Enjoy reading,Honeys<3
Magaan ang pakiramdam niya nang magising siya kinumagahan. Hindi pa man sumisikat ang araw ay bumangon na siya. Katulad ng palagi niyang ginagawa, nagpunta siya sa kulungan ng mga kabayo para paghandaan ang mga ito ng makakain.
Hinaplos niya ulo ng isang kabayo. "Buti pa kayo, pinagsisilbihan at inuunang pakainin." Natawa siya ng pagak.
Inihanda niya ang mga pagkain at mga tubig na iinumin ng mga kabayo sa bawat kwadra ng mga ito. Pagkatapos ay nagmamadali na naman siyang nagtungo sa exit door ng kusina kung saan lagi siyang dumadaan. Mabilis siyang naghilamos bago nagpainit ng tubig para sa mga trabahador na mahilig uminom ng kape sa umaga. Habang nagpapakulo ay nagsaing naman siya ng kanin at nagluto ng mga ulam na pang-almusal nila. Hindi pa siya tapos sa pinipritong tuyo nang dumating ang mayordoma ng mansiyon kung saan ito rin ang nakatuka sa kusina palagi.
Inismiran lang siya nito bago nagsuot ng apron at sinimulang ilabas ang mga lulutuin para naman iyon sa mga tito at tita niya.
"Magandang umaga." Masayang bati niya rito.
"Maganda sana ang umaga kung hindi lang kita nakita." Tinarayan pa siya ng matanda.
Ngumiti parin siya ng matamis sa matanda kahit pa nakaramdam siya ng kunting kirot sa puso niya. Wala naman kasi siyang ginagawang masama pero wala man lang nakikitungo sa kaniya ng maganda.
"Bakit ba kasi hindi ka pa dito umalis na?"
May kung anong emosyon siyang nakita sa mukha ng matanda pero mabilis lang din iyon naglaho at bumukas muli ang pagkamataray na naman nito.
Kung anu-ano na lang ang nakikita niya. She is longing for too much care.
Tila may bumara sa lalamunan niya at hindi magawang sumagot sa matanda.
Bakit nga ba hindi pa siya umaalis? Kasi wala naman siyang mapupuntahan pang iba? O baka hinihintay niya talagang pakitunguhan siya ng mabuti ng mga kamag-anak niya?
Hindi nga niya alam kung bakit galit na galit ang mga ito sa papa niya. Hindi niya rin alam kung ano ba ang naging utang ng mga magulang niya, wala namang sinasabi ang papa at mama niya no'ng buhay pa ang mga ito.
Sapat na ba ang kung anumang kasalanan o utang ng papa niya para ituring siyang parang hayop? Sapat na ba iyon para makalimutan nilang parte rin naman siya ng pamilyang Rodriguez?
Bago pa man kainin ng lungkot ang puso niya ay mabilis niyang inayos ang paglalagyan ng mga nalutong pagkain para sa mga trabahador at kasamana siya r'on.
Huminga siya ng malalim at nginitian muli ang mayordoma. "Aalis na po ako." Paalam niya, hindi na siya nag-abalang maghintay pa sa sasabihin nito dahil baka magsalita na naman ito ng ikakasama ng damdamin niya.
Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang pakiramdam na nalulungkot. Ayaw niya ng drama sa buhay pero papasa na sa mga Drama ang kwento ng buhay niya.
Habang nasa daan siya ay halos humaba ang leeg niya kakasilip sa kabilang hacienda. Aminin man niya o hindi ay nagbabakasakaling baka makita muli niya ang lalaki kahapon.
Naalala na naman niya ang manggang ibinigay nito sa kaniya na hindi naman niya nakain.
Nanubig ang bagang niya habang nakatitig sa mga puno ng mangga na nadadaanan niya. Hindi na siya ulit papasok d'on para lang magnakaw ng mangga, baka malaman pa ng tita niya.
Maaga pa ngunit nang makarating siya sa kubong nagsisilbing pahingaan nila ay nandoon na lahat ang mga trabahador.
"Bilisan mo, Napaka-bagal naman ng batang ito!" Singhal sa kaniya ni Mang. Lito.
Hinihingal pa siya nang mailapag niya ang dalang basket na may lamang pagkain.
"P—asensiya na po. Pinakain ko pa po—"
BINABASA MO ANG
Chasing Her (Dark Series book 3)
General FictionFRANK MARIO FERRELLE is the example of silent but dangerous man. He came from a well-known family inside and outside of their province. He has this attitude that whenever he likes something or someone, he won't think twice to pursue it. He is a ter...
