"Hindi pa ba kayo uuwi?" Takang tanong ko sakanilang lahat.
Hating-gabi na at parang wala silang balak na umuwi.
"Wala, babantayan ka namin." Sagot ni Javin at muling humiga sa sofa ng ospital.
Malaki ang room na kinuha nila. Kulang nalang ay dagdagan ng kama para lahat kami makahiga.
"Usog ka pa, Raya. Nahuhulog na likod ko."
Napangiwi ako kay Summer.
Nakitabi lang naman siya sa akin sa hospital bed.
"Baka mahulog ako," nahihiyang singit ni Naomi.
Nasa kaliwa ko siya, habang nasa kanan ko naman si Summer.
Pumikit nalang ako.
"Nasaan si Kreed?" Tanong ko.
Kanina pa siya labas pasok sa kwarto ko.
"Inaayos niya yung bill tsaka papeles mo rito sa ospital. Hindi pwedeng makarating sa parents mo 'tong nangyari." Ani Blaise. Katabi niya si Javin sa sofa.
Napatango ako.
"Okay naman na ako, pwede na siguro akong umuwi bukas."
"Anong uuwi ka agad bukas? Edi nagtaka mga friends mo." Singit ni Vanessa na nasa foldable bed sa sahig, katabi si Charrine, Winter at Mont. Lahat sila nagsisiksikan.
Bumagsak nalang ang ulo ko sa unan. Hindi ito ang nakita ko gamit ang ability ko.
Pilit kong iniisip kung paano ako nagkaroon ng saksak.
Nakipaglaban ako, possible na may sumaksak sa akin. Pero paano?
Bakit hindi ko naramdaman agad.
Kinasap ko yung lalaki...pero pagkatalikod niya ay bumalik na ako sa mga kaibigan ko.
Kinausap ko nga siya pero hindi naman ako lumapit o dumikit sa kanya. Possible kayang ability niya yon?
Lumapit si Paul...at doon na ako natumba.
Pumikit ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil pinaghihinalaan ko si Paul.
Kung si Paul man yon, bakit hindi ko naramdaman?
Ang natatandaan ko nalang ay bumagsak ako sa kanya kaya nagkalapit kami.
"Hinahanap na kayo ni Sir Nics."
Napadilat ako. Si Reeve iyon. Hindi ko napansin na wala pala siya sa kwarto kanina at ngayon ay nasa pintuan ba siya, kapapasok.
"Huh? Sino yon?"
Kumunot ang noo ko kay Summer dahil niyakap niya ako at sumiksik pa sa akin.
"Kaya nga?" Gatong ni Javin.
Napapikit ako.
Parang alam ko na kung bakit sila nandito.
"Pinayagan niya tayong dumalaw lang, hindi makitulog." Dagdag ni Reeve.
"Hindi pa okay si Raya, dito muna kami." Angal ni Blaise at tuluyang pumikit.
Nginiwian ko siya.
"Paano kung balikan siya rito ng mga yon?" Singit naman ni Zypher. May yakap na siyang throw pillow.
"Umiiwas lang ata kayo sa training." Singit ko sa kanila.
Napatingin silang lahat sa akin at natahimik.
Napasimangot ang katabi kong si Summer.
"Mind reader nga talaga." Wala rin siyang nagawa at bumangon nang magsibangon sila Mont, Charrine, at Naomi.
YOU ARE READING
Her Hidden Ability
FantasíaGrace Tanya Valencia used to be a typical high school student. Not genius, not sporty, not a head turner, but just typical. She's jolly, talkative, and kind of hardheaded. She loves to explore things, but she knows her limit. As she turned 17, unex...
