CHAPTER 19

1.4K 37 3
                                        

ENJOY READING, HONEYS♡

HINDI INAASAHAN ni Eloissa na sa pagbukas niya sa pintuan ay bubungad sa kaniya si Franco. Hindi pa nga niya nararamdaman ang 'peace of mind' na sinasabi nito ay heto na naman ang binata sa harap niya.

"I'm sorry but we have to talk," panimula ng binata.

Sino ba naman siya para paalisin ito at kainisan? Ito ang may-ari kung nasaan siya ngayon at pareho silang biktima.

"Pasok ka," imbita niya rito nang makitang nanatili lang ito sa pagkakatayo.

Huminga ito ng malalim. "Thanks,"

Kumunot ang noo niya. "Bakit ka nagpapasalamat, eh sa'yo naman ito?"

Tipid na lamang ngumiti si Franco at naupo sa leather sofa. Sumunod siya rito at piniling maupo sa upuang paharap dito.

"If you don't mind, may i ask you something?" Panimulang tanong nito.

Nararamdaman na niya kung anong klaseng tanong ang posibleng itatanong nito sa kaniya pero nagtanong pa rin siya. "Tungkol saan?"

Umayos ito ng upo at seryosong tumitig sa kaniya. "About what happened to you, do you have any idea why someone portrayed as you?" Straighforward na tanong nito.

Nagdadalawang isip parin siya kung sasabihin niya ba ang lahat-lahat dito o huwag na lang.

"You see? I'm willing to help you, i'm willing to set you free from your cages," dagdag nito na halos ikatigil ng pagtibok ng kaniyang puso.

He is willing to help her? Would she trust the man infront of her?

Then he spoke again. "Paano kita tutulungan kung hindi ko alam kung saan o paano?"

Tumikhim siya, wala namang mali kung sasabihin niya siguro ang pinagmulan niya? Wala naman sigurong mali kung ibabahagi niya ang isang masalimuot na buhay niya?

"Hindi mo ba ako naalala?" Tanong nito.

"Paano naman kita makikilala? Nagkita na ba tayo noon?" Balik niyang tanong.

Napaka-imposible namang kilala niya ito o di kaya'y nagkita na sila. Naningkit ang mga mata niya kakatitig sa mukha ng binata, hindi ito umiwas at hinayaan siyang titigan ito, tama ba ang hinala niya? Bakit nga ba pamilyar sa kaniya ang binata simula pa no'ng una silang magkita?

May kinuha ito sa at kapagkuwan ay iniharap sa kaniya, nanlaki ang mga mata niya kasabay ng pagbilis ng tibok  ng kaniyang puso. Hindi niya mahanap ang tamang salita habang nakatitig sa kwentas na hawak nito, kilalalang-kilala niya ang kwentas na hawak nito. Wala sa sariling nakapa niya ang leeg.

"Paanong—p-paano napunta sa'yo iyan?" Nanlalamig na tanong niya.

"You were seventeen when we first met," he stated at the same time a vivid memory flashed through her mind.

Halos magiba ang dibdib niya sa sobrang lakas ng tibok nito. Napahawak siya sa kaniyang bibig kasabay ng unti-unting pagtulo ng kaniyang mga luha. How come that she forgot about the man who made her feel strange feelings? The man infront of her was the man she met almost five years a ago, ang pinakahuling ibang taong nakita at nakilala niya bago siya ikinulong.

"It's you..." she weakly muttered.

Inilapag nito ang kwentas sa kaharap nilang mesa. "I got this when you fell out of tree," paliwanag nito.

Wala sa tamang pagkakataon para mag-init ang pisngi niya but she did, ramdam na ramdan niya ang pag-akyat ng dugo niya paakyat sa magkabilang pisngi niya. Nakakahiya naman talaga ang unang pagtatagpo nila pero sa kadahilanang mahina siya sa pagalala pagdating sa mga mukha ay nakalimutan niya ito lalo na't isang beses lang naman sila nagkita. And now looking at Franco, masasabi niyang sobrang laki pa nang ipinagbago nito kesa sa dati.

Chasing Her (Dark Series book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon