"Ugh!" Kahit na gusto ko pang matulog sa kuwarto ko ay hindi ako pwedeng magmukmok lang, mag-aalala sila itay kaya kailangan kong bumangon at ayusin ang sarili ko.
Mabigat man sa kalooban ko pero kailangan kong magpakita kina itay na okay lang ako. Kasi noong umuwi ako dito sa amin sa Sorsogon eh alalang-alala sila sa akin kung bakit ako umuwing umiiyak. Sinabi ko sakanila lahat ng nangyari.
"Tamang-tama, anak at gising ka na. Kumain na muna tayo..."
"Opo." Lumapit ako sa mesa at umupo sa harapan nila tay at nay Benxh. Nilagyan naman kaagad ni itay ang plato ko pagkatapos lagyan ang plato ni nay.
Napangiti ako kasi ang sweet nila, nakakainggit. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang maalala ko ang huling pag-uusap namin ni Jessamine noong nakaraang dalawang linggo.
Tuloy-tuloy akong naglalakad sa hallway nang nagkasalubong ang paningin namin ni Jessamine. Ngumiti siya at lumapit sa akin saka tumigil sa harapan ko. "I need to talk to you." She said in a serious tone.
I raised my eyebrows at her. "What for?"
She smirked. "I am here to tell you that no matter what your plan towards Enzo. I'll still fight my love for him."
I shook my head. "I am no longer your enemy."
"What did you say?" Her forehead creased.
I smiled at her. "From now on, I'll leave Mr. Gile to you. I know you're a good woman to him."
Her eyes widened as her mouth hung open. I can't help but to chuckle before tapping her shoulder. "I'll leave everything to you."
Bumuntong-hininga ako dahil inisip ko na naman iyon ay para na akong maiiyak.
"Mahal mo si Enzo diba anak?"
"Po?" Tumigil ako sa pag-iisip ko ng kung ano-ano at tumingin kay itay.
"Eh bakit mo siya iniwan samantalang mahal mo naman siya at kung sabi rin naman niyang gusto ka niya?"
Napabuntong hininga ako at napayuko habang nilalaro ang spaghetti gamit ang tinidor. "Kasi po..."
"Takot ka na baka maulit ang mangyari?"
Napaangat ang tingin ko sakanilang dalawa saka ngumuso, lumalabo ang aking mga mata dahil sa luha kaya ko pinunasan iyon agad.
"Opo."
Bumuntong-hininga naman si tatay, tumingin ako sa kamay ko nang hinawakan iyon ni nanay Benxh. "Alam mo, habang lumilipas ang mga araw na nandito ka sa bahay, hindi na iyong dating ikaw ang nakikita namin."
Hindi ko maiwasang maluha kasi totoo naman.
"Wala na iyong kampante at masayahing Zie na pinalaki namin, malungkot ka pati rin kami nalulungkot sa iyo."
"Aray!" Sigaw ko nang biglang pitikin ni itay ang noo ko.
"Hmp! Ayan para mapag-isip-isip ka!"
Tinampal naman ni nanay Benxh ang kamay ni itay. Sila talaga, parang aso't pusa minsan.
"Pinagsasabihan ko nga anak natin, mamaya ka naman!"
"Akala mo naman sayo siya nanggaling. Ay sorry na beh." Ani ni itay at niyakap sa tagiliran si nanay.
"Pero seryoso, Zie... Hindi kailangang batukan kita kada minuto para diyan. Ayokong makapag-asawa ka noon o kahit ngayon kasi gusto ka namin makasama sa iisang bubong habang-buhay pero simula noong dumating si Enzo, gusto ko soya para sa iyo. Ang bait nang batang iyon, noon pa man. Kahit na gugustuhin namin siyang bisitahin ay hindi namin alam kong paano siya i-approach."
Totoo ang sinabi ni tatay na mabait si Enzo lalo na kung makilala mo siya ng tunay. Noong una nga kaming nagkakilala ay ang cold niya parang ice pero hindi pala talaga. Ni parang hindi nga marunong magalit lalo na sa mga malalapit sakanya.
"Nay, tay... Sorry po." Nakangusong ani ko.
Sunod-sunod na pumatak ang mga luhang kanina ko pa kinikimkim.
"Naintindihan namin na takot ka." Napatingin ako kay tatay. "Pero kung talagang mahal mo siya eh bakit hindi mo siya ipaglaban, diba? Nas maganda naman kung sundan mo naman iyong puso mo. Gawin mo ang lahat para maalala ka niya, diba? Kaysa naman hahanap ka pa ng iba diyan, alam kong madami ka nang manliligaw pero gusto namin si Enzo."
"Tay..." Napanguso ako kaya siya tumawa.
"Uhm... Kumain na tayo at tama na itong drama, oh- ito pa..." Napangiti ako nang nilagyan ni nanay Benxh ang plato ko ng spaghetti. "Kumain ka na at para mamaya magshoshopping tayo."
"Sige sama ako ah." Ani ni itay pero sinampal siya ng mahina ni nanay Benxh dahilan para mapangiwi siya at sumimangot. Ako nama'y natawa sakanilang dalawa.
"Hindi ka pwede doon dahil bonding naming mag-ina iyon, diba?" Nakangiti siyang tumingin sa akin.
"Opo." Tumango ako habang kumakain.
Tama sila, dapat kung mahal mo ang isang tao ay ipaglalaban mo, pero kasi meron akong takot sa isang relasyon, para akong gusto kong sabunutan ang sarili ko kasi apaka tanga ko!
I thought for this long time ago, that I have the what so called philophobia since five years ago so I can't commit but then my senses were back now and I can't even wait to see Enzo after two weeks of resigning. I miss him, really.
"Tingnan mo 'to, mukhang bagay sa iyo." Nagulat ako nang nakita ko ang halaga nong dress, ni hindi nga ako bumibili ng halos limang libong dress eh.
"Nay, mahal po iyan saka po,"
"Kahit na anak, may ipon naman ako dito, pwede nating..."
"Get whatever you want, daughter."
Napabaling kami sa isang babae na short hair at para siyang nasa mid-40's. Nakita kong parang gulat na gulat si nanay Benxh dahil napasinghap siya nang makita ang nasa harapan namin.
Kumunot ang noo ko, kilala ko ba 'to o ni nanay Benxh?
"My boyfriend will buy it for me right?" Ani ng babae habang nakapatong ang kamay sa dibdib ng lalaking foreigner na mukhang nasa late 30's.
Ngumiti ang lalaki sa babae bago tumango. "Sure I will babe, she's your daughter though." Ani ng lalaki saka nakangising tumingin sa akin mula ulo hanggang paa. Napaiwas ako ng tingin dahil kinikilabutan ako sa paraan ng pagtingin sa akin.
What the hell? And daughter? What the f...
"Oh, Benxh." Nakangiting sumulyap ang babae kay nanay Benxh kaya iniyakap ko ang kamay ko sa beywang niya.
"Almira..." Halos pabulong na ani ni nanay Benxh, nag-aalala akong tumingin sakanya dahil mukha siyang kinakabahan.
"Ako nga." Sumulyap siya sa akin at saka din ngumisi bago ulit sulyapan si nanay Benxh. "Mukhang kinacareer mo na ang pagiging tunay na nanay sa anak ko ah."
😊
A/N: pasensya na at maikli ngayon ang ud ko, basta nakapag-ud na ako ngayong araw💞
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Chief Secretary (Completed)
RomanceTHE BILLIONAIRE'S SERIES #1 Mckenzie Yskaxhiana Rivera who believes in letting go of someone or something although it is or he is important to her. She's a young woman when she truly experienced loving someone, she enjoyed being with him and to be t...