"So pretty girl, you can buy anything you want." Hindi ko magawang tumingin sakanya nang bigla nalang niya akong kinindatan.
"Don't stare at my daughter like that." Napatingin ako kay nanay Benxh nang sinabi niya iyon sa nagbabanta. "And no thanks, I can buy a dress for my daughter." Aniya tapos ay tinaasan ng kilay ang babae.
Nakita kong umirap ang nagsasabing totoong nanay ko kay nanay Benxh. "Akala mo naman sa sinapupunan mo iyan galing eh ako nga nagluwa!" Inis na sigaw niya dahilan para mapatingin sa amin ang ilang tao sa luob ng shop.
Hihilahin ko sana si nanay Benxh para makalabas kami nang pinigilan niya ako, nanatiling nakatingin sa totoong nanay ko kuno.
"Ikaw naman ang nagluwa pero ikaw ba ang nag-alaga at nagpalaki sakanya nang 25 years? Saka ngayon ka lang nagpakita matapos ang ilang taon?!" Kunwaring napasinghap si nanay Benxh at napatakim sa bibig.
"Oops! I am shookt!"
Inirapan siya ng babae bago inaya ang kasintahan na lumabas, hindi man lang ako tinapunan nang tingin, nasaktan ako dahil doon, dahil sarili kong ina ay hindi manlang ako inalagaan pero dapat makampante ako kasi meron akong tunay na nanay sa puso ko at iyom ay si nanay Benxh.
Hinawakan ko siya sa magkabilang braso saka nag-aalalang tumingin sakanya. "Okay ka lang po ba, nay?"
Hingal-hingal siya pero kaagad ring ngumiti. "Oo naman, nak. Tara bili na tayo ng..." Akma siyang tatalikod nang pinigilan ko siya. "Ano iyon, nak? May gusto ka bang bilhin?"
Umiling ako saka seryosong tumingin sakanya. "Ni kahit minsan po ba hindi kayo nagalit sa akin? Kasi po ako ang dahilan kung bakit kayo naghiwalay ni itay noon?—Oww!" Pinitik niya ako sa nuo dahilan para mapangiwi ako.
Marahan siyang tumawa. "Tama nga sabi ng tatay mo kanina na dapat kang pitikin sa ulo para marealize mo... Syempre hindi ako kailanman nagalit sa iyo pero aaminin ko na nagtampo ako noon minsan noong baby ka. Oo at nagalit ako at nasaktan dahil nagkahiwalay kami pero sa nanay mo lang ako galit. Hindi ko naman masisi ang itay mo kasi lasing, it turns out, nabuo ka at isa kang gift from God."
Tapos ay hinaplos niya ang pisngi ko dahilan para mapapikit ako.
"Ano ba naman at tama na itong drama natin, nak. Bili na tayo ng dress mo."
Wala na akong nagawa nang hilahin niya ako sa isang sulok, napapangiti ako sa tuwing itinatapat niya sa katawan ko ang dress, gusto din kasi makapagdress siya eh kaso masyado namang masikip sa katawan niya daw tapos baka lang daw pagtatawanan siya ni itay.
"H-hija?"
Napabaling kami sa babaeng napasinghap, hawak ang gilid ng sunglasses habang nanlaki ang mga matang nakatingin sa akin.
She looks elegant in her dresses and her skin looks so soft, her eyes does have a resemblance of Ably Queeny's and Dylan Ren! Parang gusto kong tumakbo at magtago man lang. Anong ginagawa ng nanay nila Ably at Dylan dito sa Sorsogon?
"P-po?"
Nakangiti siyang umayos ng tayo. Mayroon siyang kasamang mga dalawang lalaki sa likuran niya, malamang ay bodyguards niya.
"I was just passing by then I accidentally saw you." Napabaling ang tingin niya kay nanay Benxh saka ngumiti ng malapad, wala akong makitang ni kahit anong peke sa ngiti niya. "Ako nga pala si Marivic Gile, asawa ni Gabriel at step-mom ako ni Enzo."
Gulat parin si nanay noong nag-shake-hands sila. "Ako nga ho pala si Benxh Rivera at ito ang anak namin ni Robert Rivera, siyempre hindi ako ang nagluwal pero galing siya sa puso ko." Kasal sila nanay at tatay pagkatapos noong debut ko noong eighteen pa ako. Kaya siya Rivera.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Chief Secretary (Completed)
RomanceTHE BILLIONAIRE'S SERIES #1 Mckenzie Yskaxhiana Rivera who believes in letting go of someone or something although it is or he is important to her. She's a young woman when she truly experienced loving someone, she enjoyed being with him and to be t...