Ngumuso ako dahil papalayo na kami sa bahay ng mga magulang ko. Yakap ko ang sarili ko habang nakatingin sa side mirror kung saan sila tatay at nanay ay nakatayo sa labas ng bahay habang iniwawagayway nila ang kanilang kamay.
Yakap ko ang sarili ko at tahimik na nakatingin sa tinatahak naming kalsada.
Gulat akong napatingin sa tabi ko dahil naramdaman kong may ipinatog siyang jacket sa aking balikat, iyong jacket na suot niya kaninang umaga na hanggang ngayon ay mabango parin.
"If you want, we will visit them next week again."
"Talaga? Pero ayaw kong maabala ka."
Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at kinulong iyon sa kanyang dalawang kamay bago halikan. "We're already together, that means- I'll support you with your decisions and opinions so if you think that you're bothering me, you aren't. Hmn?" Tumango ako. "Okay good girl, let's go?"
"Yeah."
He then again stated the engine of the car. I yawned and he saw it.
"Take a nap, I'll wake you up when we already arrived at your apartment."
At gaya nga ng sinabi niya ay sinunod ko kasi hindi ako masyado nakatulog kagabi dahil sa project namin. Magkasabay kaming gumawa ng project pero sa kalagitnaan ng pagtatapos ko sa project ay nakatulog ako.
Nagising nalang ako kinabukasan na nasa kama ko ako at kompleto na ang ginagawa kong proyekto. Nang makababa pa ako sa bahay ay nagulat nalang ako nang makita siyang nagluluto ng agahan namin.
Pagkatapos ng agahan namin ay inilibot ko siya sa ilang parte ng Sorsogon. Nakakatawa kasi parang date lang namin iyon, ang sarap niyang kasama.
Nakapunta pa kami sa beach malapit sa amin para lumangoy, nagkakulitan eh kaya tumakbo ako at hinahabol niya ako hanggang sa muntikan na akong madapa pero agad niya akong inalalayan sa likuran para hindi ako matumba.
I stared at his eyes like he's doing right now. A smirk form in his lips when he saw my mouth hang open.
"Am I that handsome, love?"
Tumatama ang sikat ng araw sa gilid ng kulay berde niyang mata. Napangiti naman ako kaagad. "Oo sobrang guwapo mo na nakakapanghinayang kasi ang pangit ng naging kasintahan mo, hindi ako marunong mag-makeup, magsuot ng magagarang damit, hindi ako mayaman, paano nalang ang sasabihin ng mga tao? Magugustuhan ba ako ng pamilya mo?"
His face remain stoic and then his eyes soften. "Please don't judge my love for you, love. You are for who you are, you're more than beautiful for me. I don't care about the people who will judge us. I don't care about money, I don't care about how reach I am, aabutin kita kahit gaano tayo kalayo sa isa't-isa, kahit na saan ka pumunta-susundan kita. Walang kahit na sino ang makakapigil at makakahadlang sa pagmamahalan natin. I love you, Mckenzie Yskaxhiana."
"Hey! Mckenzie!" Nagising ako sa katotohanan nang lumabas mula sa malawak na private restaurant si Mr. Ventura. Tinapik-tapik niya pa ang pisngi ko, animo ginigising ako mula sa guniguni.
"Ugh! Ano ba?!" Inis na tanong ko.
Lumamlam ang mga mata niya bago ako pinanlakihan ng mga mata. "Ikaw pa itong galit. I just want to say to you that you did a good job. I know it was hard for you but..."
Sinuntok ko siya sa tiyan niya kaya sa napaigik, buti at walang tao sa hallway kaya dinuro ko siya.
Sanay na siya sa akin, kahit sa kompanya niya ay dinodown ko siya, kahit may mga empleyado siyang kasama, tamang asaran lang naman, masarap kasi siyang pikunin.
"May kasalanan ka pa sa akin, Keyshawn at alam mo kung ano iyon."
Inirapan niya ako saka itinulak patalikod. "Okay, okay. Bumili ka ng light chaser para sa akin." Aniya tapos ngumiti, mukhang ang saya nga niya. "Kailangan nating tapusin ito ngayong gabi."
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Chief Secretary (Completed)
Roman d'amourTHE BILLIONAIRE'S SERIES #1 Mckenzie Yskaxhiana Rivera who believes in letting go of someone or something although it is or he is important to her. She's a young woman when she truly experienced loving someone, she enjoyed being with him and to be t...