CHAPTER 10

1.5K 33 1
                                        

ENJOY READING, HONEYS.

BUMABA si Franco mula sa sasakyan at nilapitan ang natutulog na si Eloissa.
Tinapik niya nang mahina ang pisngi nito para gisingin. Hindi naman nagtagal ay unti-unting

bumukas ang mapupungay nitong mga mata.

"Hmmm." Mahinang ungol ni Eloissa, nang bumukas ang mga mata niya ay mabilis niyang naitulak ang binatang napakalapit ng mukha sa kaniya bago siya mabilis na tumayo.

Nakatulog pala siya, hindi niya namalayan.

Katulad niya ay tumayo rin ito mula sa pagkakaluhod.

"Why are you here? Planning to run away?" Merong paghihinalang mababakas sa boses ni Franco.

Malakas na napabuntong hininga si Eloissa. "Kung gusto kong tumakas ay malamang hindi mo na ako maabutan dito!" Hindi niya maiwasang hindi magtaas ng boses.

Wala siyang balak na tumakas hangga't hindi niya nalalaman ang dahilan kung bakit merong taong kamukhang-kamukha niya at kapangalan niya rin. If only they can talk normally with the man infont of her. Gusto niyang itanong dito kung saan nito natagpuan ang asawa? Pero hindi niya magawa dahil baka isipin nitong baliw na siya kaya naman mas mainam nang magpanggap na siya nga talaga ang asawa nito.

"Then, why are you here?" Tanong muli ni Fraco.

Walang ganang itinuro niya ang gate. "No'ng lumabas ako hindi ko namalayang sumara pala, mabilis din iyon nag-locked. Ilang beses na akong nag door bell pero walang nagbubukas sa akin." Paliwanag niya rito para hindi na ito magtanong nang magtanong.

Magkasalubong ang kilay na tinitigan siya ulit ng binata. "You know the passcode." He said with a matter-of-fact tone.

Doon natahimik si Eloissa. "Ang hirap namang magpanggap." Mahinang bulong niya sa sarili.

"What did you said?" Usisa nito.

Mabilis siyang umiling. "Naku! Wala...wala..ang sabi ko, Nakalimutan ko na." Binuntutan pa niya iyon ng pilit na tawa.

Nagulat siya nang makitang may pinindot lang ito sa maliit na remote galing sa bulsa nito dahilan para bumukas ang malaking gate. Pagkatapos ay walang pasabing pumasok sa loob ng sasakyan at pinasibad iyon papasok sa loob.

Napaubo pa siya nang masinghot niya ang usok na nanggaling sa tambutso ng sasakyan nito.
Malalim siyang napabuntong hining bago napagdesisyunang pumasok.
Bago man niya isinara ang gate, sumilip muna siya sa kung anong itsura ng kalsada sa labas. May munting ngiting gumuhit sa kaniyang labi nang masilayan ang mga street lights. Hanggang sa nabuo ang isa na namang katanungan sa kaniyang isipan.

"Nasaan kaya ako? Anong lugar kaya ito?"

Bumuga siya ng marahas na hininga bago tuluyang isinara ang malaking gate. Matapos ay pumasok na siya sa loob.

Gusto na lang niyang mahiga at matulog, nararamdaman kasi niyang makirot parin ang tagiliran niya idagdag pang medyo natagalan siya sa pagkakaupo sa semento sa labas kanina.

Habang naglalakad ay nakasalubong niya ang katulong na nagbilin sa kaniya kaninang maglaba.

Akmang lalapitan niya na ito at babatiin ngunit linagpasan lamang siya nito na parang hindi siya nakatayo at nakatingin dito.

Napanguso siya. "Hindi marunong magpasalamat." Bulong niya sa sarili. "Di bale na." Bago siya nagtuloy-tuloy na ng lakad paakyat sa grand staircase.

Habang nasa kalagitnaan siya ng baitang ay nakasalubong niya ang binata, pababa na ito.
Saglit silang nagkatitigan ngunit mabilis din siyang nag-iwas ng tingin at akmang lalagpasan na lamang ito nang bigla nitong pigilan ang braso niya. Her breath literally stop, pakiramdam niya ay nakuryente siya dahil sa hawak nito. Napalunok siya ng matunog bago dahan-dahang nag-angat ng tingin dito.

Chasing Her (Dark Series book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon