"San ka galing, Raya?"
Napalingon ako sa nagtanong-si Summer.
Agad na kumunot ang noo niya nang makita ako.
"Anong nangyari sa'yo?!" gulat niyang tanong nang mapansin ang pasa sa mukha ko. "Saan galing 'tong mga 'to?!" Napadaing ako nang hawakan niya ang sugat sa labi ko.
"Napag-tripan." Maikli kong sagot na ikinakunot lalo ng noo niya.
"Sino'ng nang-trip sa'yo?!" galit niyang tanong.
"M-Mga gangsters sa labas." Kamot ulong sagot ko.
Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na sinundan ko sila Zesha at Freya. Sa lahat ng miyembro ng Prime, si Summer ang pinakatutol sa pakikipagkaibigan ko sa kanila.
"At paano ka naman napadpad sa labas, ha?" kunot-noong tanong niya habang hinihila ako papunta sa sofa.
"B-bibili lang sana ako." Pagsisinungaling ko.
Hindi ako sigurado kung naniwala siya, pero matamang niyang tiningnan ang mukha ko bago ini-examine ang natamo kong pinsala. Napangiwi ako nang marahan niyang idiniin ang daliri sa balikat ko.
"May iba pa bang masakit sa'yo?" tanong niya, pero umiling ako kahit ramdam ko ang kirot sa sikmura ko.
"Ang kapal ng mukha ng mga 'yon para manakit ng babae," hindi ko napigilang ireklamo.
"Ha? Hindi lang ikaw ang sinaktan?" gulat niyang tanong.
Tumango ako. "Bali-balita kasi sa labas ng campus ang pangha-harass nila sa mga estudyante ng Prime Academy. Hindi lang ako ang biktima."
Nanlaki ang mga mata niya.
"Parang wala naman akong naririnig na ganyan?!"
"Kailan ba tayo lumabas dito sa building natin at nakihalubilo sa iba? Malamang, tsismis 'yon na hindi natin nasagap."
Napaisip siya, pero halata sa mukha niyang hindi niya gusto ang narinig. Tumayo siya bigla. "Sandali lang, tatawagin ko si Naomi-"
"What happened to you?"
Naputol ang usapan namin nang dumating si Kreed. Kunot-noo siyang nakatingin sa akin.
"Nabugbog." Maikli kong sagot.
Tumitig siyang maigi sa mukha ko, dahilan para lalo akong maging conscious sa itsura ko. Ramdam kong hindi lang basta concern ang nasa mga mata niya-may halong inis at paninising nakatago roon. Bumuntong-hininga siya bago nagsalita.
"I need to talk to you." Seryoso ang tono niya.
Napatayo si Summer. "Kap,hindi pa siya nagagamot-"
"It's okay," pigil ko kay Summer bago ako tumayo at sumunod kay Kreed.
Habang naglalakad kami papunta sa opisina ng Prime, nanatili siyang tahimik, pero kita sa postura niya ang tensyon. Nang makarating kami sa loob, agad niyang isinara ang pinto at humarap sa akin.
"Why didn't you call us?" seryoso niyang tanong.
Napayuko ako. "Wala akong dalang phone." Nahihiya kong sagot dahil parang napakaraming nangyari sa akin sa isang araw lang.
"So instead of calling for help, you decided to jump in and act like a hero?"
Napakagat-labi ako. May point siya.
"Did you say anything to Summer about our mission?"
Umiling ako agad.
"Good. This case will only be between the four of us."
YOU ARE READING
Her Hidden Ability
FantasyGrace Tanya Valencia used to be a typical high school student. Not genius, not sporty, not a head turner, but just typical. She's jolly, talkative, and kind of hardheaded. She loves to explore things, but she knows her limit. As she turned 17, unex...
