Zesha's POV
Bakit ba kailangan pang kausapin ni Raya yung lalaki? Hindi ba siya natatakot?!
Hindi ko maintindihan ang usapan nila.
Gusto kong tanungin si Raya.
Bakit ngayon lang siya nagpakita?
Bakit sinundan niya pa kami?
At higit sa lahat, paano niya nagawang makipagbunuan sa mga basagulerong mga yon?
"Raya!"
Napatingin ako sa kanila nang marinig ang sigaw ni Paul.
Mabilis ang naging pangyayari.
Bumagsak siya sa lupa kaya agad namin siyang nilapitan.
"Raya, okay ka lang ba?!"
Kinakabahan kong tanong. Kung kanina ay para siyang action star, ngayon ay para siyang lantang gulay.
"Dalhin natin siya sa hospital!" Suhestiyon ni Freya at agad naming sinang ayunan.
Binuhat siya ni Paul at sabay sabay kaming lumabas ng eskinita. Nakasalubong pa namin ang mga tanod.
"Anong nangyari sa kanya?" Gulat na tanong ng mga tanod.
"Isa na naman po sa mga napagtripan ng mga gangster." Seryosong sagot ni Paul. Wala ng bahid nang kaba o takot ang itsura niya.
Hindi ko maiwasang samaan siya ng tingin.
May dumating na ambulansya at agad naming isinakay si Raya roon.
"Zesha, bumalik ka sa school, ireport mo ang nangyari-"
"Ako ang sasama, Freya." Tutol ko sakanya.
"Sige, si Paul nalang ang pabalikin natin-"
Hindi pa tapos si Freya ay sumakay na si Paul sa ambulance.
Epal?!
Walang nagawa si Freya kundi pasakayin nalang din ako sa ambulansya at susunod nalnang siya after magreport sa school.
Pagkaupong- pagka upo ko ay pansin ko ang paninitig ni Paul sa kanya.
"May problema ka ba kay Raya?" Kompronta ko sakanya.
Mabilis siyang napalingon sa akin na parang napapa-isip bago dahan-dahang yumuko.
"Wala." Tipid niyang sagot.
Inirapan ko nalang siya at hinawakan ang kamay ni Raya.
Kumunot ang noo ko. Hindi lang basta normal ang nararamdaman ko sa kamay niya.
Bakit malamig kamay ne'to?
Hinawakan ko agad ang noo ni Raya pero hindi ko pa man siya tuluyang napapakiramdaman nang sumingit ang medic.
Mukhang chinecheck nila si Raya at parang hindi sila mapakali.
Ano bang meron?
Nang dumating kami sa ospital at ipinasok si Raya sa emergency room ay halos wala na akong ideya.
"Bakit emergency room agad siya dinala? Nawalan lang naman ng malay si Ray—"
"May saksak siya."
Naputol ang sasabihin ko at lumingon kay Paul. Masama ko siyang tinignan.
"Hindi magandang biro yan, Paul!"
"Zesha, tingin ko dapat umuwi ka muna." Sagot niya.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa para lang matigilan at mapasinghap.
YOU ARE READING
Her Hidden Ability
FantasyGrace Tanya Valencia used to be a typical high school student. Not genius, not sporty, not a head turner, but just typical. She's jolly, talkative, and kind of hardheaded. She loves to explore things, but she knows her limit. As she turned 17, unex...
