"Sir! Si Raya hindi po makasunod!" Nakabusangot na sabi ni Blaise.
Siya muna aang inatasan ni Sir na pangunahan kami ni Reeve.
Nang lumingon sa amin si Sir ay hindi ko maiwasang mapaiwas ng tingin at mapakamot sa kilay ko.
"Last na 'to, Raya. Kapag hindi mo pa naayos yang tali mo, itatali ko yan sa leeg mo." Angil niya pa.
Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Kapag ito nagawa ko, sa'yo ko to itatali, makita mo."
Tatlo nalang kasi kaming natira sa arena.
Na-stuck ako sa isang obstacle dahil hindi ko magawa ng tama ang pagtali ng rope.
Supposedly, maglalambitin kami sa lubid na kailangan muna naming maihagis sa isang rod at kumusa iyong tumali roon. Pagka nasecure na yon at safe na lambitinan ay tsaka ka lang makakatawid sa next obstacle.
Hindi dapat basta basta ang pagtalon dahil malalim na tubig ang babagsakan mo kung nagkataong mali ang kapit ng lubid.
Bahagya akong lumingon kay Reeve na halatang gusto nang umalis kaso hindi siya pinayagan ni Blaise dahil hindi pa raw ako tapos.
Inabot ko sa kanya ang lubid.
Kanina ko pa paulit-ulit na pinapa demo sa kanya ang tamang paghagis ng lubid para kumapit sa bakal.
Bumuntong-hininga siya.
"Kapag hindi mo pa 'to nagawa, I will be the first one to tie this to you."
Napasimangot ako at handa na sanang panuorin siya nang magsalita si Sir.
"Let's end here. I know pagod na kayo."
"Yes!" Napatalon pa si Blaise.
Natuwa naman ako.
Nakaligtas!
"But for tomorrow, I will be the one who will supervise all of you. Especially you, Raya." Striktong aniya.
Naunang umalis si Blaise at sumunod naman kami.
"Left! Right! Left! Right- Go back from the start, Raya!" Sigaw ni Sir Nics mula sa view deck sa Prime Arena.
Napasapo ako sa noo ko at bumalik sa umpisa ng tire run.
Ito pa ang pinaka umpisa ng obstacle.
"Mahalaga ang body coordination, Raya. Simpleng tire run pa lang yan pero mali mali ka na."
Gusto kasi ni sir ay sundan ang sinisigaw niya. Nahihirapan naman akong gawin yon dahil sa laki ng mga gulong na nasa floor ay sumasabit ang paa ko o kaya naman ay di umaabot ang talon ko kaya tinatapakan nalang ang gulong at ihahakbang na agad ang isang paa ko kaya mali.
Simula nang pumasok kami rito ay sakto ngang dumating si Sir Nics at pinagpractice lang kami saglit at agad na nagsabi na io-observe na kami agad.
May dala-dala siyang clipboard. Ganap na ganap sa gagawing monitoring.
Ang mga kasama ko naman ay nauna na. Lahat kami ay sabay sabay na nag-umpisa. Madali nilang nagawa ang mga unang obstacles.
YOU ARE READING
Her Hidden Ability
FantasíaGrace Tanya Valencia used to be a typical high school student. Not genius, not sporty, not a head turner, but just typical. She's jolly, talkative, and kind of hardheaded. She loves to explore things, but she knows her limit. As she turned 17, unex...
