CHAPTER 13

1.5K 37 2
                                        

ENJOY READING, HONEYS♡

IIKA-IKANG naglakad sa Eloissa, halos gumapang na siya dahil sa sakit na nararamdman. Pakiramdam niya ay paulit-ulit na hinahati ang katawan niya.

Nang sa wakas ay narating niya ang counter ng mini bar kung saan uminom ang binata, mabilis na hinanap ng mga mata niya ang annulment papers.

Nanginginig ang kamay na penermahan niya iyon.
Hindi lang naman ang kamay niya ang nanginginig kundi ang buong katawan niya lalong-lalo na ang mga hita nita sa tuwing inihahakbang niya iyon.
Pero kahit ganun ay hindi siya tumigil sa paglalakad.

Nang mapadaan siya sa may pasilyo kung saan may nakasabit na mamahaling wall clock ay napatingin siya sa oras. And it says it was now two AM.

Maingat siyang naglakad kahit pa ilang beses siyang natumba at napapa-upo na lang sa malamig na tiles.

Nang masulayapan niya ang gate ay maluha-luha siya dahil sa tuwa. Kahit nahihirapan siya ay binilasan niya ang paglalakad kahit pa ang bawat hakbang niya ay pakiramdam niya ay pinupunit ng paulit-ulit ang pagkababae niya. She doesn't care anymore, all she wants is for her to be free tonight.

Nang nasa tapat na siya ng gate ay humarap siyang muli sa mansiyong tahimik. As she stared at it, hindi niya maiwasang hindi malungkot at masaktan, aalis siyang hindi siya nakikilala ng mga taong nasa loob niyon, aalis siyang hindi nababawi ang pagkatao niya.

A bitter smile appeared on her lips before she finally open the small door on the gate carefully so that it won't make noise.

Nang makalabas siya ay napayakap siya sa sarili nang sumalubong sa kaniya ang malamig na hangin.
Tanging ang suot niya ay ang pajama niya, t-shirt ng binata at ang nadampot niya mamahaling coat nito para ibalot sa katawan niya dahil wala siyang suot na underwear—hindi na niya nahanap iyon.

She let the road giudes her way to what it leads her. Hanggang sa makarating siya sa malaking high way.

She stop from walking and just stared at the vehicles that passing by. Sa harap niya ay matatayog na mga gusali na pinapatingkad ng ilaw nito. May mangilan-ngilan siyang taong nakakasalubong at naglalakad katulad niya kahit pa mag-uumaga palang naman.

The city was still busy even before morning came. Nagpatuloy siya sa paglalakad ng walang direksyon hanggng sa tuluyan na niyang nararamdaman ang panghihina. Sa gitna ng kaniyang pagtawid sa kalsada ay nanlabo ang paningin niya, hindi niya maigalaw  ang mga paa at unti-unti naring nandidilim ang paningin niya, sa gitna ng pedestrian lane ay bumagsak ang katawan niya sa kalsada.

NANG MAGISING SIYA ay nasa hindi niya kilalang silid na siya. Nababalot siya ng makapal na kumot ngunit ramdam na ramdam parin niya ang lamig. Mas hinigpitan niya ang pagkaka-kapit sa kumot, hindi na inisip kung nasaan siya sa mga oras na iyon, ang mahalaga ay maibsan man lang ang lamig na nararamdaman niya.

Napamulat siya ng mga mata nang marinig na lumangitngit ang pintuan ng kinaroroonan niya tanda na may pumasok. Nahihirapan man ay inaninag niya kung sino iyon.

Bumungad sa kaniya ang isang may katandaan ng matanda, may bitbit itong tray at papalapit na sa kaniya.

Nang mapansin nitong gising na siya ay may masuyong ngiti ang gumuhit sa mga labi nito dahilan para mabawasan ang takot na nararamdaman niya.

"Ipinagluto kita ng sopas, hija nang mainitan ang sikmura mo." Habang nagsasalita ito ay itinabi nito ang dalang tray sa maliit na mesa sa tabi ng kinahihigaan niyang kama.

Nahihirapang sinubukan niyang bumangon at mukhang nakita ng ginang ang pagngiwi niya kaya naman maagap siya nitong tinulungang makaupo at isinandal ang katawan niya sa headboard ng kama.

Chasing Her (Dark Series book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon