapin ako.

"Didn't you told me that you're already done with Enzo?" Jessamine asked as she sat on the chair infront of me.

I sipped my coffee. "Yes, I already told you that but now I realized that I can't live my life without him. I love him more than myself."

Tinaasan niya ako ng kilay saka ngumisi. "What if I told you that I love him more than myself too?"

Nakaramdam ako ng inis at galit para sakanya pero wala naman siyang kasalanan, nagmamahal lang. Kagaya ko na gustong ipaglaban ang pagmamahal ko kay Enzo.

"I know that you have a crush on him since our highschool time, kaya kong nasaan siya eh nandoon ka, kahit sa University of Limerick ay nandoon ka pero tama ba na hindi kailan naging kayo noon?" I teased her. Nakita ko na kinuyom niya ang kamay niya na nasa mesa saka siya huminga ng malalim.

Ngumisi ako dahil tama ang hinala ko. Paano naman magkakagusto si Enzo niyan eh parang kapatid iyong turing.

Inaamin kong nagseselos ako sakanya kapag kasama niya si Enzo kasi pakiramdam ko ay mas marami silang pinagsamahan.

"Ganito nalang, sabi mo nga mahal mo si Enzo e 'di the best woman win. Kung sino ang matatalo ay lalayuan niya si Enzo." She extended her hand infront of me then I accept it.

"Deal." I smile genuinely.

Napabuntong-hininga ako bago tumayo mula sa kinauupuan ko at kinuha ang shoulder bag ko sa tabi kong upuan bago tumayo.

Pinagsisisihan ko na ngang nakipagdeal kay Jessamine, paano kung ako pala iyong matatalo?

Ugh! Erase! Hindi ako papatalo sa babaeng iyon. Kung akala ni Jessamine ay magtatagumpay siya, hindi!

~~~~

Naglalakad ako sa hallway ng hospital nang may mabangga ako dahil sa katangahan!

Nakita ko ang mga papeles na nakakalat kaya yumuko ako para tulungan siyang kuhanin iyon. Tumayo ako. "Sorry, sorr..." Hindi ko naituloy ay sasabihin ko dahil nagulat ako sa taong nasa harapan ko.

Inayos niya ang eyeglasses niya saka kinuha mula sa akin ang hawak niyang papeles.

Ngumiti ako sakanya pero ang awkward lang kasi lalo na noong nalaman kong crush niya ako one week ago. Inaya niya ako sa isang restaurant at doon nagtapat ng nararamdaman niya sa akin.

Hindi ko alam kong paano ako magrereact noon, kung anong sasabihin ko kasi ayaw ko siyang saktan. Masakit din sa akin ang nangyari nong sinabihan ko siya ng sorry noon at hindi ko kayang tumbasan ang nararamdaman niya kasi may iba akong mahal at alam niya palang si Enzo iyon.

Masakit din kasi sa akin na tanggihan siya alam mo mabigat din sa dibdib kapag nakikita mo ang ibang tao na umaasa sa iyo, na nasasaktan dahil sa iyo. Pero kailangang gawin iyon eh para malaman nila.

The Billionaire's Chief Secretary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon