Chapter 33: Proposal

1.1K 29 2
                                    

I sipped on my wine while looking at my family and his family, they're laughing while talking to each other. Lalo na si Enzo, maganda iyong ngiti niya sa hindi ko alam na dahilan.

Lumapit ako sakanila at umupo sa tabi ni Enzo. Lahat sila ay napabaling sa akin at nawala ang ngiti nila.

"What are you guys talking? Did I missed something?"

Umiwas ng tingin si Enzo na mas lalong ikinakunot ng noo ko. Tatanungin ko sana kong may problema siya pero nakuha ng pansin ko ang step-mom ni Enzo na nagsalita.

"Oh no, hija, you didn't missed something. We're just talking about Dawnne's crush, right apo?" Niyakap niya si Dawnne na naglalaro na naman ng phone niya.

Napakabata pa pero mahilig talaga siya na maglaro ng cellphone at seryosong-seryoso pa.

"Ah?" Tumingin siya sa lola niya. Tapos ay biglang tumango. "Yeah." Aniya tapos ibinalik ang tingin sa phone.

Ngumiti ang step-mom ni Enzo. "See?"

Tumango ako sakanya at inilibot ang paningin sakanilang lahat pero agad naman silang nag-iwas ng tingin at ang iba ay nakayuko sa kanilang plato gaya ni tatay.

Nakakunot-noo akong bumaling kay Enzo at ngumiti lang siya pero para din siyang nininerbyos na hindi ko alam. Hinalikan niya ang likuran ng palad ko saka masuyo iyong hinawakan.

"D-do you want to uhm— go somewhere?"

Tumingin ako ulit sa kasama namin sa mesa at nakita kong nagthumbs-up si Ably at nakangiti naman sa amin ang iba. Pansin ko ding nakasuot sila ng formal suit na parang gaya noong dati na nagpropose sa akin si Enzo pero impossible iyon, isang buwan na at pagkatapos ng gabing ito ay magdadalawang buwan ang lilipas at ni hindi man lang ako inaayang magpakasal nitong si Enzo lalo na ngayong ready na ako.

Wala na akong nagawa kundi tumango nalang kay Enzo, isa pa, hindi ko din naman feel na kumain dito, puro pang-mayamang pagkain kaya hindi pa ako sanay.

"Where are we headed to?" I asked him while were walking.

Bago pa siya makapagsalita ay lumingon ako sa likuran namin dahil parang pakiramdam ko ay may sumusunod sa amin pero noong lumingon naman ako ay walang tao kahit na lakihan ko pa ang mata ko para makita kung may tao sa madilim na bahaging iyon na siyang ikinakunot ng noo ko.

"You okay, love?" He asked me with full of concern.

Tumingin ako sakanya at nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya kaya ngumiti nalang ako para maibsan ang kakaibang takot na nararamdaman ko, para akong kinilabutan na hindi ko alam.

Dali-dali akong yumakap sakanyang tagiliran at sumiksik doon dahilan para tumawa siya nang mahina.

"Can we walk further?" Magtatanong pa sana siya kung bakit pero kasi ayaw kong sabihin sakanya na parang may sumusunod sa amin. "I- I mean, I just want us to be there at our destination quickly..."

"Okay, love." Hinawakan ko ang kamay niya para sana hilain siya patakbo pero siya pa iyong humila sa akin at pinangko niya ako saka nagsimulang maglakad nang mabilis.

I can't help myself but I hugged him on his nape while staring at him with full of love. Isiniksik ko ang ulo ko sa dibdib niya at mas lalo kong naamoy ay nakakaadik na pabango niya.

He smirked when he saw me staring at him. "Ah. I'm thrilled."

Mahina kong tinapik ang dibdib niya. "Malapit na ba tayo?"

"Yes love, three more steps and..." Pinatayo niya bigla ako nang nakaharap sakanya, lilingon sana ako nang pinigilan niya ako.

"What?" Tinaasan ko siya ng kilay habang tumatawa.

The Billionaire's Chief Secretary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon