Isang buong linggong sumakit ang katawan ko.
Sa araw-araw naming physical training ay halos balutin ko na ang sarili ko ng pain reliever o kaya naman ay salonpas at tuluyan ng mamahinga.
Mula sa early morning warm-up namin, military obstacles na kailangang lampasan at maensayo ng maayos at hanggang sa malupitang self defense na tinuturo sa akin ni Kreed.
"Time out!" Tinanggal ko ang boxing gloves at iniwan si Kreed na nakatayo sa ring hawak ang focus mitts na pinapasuntok niya sa akin.
Naka focus kami ngayon sa boxing.
Bumaba ako mula sa ring nang hinihingal at pawis mula sa training namin.
"Ano na naman ba?!" Inis niyang tanong. Nauubusan ng pasensya.
Pangatlong beses na kasi akong nag time out.
Pakyu ka, bossing. Kala mo ikaw lang?!
Nakatanggad kong tinignan si Kreed dahil nasa taas siya ng ring.
"Nananadya ka na eh! Bakit tuwing susuntok ako eh gumaganti ka?!" Inis na tanong ko.
Tuwing sinusuntok ko kasi ang mitts sa kamay niya ay gumaganti siya ng palo sa ulo ko.
"You should defend your head, airhead! Kaya ko nga pinansusuntok para sanggain, hindi para saluhin!"
Napanganga ako at hindi makapaniwalang lumingon kay Javin na nasa chair at nanunuod sa amin. Walang habas itong tumawa.
"Hindi ganon yon diba?!" Paghingi ko rito ng simpatya pero mas lalo siyang humagalpak ng tawa.
"Akala ko hilo ka na kaya di ka maka-sangga, yon pala nag-aabang ka!" Sagot niya.
Napanganga ako sa sagot ng isa kaya muli kong nilingon si Kreed.
"Ano akala mo? Hindi gaganti kalaban mo? Swerte mo naman." Sarkastiko aniya at umayos ng tayo sa ring.
Tatlo lang kami rito kaya wala akong ibang mahilang kakampi. Yung iba naming kasama ay nasa Prime Arena at doon nagtre-training.
"Bakit ka ba kasi nadito?!" Angil ko sa kanya. Kung hindi niya ako kakampihan, mas mabuting huwag nalang siyang makinood.
"Malamang hinihintay ko si Reeve. Dito din kami eh."
Inirapan ko siya. Dahil pair niya si Reeve, kailangan niya ring sumama sa amin. Katulad ng morning exercise group naming tatlo nina Reeve at Kreed, nasama na ngayon si Javin.
Nilingon ko si Kreed nakapatong na ang braso niya sa harang ng ring at masama pa rin ang tingin sa akin.
Nakasimangot kong binalik sa kamay ko ang gloves bago bumalik sa ring.
"Lalakasan ko na 'to. Gantihan nalang, walang personalan mamaya." Bulong bulong ko pa sa sarili ko.
Kahit alam kong rinig niya yon.
"Do fast jabs kung gusto mo makaganti." Pai-instruct niya.
Talaga!
Umayos ako ng tayo at muling bumalik sa fighting position.
Mabilis kong sinunod ang sinabi niya kahit hindi pa siya tuluyang nakakaayos. Sinutok ko ang mukha niya.
YOU ARE READING
Her Hidden Ability
FantasíaGrace Tanya Valencia used to be a typical high school student. Not genius, not sporty, not a head turner, but just typical. She's jolly, talkative, and kind of hardheaded. She loves to explore things, but she knows her limit. As she turned 17, unex...
