Oliver's POV
Flashback...
"I-I need to look for my sister." Halos magmakaawa ako kay Sir Salas na paalisin ako.
"Alam kong gusto mong hanapin si Salin, Ver. But we can't afford to lose another Prime Class member, especially you! You're the President and the leader of-"
"Lintek na posisyon! I-I wasn't capable...Ni ni hindi ko na-protektahan ang kapatid at kaibigan ko...Yan pa kayang posisyon na yan?!" Umiiyak na ani ko.
Natahimik si Sir Salas.
"I-It was my fault... I should have been more careful. D-Dapat nakinig ako kay Jaxon." Napaupo ako sa kama ko at napahilamos ng mukha.
"It wasn't your fault, Ver. We didn't saw that coming. Ano bang alam natin na pugad pala ng mga kalaban ang auction na iyon-"
Tumango ako, pilit pinapakalma ang sarili pero hindi ko mapigilang manginig.
Tumango hindi dahil sang-ayon ako sa kanya kundi gusto kong intindihin ang mga pangyayari.Lahat ng ingay sa labas ay parang lumulubog sa likod ng kabog ng dibdib ko.
"Pero dapat ako 'yung unang nakaramdam. Kaya ko 'to, 'di ba? Kaya kong maramdaman 'yung intensyon, 'yung anomalya-bakit hindi ko sila nabasa?"
Napayuko ako.
"Oliver..." mahinahong tawag ni Sir Salas, ngunit hindi ko siya tiningnan.
"Sinubukan ko silang protektahan... pero sa huli, si Jaxon at Salin ang nawawala at ako-" Pinikit ko ang mata ko. "Ako 'yung may kakayahang baguhin ang kapalaran. Pero bakit parang wala akong nagawa?"
May katahimikan. Tanging paghinga naming dalawa ang naririnig.
Lumapit si Sir Salas at dahan-dahang umupo sa gilid ng kama. "Bilang lider, hindi mo kayang iligtas lahat, Oliver. Kahit gaano mo pa gustuhin. Pero ang mahalaga-nandito ka pa. At hindi pa huli ang lahat para hanapin si Salin at Jaxon."
Napatingin ako sa kanya. Bakas sa mukha niya ang pagod, pero matatag pa rin.
Pero wala akong mahanap na pag-asa sa puso ko ngayong ako ang dahilan ng pagkawala ng kaibigan at kapatid ko.
"Kung talagang gusto mong hanapin siya... tutulungan kita. Pero kailangan nating maghanda. Kasi kung pugad nila ang auction, ibig sabihin may mas malalim na galaw ang kalaban."
Napakapit ako sa kumot. Tumango. "Kailangan kong makita si Salin at Jaxon. Buhay sila... alam kong buhay siya."
"Gagawin na'tin yan pero sa ngayon, magpahinga ka muna. Kailangan mo ng lakas para maka-isip ng paraan para mahanap sila."
"S-Si Kreed? Kumusta si Kreed?"
Parang kinakain ako ng konsesya ko. Hindi dapat siya kasali rito pero ngayon ay nakaratay siya dahil sa mga natamo niya. Pati ang pangako ko sa kanya na ligtas si Salin ay hindi ko mapatutohanan.
YOU ARE READING
Her Hidden Ability
FantasiGrace Tanya Valencia used to be a typical high school student. Not genius, not sporty, not a head turner, but just typical. She's jolly, talkative, and kind of hardheaded. She loves to explore things, but she knows her limit. As she turned 17, unex...
