"Pumili ka ng sa tingin mo, kaya mong lamangan."
Napatingin ako kay Reeve.
Suggestion ba yon or utos?
"Wala akong kaya sa kanila." Bulong ko sa kanya.
Tumabi siya sa akin at nag-cross ng arms.
"Tsk. Diba mind reader ka? Di mo ba kayang gamitin yan?"
Mind reader nga, bonak naman.
Pero swerte na rin dahil hindi ako pinapili sa kanilang dalawa. Anong laban ko sakanila.
Binaling ko ang tingin ko sa iba pa naming kasama. Sino nga ba sa kanila ang kaya ko?
Sa kanilang lahat, iiwasan ko na agad ang mga kalalakihan lalo na't physical fight ito. Kung sa mga babae naman...choices ko sila Naomi, Summer, Charrine at Vanessa.
Sa kanilang apat, si Naomi ang alam kong mahina physically. She have a healing ability but that doesn't guarantee na magagamit niya yon. Base naman sa skills niya, for sure lugi ako kahit hindi niya pa lakasan ang mga hampas niya.
Si Summer naman, hindi ko alam ang ability niya. Tsaka for sure, baka magpatalo pa yan para lang i cheer ako.
Si Charrine naman, she can control the weather pero dahil nandito kami sa oval, she can't use that but she may opt to. Isa pa, bukod sa ability niya, mahirap rin basahin ang laman ng isip niya dahil puno siya ng taktika.
Si Vanessa... impulsive siya. She may have the ability to manipulate electronics, but she can't do that right now because she don't have any chance. Hindi niya magagawa dahil walang electronics sa lugar namin. Isa pa, madali siyang basahin dahil sa emosyon niya, kaya posibleng mas malamangan ko siya. Base naman sa skills niya, I know lugi ako dahil for sure lalakasan niya. But knowing her move through mind reading, pwedeng masangga ko ang mga atake niya.
Alam ko sa sarili ko na kaya kong pasukin ang isip ni Vanessa lalo na't nasubukan ko na iyon ng ilang beses. Strong personality but weak emotions, yon ang disadvantage niya na siya namang lamang ko.
Isa pa. Hindi naman nila sinabing hindi pwede gumamit ng ability.
"Sige, si Vanessa."
Napansin ko ang mabilisang paglingon ni Reeve, ganon din ang ngisi na lumapat sa labi ni Vanessa.
Agad ko namang nabasa na hindi niya inaasahan na siya ang piliin ko pero hindi rin naman sa hindi niya inasahan. Ibig sabihin nasa pagitan ang judgement niya. In shortest, wala siyang pakialam.
"Tanga." Mahinang komento ni Reeve.
Eh kung hampasin ko ng arnis yang sikmura mo?
"Sure ka ba, Raya?" Gulat na tanong ni Charrine.
"I volunteer, wag ka nalang mamili." Sabi naman ni Summer.
"Hayaan niyo siya." Seryosong sabi naman ni Montrey. He now shows that he's the one in command.
"Bakit hindi natin pipigilan? Si Van yan oh." Mahinang bulong ni Blaise na nasa tabi ni Montrey.
"Kailangan masaktan, para matuto." Dahilan ni Mont.
Saktan?
"Alam nating hardcore yang si Van, Mont. Hindi niyan pagbibiyan si Raya." Bulong naman ni Javin.
"Baka balak mo pang umatras?" Nakangising tanong ni Vanessa.
"N-Ngayon pa ba ako aatras kung nakapili na?" Utal kong sagot.
YOU ARE READING
Her Hidden Ability
FantasyGrace Tanya Valencia used to be a typical high school student. Not genius, not sporty, not a head turner, but just typical. She's jolly, talkative, and kind of hardheaded. She loves to explore things, but she knows her limit. As she turned 17, unex...
