CHAPTER 4

1.4K 37 1
                                        

Enjoy reading, Honeys.

NAGISING SIYA sa tunog ng langitngit ng pintuan, tanda na may pumasok. She didn't bother to sit nor to move, she remained lying in the cold floor.

Then she heard a footstep coming on her way.
Nang makalapit na ito sa tabi niya ay may naamoy siyang mabangong aroma ng isang pagkain. Awtomatikong tumunog ang tiyan niya. It's been so long since the last she smell such an aroma.
Ang pinapakain naman kasi sa kaniya ng tita niya ay mas masarap pa siguro ang pagkain ng baboy, minsan ay hindi rin siya hinahatiran ng pagkain.

"Kumain ka na 'raw, sabi ni senyorito." Magalang nitong pahayag.

Doon siya nagpasiyang lingunin ang babae, the woman is on her middle-age or above.

"Ipinagluto ko po kayo ng paborito niyong beef steak." Tila kinakabahan na anito na ikinakunot ng noo niya.

Paborito niyang pagkain? She is sure that this is the first she met the woman. Wala namang taong may alam ng paborito niyang ulam kundi tanging ang mama at papa niya lang, at ang tinutukoy nitong paborito niya 'raw' na ulam ay hindi naman iyon.

"Maiwan ko na po kayo." Magalang na paalam nito.

Mabilis niya itong pinigilan. "S-andali po..." tumikhim siya, ngayon lang ulit siya may makaka-usap na matino. "Bakit po parang kilala niyo ako..?" The confusion was visible on her face.

May dumaan na galit sa mukha ng may katandaan ng babae ngunit mabilis lang iyon naglaho at napalitan ng takot. "Maiwan ko na kayo.." Pagkatapos ay nagmamadali itong lumayas sa harap niya at malalaki ang hakbang na lumabas sa kwarto kung nasaan siya.

She was left there alone at a lost. She can't understand anymore. Tulad ng lalaking kumuha sa kaniya ay parang kilalang-kilala siya nito.
Ibinaling niya ang tingin sa pagkaing nakalagay pa sa tray. May kanin, beef steak at prutas.
Dahil siguro sa gutom niya ay pansamantala niyang nakalimutan ang lahat ng kalituhan niya. Mabilis niyang linantakan ang pagkain.
The moment she tasted the food was the moment a tear shedded down on her cheeks. Finally! A decent food. A real food for human.
Malalaking sunud-sunod na subo ang ginawa niya. She is too happy to finally have a decent meal.
Dahil sa laki ng subo niya ay nagkanda-ubo-ubo siya. Mabilis siyang nagsalin ng tubig sa baso at ininom iyon. Pagkatapos ay bumalik siya ulit sa pag-kain.

Napahinga siya ng maluwang nang maubos niya ang lahat ng inihatid sa kaniyang pagkain. Ang pitsel ng tubig ay nangalahati ang laman.
Tumayo siya at naglakad papunta sa bintana. Ganun na lamang ang tuwa niya nang mapagmasdan ang ganda ng bilog na buwan. The stars are twingkling and the moon shines so bright, enough to calm her down, the scenery was enough to put a small-smile on her face. 

MEANWHILE on the other hand, Franco was watching Eloissa from where he is standing. A familiar feeling arose earlier when he saw Eloissa's eyes. And he know that kind of feeling, he only felt that a long time ago, maybe four years ago.
He shooked his head. "No! Hindi na ako maloloko ng babaeng ito." Nagngingitngit ang kaloobang bulong niya sa sarili before he decided to leave that place.

WHEN MORNING came, Eloissa wake up because of the sunrise that was peeking from the open window.
A warm feeling coated her whole being.

"Ah! It's been so long since the last time i've witnessed the sunrise." She commented with bitter-sweet smile.
Nagkusot siya ng mata bago naglakad palapit sa binata para damhin ang araw.
She closed her eyes as she let the sunrise kissed her skin. 

Nasa ganun siyang ayos nang biglang may nagsalita mula sa likuran niya.
Mabilis siyang humarap at awtomatikong umusbong ang takot sa puso niya nang masilayang muli ang lalaki.

Chasing Her (Dark Series book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon