CHAPTER 39

1.2K 23 1
                                        

ENJOY READING, HONEYS♡♡

TULALA LAMANG ang isang babae habang nakahawak ang dalawang kamay sa rehas ng kaniyang selda. Wala siyang kasama sa kulungan niya, wala siyang maka-usap kaya madalas ay tulala siya at napapa-isip.

"Kung namuhay na lang kaya ako ng simple, aabot kaya ako rito?" Paulit-ulit na tanong niya sa sarili mula no'ng makulong siya. "Kung hindi kaya ako naghangad ng sobra, kung hindi ko na lang kaya hinanap ang tatay ko, magiging maayos ba ang buhay ko?" Mapait siyang napangiti kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha. Gigil niya itong pinunasan pero mabilis din namang nababasa ulit ang pisngi niya dahil sa sunud-sunod na pagtulo ng kaniyang luha.

"Gusto ko lang naman magkaroon ng buong pamilya, matinong pamilya at pangalan pero....bakit iba ang natanggap ko?!" Puno ng hinanakit na pagkausap niya sa kawalan kasabay nang panggunita niya sa kaniyang mga alalaala noon.

Dungisan ang isang batang babae habang naka-silip sa mga batang naglalaro sa lansangan. Nakatayo siya sa likod ng isang puno at nakadungaw lang ang kaniyang ulo upang tanawin ang mga naglalaro. Gusto niyang sumali pero....ayaw naman nila siyang isali sa laro.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita siya ni Ben, ang isang batang kasama sa laro ng pantintero, akmang tatakbo na siya nang magsitakbuhan ang mga bata sa gawi niya.
Pinalibutan siya ng mga ito.

"Gusto mong maglaro?" Nang-uuyam na tanong ni Ben sa kaniya.

Kusang tumango ang ulo niya kahit natatakot at nahihiya siya. Sana nga ay maging kaibigan na niya ang mga ito.

"Ano nga ulit ang pangalan mo?" Tanong ni Anne, nasa pito o walong gulang din siguro ang bata.

Natahimik ang batang babae at napatungo. Hindi niya alam ang sasabihin, wala siyang pangalan, hindi niya alam kung bakit pero sa tuwing tinatanong niya ang nanay niya ay wala itong sagot sa kaniya. Ang lagi nitong sinasabi ay wala talaga siyang pangalan at huwag-na-huwag daw siyang makikipag-kilala sa iba gamit ang gawa-gawa niyang pangalan niya. Mahigpit na bilin iyon ng ina.

Chasing Her (Dark Series book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon