ENJOY READING, HONEYS♡
BUMALIK si Eloissa sa pinagta-trabauhan niya para narin magpaalam na hindi na siya makakapasok mula sa susunod na linggo.
"Hayss! Bakit naman kasi isang linggo lang ang binigay?" Inis na bulong niya.
Hindi niya rin alam kung bakit lagi na siyang nakakaramdam ng pagkainis nitong nakalipas na linggo, hindi naman siya ganong tao.
"Talaga bang huling araw mo na na ito sa akin?" Nakangusong tanong ng kaniyang amo na naging malapit na sa kaniya.
Natatawang lumapit siya rito. "Kayo naman! Para naman akong mamamatay na, hindi lang naman ako magta-trabaho sa inyo pero kapag tapos na po ang mga problema ko ngayon ay babalik ako dito sa inyo, iyon ay kung tatanggapin niyo pa ako?"
"Oo naman noh!" Segunda ng amo.
"Atsaka, bibisitahin ko po kayo rito kapag may oras ako," paalam niya rito.
Nag-usap lang sila ng amo hanggang sa may dumating na costumer dahilan para matigil sila sa masayang pag-uusap. Si Eloissa naman ay umalis sa harap ng counter para puntahan ang kung sinumang bagong dating.
Kumunot ang noo niya nang makitang pamilyar sa kaniya ang lalaki.
Magalang itong bahagyang yumukod na ikinagulat niya. "Ms. Eloissa, ipinadala po ako ni Senyorito Franco para ibigay sa inyo ito." Bahagya nitong itinaas ang dalang paper bag na hula niya ang pagkain ayon narin sa tatak nito.
Kaya pala pamilyar ang lalaki dahil ito ang personal driver ng binata na hula niya ay hindi lang pagiging personal driver ang trabaho kay Franco kundi nagsilbi narin itong body guard ng binata.
Kahit naiilang ay tinanggap parin niya ang paper bag. "Salamat po, paki sabi po na h'wag na siyang magpadala sa susunod," magalang na bilin niya rito.
Tipid lang itong ngumiti at hindi na nagsalita tungkol sa sinabi niya pagkatapos ay nagpaalam na.
Halos matapon niya ang hawak na paper bag nang bigla na lamang siyang sinundot sa tagiliran ng kaniyang amo.
"Ate naman!" Reklamo niya rito habang sapo ng kanang kamay niya ang puso. Tinatawag na niyang ate ang amo dahil ayon narin sa gusto nito.
"Ikaw ha!" Tudyo nito sa kaniya. "Nakakahiya ka namang sales lady kasi may taga-hatid sa'yo ng pagkain,"
Sa mga nakalipas na araw ay laging may nagbibigay sa kaniya na galing daw kay Franco tuwing umaga at gabi, iba ngayon dahil ang mismong personal driver nito ang nagbigay sa kaniya.
Sinimangutan niya lang ito. "Sa inyo na lang po ito." Iniabot niya rito ang hawak na paper bag pero mabilis lang itong umiling.
"Naku! H'wag ka ng mahiya, para naman sa'yo iyan," tumatawa-tawang tumalikod ito sa kaniya.
Eloissa tsked. Itinabi niya ang paper bag at nag-pukos na lang sa trabaho. No'ng break-time na ay pinagsaluhan nila ng ate ang pagkaing ibinigay sa kaniya.
Nang sumapit ang hapon ay maaga silang nagsara ng shop dahil narin sa sinabi niyang hindi pa niya naayos ang mga gamit na dadalhin niya, hindi naman kasi karamihan iyon kaunti lang at sa shop lang din ng ate nabili at ang iba ay bigay na nito sa kaniya.
"Paano, aalis na ako," paalam niya rito.
Humaba ang nguso ng ate bago siya mahigpit na niyakap. "Bisitahin mo ako ah, mag-iingat ka palaging babaeta ka!" Mahaba ang ngusong bilin nito sa kaniya na ikinatawa niya na lang.
"Ikaw rin, magpayaman ka huh?" Natatawang bilin niya rito.
Birong kinurot nito ang tagiliran niya. "Basta mag-iingat ka, lalo na't mayamang tao ang makakasalamuha mo, hindi naman sa minamaliit ko ang mga tulad nating kailang maghirap para may makain, pero mahirap kasi kapag napasama tayo sa mga mayayamang tao kahit anong gawin natin lagi parin tayong nakatingala sa kanila," mahabang anito.
BINABASA MO ANG
Chasing Her (Dark Series book 3)
Aktuelle LiteraturFRANK MARIO FERRELLE is the example of silent but dangerous man. He came from a well-known family inside and outside of their province. He has this attitude that whenever he likes something or someone, he won't think twice to pursue it. He is a ter...